#SMBB_6

2.1K 38 1
                                    

"O.M.G" gulat na sabi ni Stacey at nagpapalit palit yung tingin saamin ni Vanessa. 

Napanganga naman ako sa nakikita ko ngayon. Grabe! Tadhana na ba ang matatawag ko dito? Jusko Lord! Wag naman sana. Ayoko pang mamatay haha joke, ang oa. 

Pero seryoso kung sineswerte ka nga naman oo. Sa dinarami-rami ng lugar at sa laki ng mall ng mall na toh may nakita pa akong demonyo. 

"Huy! Pati ba naman dito sinusundan mo ako?" biro ko nalang para sa namumuong awkwardness sa pagitan namin. 

"Ewww. Don't be such a feeler! Anyway, what are you doing here?"

"Uyyy may pake na sya saa--"

"Lucas. I'm just asking. Tsss feeler" pagpuputol niya sa sinasabi ko sabay pumamewang. 

"Bal, tapos na ako-" naputol naman yung sasabihin ni Cherry nung nakita niya sila Vanessa, "Hi po Ma'am Vanessa. Hi Ma'am Stacey"

"Ohhh I see what's going on here" ngumisi si Stacey na parang nangaasar habang tinitignan kaming dalawa ni Cheery, "You two are dating, aren't you?"

Napansin ko naman na lumaki ng konti yung mga mata ni Vanessa pero nawala rin naman kaagad iyon at umayos na ulit siya nang tayo. Natawa naman ako dun pero pinigilan ko lang. Nakakatawa naman sya mashock. Laki kung laki talaga ng mata. Tarsier lang ang peg? Mas pashockin ko pa kaya.

"Paano kung sinabi kong oo?" sabay akbay dito kay Cherry.

"HUH?!" sigaw nilang dalawa. 

Alam nyo kung sino? Edi si Vanessa at Cherry hahaha. Talaga tong bestfriend ko. Hindi marunong makisama. Buti pa tong si Ma'am Stacey ngumiti lang, wala nang sinabi. 

Mas lalo ko naman hinigpitan yung pagkaakbay sakanya, "Makisama ka nalang" bulong ko sakanya na may kasamang ngiti para hindi halata.

Nakita kong tinignan nya ako ng masama pero ngumiti na rin sakanila.

"Omyg? Yiee hahaha. I knew there's something going on between the two of you. Right Maxine?" sabi ni Ma'am Stacey na kilig na kilig kami tumawa lang ng mahina. Mukhang hindi tama yung ginawa ko hehe.

Well... Siguro naman makakalimutan din nila toh noh? Infact para na rin naman kaming magshota netong si Cherry eh but we're not, we're just bestfriends.

"Yeah. Let's go" tipid nyang sabi tapos umalis na.

Pagkaalis nila nagbuga ako ng hininga at tinanggal yung pagakbay kay Cherry. Hue! Grabe kaintense yun ah.

"Ang weird naman ng kinilos ni Vanessa noh? I mean sinabi ko lang na nagdadate tayo bigla na syang nanahimik? Bakit kaya?" Tingnan ko naman tong katabi ko. Ayun! Tulala rin! Anyare dito? May nasabi ba akong masama? At parehas silang natulala ni Vanessa? Abno din tong dalawang ito oh! "Cherry? Cherrrryyyy?"

"Ha? Ay sorry. Bakit? Anong sinasabi mo?" pagbabalik niya sa realidad. Ano ba yan, kanina pa toh nazozone out ah. 

Nararamdaman kong may problema talaga ito. 

"Asa mars ka na"

"Tsss" at nauna ng naglakad.

"Ano ba kasing inisip mo? Parehas kayo ni Vanessa kanina pa nakatulala!" habang nakapangewang na hinaharangan yung dadaanan nya

"Ha? Ako wala. Siya parang nashock ata dahil sinabi mong nagdadate tayo" pahina ng pahina yung boses nya habang sinasabi nya yun. Problema nito? Naging napakamahiyain ata? Luh!

"Hahahaha bakit hindi ba?"

"Loko ka rin eh noh?! Hindi naman kasi eh. Hindi naman kaya tayo couple ehh" sabi nya na nakakunot ang noo. Konti nalang mangangain na sa tingin eh. Hala sya oh, biglang na beast mode?

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now