.11

6.5K 91 2
                                    

TAKAS







"Bakit hindi kapa nag reready jan? Hindi kaba papasok?" Kunot noong tanong saakin ni Jade. Umiling nalang ako.

"Hindi muna.."

"Bakit?"

"M-masakit katawan ko eh.." pagsisinungaling ko. Tumango nalang siya at iniwan ako sa sala.

Hindi naman talaga masakit ang katawan ko. Nasanay narin ako kaya parang wala na saakin ang sakit sa katawan. Ayoko lang talagang pumasok ngayon dahil kay Thomas.

Alam kung makikita ko siya doon. Kahit hindi ko hilingin, kusa ko siyang makikita doon.

At hindi ko alam kung paano siya haharapin. Matapos nong mga sinabi niya saakin kagabi, hindi ko na alam.

Maraming tanong sa utak ko. At sa dami ng mga tanong na yun, hindi ko na alam kung saan ako mag sisimula. Bakit niya ako hinintay doon? Bakit siya nandoon? Bakit niya sinabi saakin ang mga yun? At marami pang iba.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. At natatakot ako na itanong yun sakanya, dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag sinagot na niya ang mga iyon.

"Sige alis na kami girl.." paalam saakin ni Jedayah

"Sige.." sagot ko

Naiwan akong mag-isa sa loob ng apartment. Dahil wala narin naman akong magawa, lumabas nalang ako para bumili ng makakain.

Muntik na akong atakihin sa puso pagbukas ko ng pinto ng makita ko ang isang lalaking nakangiti saakin.

Jusko ...

"Hi.." nakangiting sabi niya. Napalunok ako

"A-anong ginagawa mo dito?" Alas dyes pa naman ng umaga, ang akin lang naman eh bakit siya nandito?

"Napadaan lang ako. Aalis ka?"

Tumango ako.

"Oo eh.." tumango rin siya habang nakangiti

"Gusto mo samahan kita? I mean kakain sana ako sa labas eh.."

"Baka naman nakakaabala lang ako.."

"No, you will never be a disturbance Maria.."

"P-pero kasi..."

"Please? Pambawi ko lang sayo dahil sinamahan mo ako nong isang gabi.." ningitian niya ako ng matamis.

Bumuntong hininga nalang ako saka tumango. Total wala rin namang makakakilala saakin sa labas dahil wala naman akong make-up kaya ayos lang.

Sumakay kami sa dalang motor ni Robert. Ang sabi niya saakin ay bigbike daw ang tawag doon. Ang ganda nga eh, kaso nakakailang dahil kailangan kong yumakap sakanya para hindi ako mahulog.

"Ayos kalang ba?" Nakangiting tanong niya nang huminto kami sa isang magandang restaurant. Pang mayaman ang restaurant na pinuntahan namin kaya hindi ko maiwasang hindi mamangha.

"Oo.." ningitian ko siya "ang ganda dito.."

"Let's go?" Tumango ako at saka sumunod sakanya papasok.

Mas lalo naman akong napamangha nang makapasok kami sa loob. Sosyal talaga ang dating.

"This way sir.." sabi ng isang babaing sumalubong saamin

"Are you fine in this place? Or do you want to..."

"Ayos lang, ang ganda nga dito eh.."

Pagdating namin sa table na pinagdalhan saamin nong babae ay pinaupo naman ako kaagad ni Robert sa bakanteng upuan.

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon