Naramdaman niya ang pagkalabit sa kanya ni Andy. Marahan niya itong nilingon. Wala man itong sinabi halata naman sa mukha nito ang mga katanungan.

Bumuntong-hininga siya. Siguro nga ay kailangan niya ng mailabas ang bigat sa dibdib sa taong maaari niyang pagkatiwalaan. "I heard something yesterday. I think it was Savage. M-may tinatakot silang lalaki, hindi ko alam kung estudyante ba dito o outsider. S-sabi ni Arq..." Natigil siya saglit para lumingon sa kanilang paligid. Medyo maingay sa loob ng kanilang silid-aralan kaya sa tangin niya ay silang dalawa lamang ni Andy ang namumukod-tangi ang mundo. Wala namang estudyante na sa tingin niya ay nakikiusisa nang pasimple sa pinag-uusapan nila. Muli niyang binalingan si Andy at mas lumapit pa rito. "...papatayin daw nila 'yong tao."

Saglit itong natigilan subalit hindi naman kakikitaan ng pagkabigla sa itsura. Matagal na si Andy sa eskwelahan kaya naisip niyang malamang ay hindi na bago ang ganitong issue ng Savage para dito.

"Nakita mo ba kung sino 'yong lalaking binantaan nila?" Tanong nito kapagkuwan.

Napailing-iling siya. "Hindi e. Atsaka, wala na rin akong balak pang usisain kung sino 'yon dahil natatakot akong mahuli ng Savage."

Tumango ito. "Well, stay out of it. Hindi mo na dapat pinoproblema ang ganyang bagay. As long as you're safe, that kind of trouble shouldn't bother you."

"Pero kasi nakakaawa iyong tao."

"Isipin mo na lang na noong ikaw ang naparusahan ng CLL, bukod samin nina Yuan at Pearl ay wala namang ibang naawa sa'yo. Kaya hayaan mo na lang 'yong taong 'yon."

"Kasi wala namang nakakaalam na pinarusahan ako ng CLL."

"Sigurado ka ba?"

Saglit siyang natigilan. Kung hindi siya nagkakamali sa pag-intindi sa sinabi nito, masasabi naman niyang mali ang kanyang buong akala na walang nakaalam ng parusa sa kanya ng Savage. 

At kinumpirma ni Andy ang naiisip niya nang idagdag nitong, "80% ng mga estudyante ditong babae ay kasali sa CLL. So, don't think that nobody never knew about your punishment."

She looks around again, particularly at the girls, disbelieving they knew about her punishment. They may seem ignoring everyone, especially someone not-so-important like her but she starts to think that maybe most of them might be talking ugly things behind her back. But she doesn't care as long as she can't hear.

Ang tanging hiling na lang niya ngayon ay sana'y kinalimutan na ng mga ito ang issue tungkol sa parusa niya. Sana nga ay ganon na lang din siya. Sana ay makalimutan na niya ang hindi magandang bagay na narinig mula sa Savage.

At, tama si Andy. Walang may pake sa kanya kapag siya ang nasa trouble— bukod sa dalawa niyang totoong kaibigan. Kaya hindi na dapat siya manghimasok sa problema ng iba.

Huminga siya nang malalim at saktong dumating na ang kanilang professor kaya tahimik na naman ang kanilang klase. Sana lang ay normal na talaga ang araw niya ngayon dahil para na siyang mababaliw sa mga kaisipang hindi naman niya dapat iniisip.


HER special quiz went well. She was thankful that she was able to remember what she have reviewed considering that nothing was sinking into her mind. It would have been an epic embarrassment if she got a zero score.

Matapos ang kanyang special quiz ay sabay silang nagtungo ni Andy sa pantry para mananghalian. Habang patungo roon ay nasalubong nila si Yuan, na halatang doon din ang punta.

"Hey, girls!" Nakangiting bati ng binata sa kanila.

"Hey!" Bati rin ni Andy na may kasama pang fist bump.

Natawa siya sa batian ng dalawa. Tila ba close na close ang mga ito.

"Hi, Lara! Kamusta?" Baling sa kanya ni Yuan.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now