#SMBB_25

1.3K 28 0
                                    

"I'm tired na!!" dabog netong kasama ko.

"Ayan na oh. Tara na" sabi ko sabay akbay tapos hila na sakanya habang naglalakad, ayaw na kasing umandar eh. Alanganamng buhatin ko edi apat apat yung dala dala kong bag.

Tapos pag nakarating na ako sa dati naming bahay, halos gumapang na ako papunta sa bahay sa sobrang pagod. Hay nako.

"Oh! Migbalik ne pala i Ezekiel! Mas lalo kang mesanting ah! Makasanting manila ne? Haha (Oh! Bumalik na pala si Ezekiel! Mas lalo kang gumawapo ah! Nakakagwapo sa manila noh? Haha)" sabi nung tita ko pag karating na namin sa bahay. Nagbless naman ako sabay tawa.

Si Tita Sally yan, nakababatang kapatid ni nanay. Sya yung tita kong masiyahin at makulit kasama, paminsan chismosa rin yan hindi maubos ubos yung chismis nyan pag nakausap mo.

"Haha. Si tita talaga oh, ali naman pu. Yaku parin ini (Hindi naman po, ako parin toh)" sabi ko sabay siko dito sa katabi ko na tinitingnan ang labas ng bahay.

"Uhmm. Hi" sabi nya at kumaway sa tita ko. Oh sige hindi nya alam kung paano magbless haha batang amerikana nga naman oh.

"Ke gandang dalagita Kiel ah. Tau mya? Nanung lagyu? (Ang gandang dalaga kiel ah. Girlfriend mo? Anong pangalan) " nakangiti pang sabi ni tita habang nakatingin lang kay Vanessa na may pahawak hawak pa sa kamay. 

Yung tingin naman ni brat halatang nagaalinlangan sa kamay ni tita hahaha,  ano nanaman kayang iniisio netong kaartehan?

"Uhmm opo, tao po ako?"

"HAHAHAHAH" tawa ko sa bigla nyang pagsagot "Hindi halata brat" Sabi ko sabay pigil ng tawa kasi naman nakatingin na ng masama eh.

Kasi naman bakit ganun yung sagot nya,  like duh hindi naman ganun katanga si tita para tanungin kung tao sya hahaha. Atsaka bakit kaya sya sumagot,  eh hindi naman sya tinatanong at hindi naman nya naiintindihan.  Tsk tsk tsk yan tuloy napahiya sya haha.

"Ay hahaha hindi yun ang ibigsabihin nun iha"

"Nakuuu. Tita. Kaluguran at amu ku mu ini. Huy ano daw pangalan mo? (Tita. Kaibigan at boss ko lang toh)"

"Ahh. Nice to meet you ma'am. I'm Vanessa Alvarez, friend of Kiel."

"Ahh. Ay nako iha wag mo akong ienglishing. My nose is blooding when it comes to english"

"Hahaha tita. Bleeding hindi po blooding"

"Ay ganun ba? Sensya na ka ah" sabi ni tita at tumawa nalang kami tapos nagkamustahan hanggang sa dumating isa ko pang tita na.

Si Tita Jen, sya yung nakakatandang kapatid ng nanay ko. May pagkastricto pero astig naman pag nakasama, para ngang tomboy toh eh kaso nga lang hindi, may asawa at 2 anak na nga eh.

"Oh Balu ku i Cherry lang ing muli pati pala ika (Akala ko si cherry lang uuwi pala ikaw). Sige Godbless" sabi nya sabay bless ko.

"Heheh surprise po"

Napangiti at napailing nalang si tita tapos napatingin sya dito sa katabi ko na wala paring kibo. Sarao batukan at pagsabihan na magmano kanina pa eh "Ninu yan? (Sino yan?)"

"Si Vanessa pu, Kaluguran at amu ku pu"

"Amu? (Boss?)" nagtatakang tanong ni Tita Jen

"Opu. Amu ku pu keng opisinang luluban ku pu (Opo. Boss ko po sa opisinang pinapasukan ko po)"

"Ahh. Iha hindi ba sakit sa ulo tong si kiel? Sabihin mo lang saakin, dati pang handa yung walis para pamapalo sa pwet nya" Medyo nagblush naman ako dun sa kahihiyan,  leche hindi na ako bata para pagsabihan ng ganun noh!  Amp at talagang kay Vanessa pa nya sinabi.  Aish nakakahiya!

She's my brat boss [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt