#SMBB_39

1K 23 0
                                    

Kiel's POV.

"What a lucky girl" walang ganang sabi ni Maddi matapos akong babaan ni Vanessa.

"Huh?"

"Sa MCDO muna tayo ah" sabi nya at tumango naman ako. On the way lang naman yung mcdo eh. Kaya pwedeng pwede namin yun daanan.

Nung andun na kami nagorder na sya at magiistay sana muna kami dun kaso wala ng upuan kaya sa labas nalang kami kumain.

To be specific sa may parking kami kumain.

"Wala bang nagaalala sayo dun sainyo? Gabi na oh" sabi ko sabay kagat nung chicken burger na inorder ko.

Umiling naman sya at ngumiti nalang sabay sandal sa kotse ko.

"Wala naman pake yung mga yun kahit pa mawala ako ng ilang araw eh"

"Bakit naman?"

"Eh wala silang pake eh, anong magagawa ko?" pagkatapos nyang sumagot ng MAAYOS kumagat sya na may galit sa burger na inorder nya.

"Wag mong awayin yung pagkain hahaha, wala namang kinalaman yung pagkain inaaway mo" natawa naman sya sa sinabi ko at uminom ng softdrink bago sya magsalita ulit.

"Loko ka talaga eh noh? Hahaha.kaya ka palaging napapagalitan nung teacher natin nung hs e"

"Hahahaha oy hindi kaya palagi. Paminsan nakakalusot ako noh" sabi ko sabay wink sakanya. Napailing naman sya sabay inom nung soft drinks nya.

"That's why I like you"

Okay awkwardddd.

"Maddi... "

"Pfft HAHAHA. Oo na, oo na. Jusko. I know naman from the start your heart belong to Vanessa.  Kaya nga ang swerte swerte nung babaitang yun eh" sabi nya sabay zip nung softdrinks nya ng malakas.

"Nagkakamali ka"

"Tsk. Pambihira naman Kiel oh. Hanggang ngayon ba naman mali pa rin ako?" sabi nya sabay kamot ng ulo, pero maya maya tumawa sya. Haha baliw din toh eh "Oh. Why am I wrong this time?"

"I'm the one who is lucky to have her" sabi ko habang nakatingin sa langit ng nakangiti.

Siguro nga hindi sya perfect pero para saakin she's enough and she's worth it.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot saamin hanggang sa...

"Arayy"

"Luh. That's just a light punch, duhhh. Gay" asar nya. Psh light punch daw eh halos lahat ata ng sama ng loob nya tinuon nya saakin eh. Sakit kaya bigla biglang manununtok, ano ako punching bag?

"Para san ba yun? " tanong ko sakanya na may pagkainis. Nakatingin lang sya sa langit habang nakacrossed arms at huminga ng malalim.

"Nothing. I just.... I just wanna say thank you for accompanying me here and for the treat." sabi nya habang tinitingnan yung softdrinks nya habang iniiswirl ito "You know what, it's my first time"

Bago ako magsalit uminom muna ako, "First time mong ilibre?"

"No. I mean, it's the first time we did this" sabi nya sabay ngiti. "As friends" Ngumiti na rin ako para iwas awkwardness.

"Psh eh ikaw kasi eh parang Vanessa ang arte, sikat, maganda, brat..."

"Yun nga lang mahal mo sya" sabi nya sabay iwas ng tingin, tingnan ko sya kahit madilim kitang kita ko sa mga mata nya na mangiyak ngiyak na sya "Kahit halos parehas kami ni Vanessa. She's way better than me."

Kumakain sya habang tumutulo yung luha nya. Pinatong ko muna yung burger ko sa harap ng kotse, at inakbayan sya. Kinokomfort ko sya kumbaga.

"Kahit anong gawin ko... She's still the best... Kaya nga parang wala lang ako sa mama ko eh because I can't beat her. Palagi nalang si kuya o si ate ang magaling kay mama. Alam ko naman kasi sa tatay ko yung pinakanaging malas si mama kaya siguro binubuntong nya nalang yung galit nya kay pala,  saakin.  Pero ang sakit sakit pa rin pag kinukumpera nya ako kay Vanessa parang mas anak nya pa yun kesa saakin"

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now