.60

7.4K 165 43
                                    

FINALE




Minsan may mga taong nakakagawa ng maling desisyon di dahil masama silang tao, kundi tao sila at hindi perpekto. Si Thomas, nakagawa siya ng isang maling bagay noon, isang bagay na labis na sumira saakin. Isang bagay na naging simula ng lahat, ng paghihirap ko at ng pagdurusa ko. Hindi ko alam na yung taong sobrang mahal ko, ay siya palang taong minsan ng sumira saakin. At alam mo yun? Kahit ilang ulit niya pa akong saktan, hindi parin nagbabago ang lahat. Mahal ko parin siya. Mahal na mahal ko parin si Thomas.

At ang tanga-tanga ko. Ako na yata ang pinakatangang tao sa mundo. Alam ko sa sarili ko na sinaktan niya ako pero siya parin naman ang humila saakin pabalik. Binuo niya ulit ako. Minahal niya ako ng sobra higit pa sa kinailangan ko. Pero ako, nagpadaig ako sa galit ko. Hindi ako nakinig sakanya. Hindi ko siya hinayaang magpaliwag kahit sandali lang. Napakaraming sorry na ang hininga niya saakin, pero kahit pagpapatawad man lang, ipinagkait ko sakanya. Hindi ko siya napatawad kaagad dahil sa galit ko.

At ngayon, habang buhay kong pagsisisihan ang nangyari. Hindi na sana umabot sa ganoon kung pinatawad ko siya kaagad. Ang sama ko kasi eh, ang sama-sama ko!

"Ate, tulala ka na naman?" Mabilis kong ningitian si Celine at umiling.

"May iniisip lang ako."

Kailangan eh, kailangan kong ngumiti na parang wala lang. Kailangan kong magsalita at makipag-usap sa iba na parang maayos lang ang lahat. At kailangan kong magpanggap na hindi ako nasasaktan. Pilitin ko mang ipaalala sa sarili ko na maayos na ang lahat, na nangyari na at wala na akong magagawa doon. Nangyari na ang nangyari at hindi ko na mababago yun. Dala-dala ng konsensya ko yun araw-araw. Kailangan kong maging malakas dahil hindi lang ako mag-isa, may anak ako sa sinapupunan ko.

"Iniisip mo na naman ba yun?"

Hindi ako umimik. Ilang buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon sariwa parin sa memorya ko ang lahat ng nangyari. Ang mga bakas ng kotse na nahulog sa bangin, at ang pagsabog ng kotse niya. Lahat ng iyon sariwa pa sa utak at mata ko.

"Hindi ko maiwasan Celine.."

"Ate.." Lumapit siya saakin at inakbayan ako. "Hangga't patuloy mong iniisip ang bagay na yun, hindi ka sasaya. Kailangan mong tanggapin na nangyari na ang lahat, wala na tayong magagawa." Tumango ako at pinunasan ang luhang nakatakas sa mata ko.

Siguro nga kailangan ko ng tanggapin na nangyari na yun at wala na akong magagawa pa.

"Cara.." Napalingon ako kay Robert na kakarating lang. "Bibisita sina Isabelle dito bukas." Tumango ako at ngumiti.

Kahit papano ay binibisita naman ako nina Isabelle, masaya ako at maayos parin ang trato nila saakin matapos ang nangyari. Ganon sila kabuting tao, hindi nila ako sinisi. Palagi nilang sinasabi saakin na may rason ang lahat, at yun ay ang magpatawad habang maaga pa, habang hindi pa huli ang lahat.

"Salamat Robert.."

"Nah, it's okay." Sinulyapan niya kapatid ko at nakita ko ang bahagya nitong pagngiti bago muling bumaling saakin. "Let's go? Nasa kotse na ang pinapabili mo saaking bulaklak at kandila."

Inayos ko ang damit ko at tumayo. Inalalayan naman ako ni Robert palabas ng bahay. Limang buwan na ang tiyan ko, hindi paman lumalabas ang batang nasa sinapupunan ko ay mahal ko na siya. Ayokong mangyari ulit yung nangyari noon. Ayokong magsisi na naman sa huli.

"Celine mauna na kami, ikaw na muna ang bahala sa bahay at kay Jr."

"Sige ate, ingat kayo.. Robert, dahan-dahan sa pagdadrive, buntis yang kasama mo." Paalala ni Celine kay Robert. Ngumisi naman si Robert at tumango.

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon