.53

3.9K 75 6
                                    

PYANSA





Dalawang araw na akong palaging pumupunta ng prisinto. Doon narin ako kumakain kasabay si Thomas, kung pwedi lang sana ay gugustuhin kong doon matulog kasama siya pero hindi naman yun pwedi. At ngayon, nandito ulit ako sa prisinto, hinihintay ko siyang makalabas dahil pwedi na siyang mag bayad ng pyansa. Patuloy parin ang pag-iimbistiga at ang kaso. Aattend parin kami sa mga hearings at ang hinihintay nalang namin ngayon ay ang magising si Mikaela.

Mayroon sa loob kong gusto ng magising siya para malinawan na ang lahat pero mayroon ding naghahangad na sana wag nalang. Oo sobrang sama nito pero masisisi niyo ba ako? Pag nagising siya, malaki ang posibilidad na tuluyan niyang ipakulong si Thomas, at ayokong mangyari yun! Ayokong mawala saakin si Thomas. Ayokong malayo sakanya.

"Cara.." Napalingon ako sa lalaking tumawag saakin. Si Thomas. Sa wakas ay makakalabas na siya, pansamantala. "Makakalabas na ako!" Masayang sabi niya habang niyayakap ako.

Malawak ang ngiti ko at niyakap din siya ng mahigpit. Di bale ng pansamantala lang ang mga ito, basta makasama ko lang siya.

"I love you Thomas.." Bulong ko sakanya. Naramdaman ko ang mumunti niyang mga halik sa aking ulo kaya mas lalo akong napapangiti.

"Mas mahal kita.." Sagot niya saakin.

Nagpasundo kami sa driver ng daddy niya. Si Robert, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Nong isang araw ko pa siya hindi nakikita eh. Sana pagbalik niya ay okay na talaga siya.

"Anong ginagawa niyo ni Robert nong wala ako?" Biglang tanong niya habang magkayakap kami sa loob ng kotse.

"Wala. Kino-comfort lang naman niya ako nong mga araw na yun."

"Anong klaseng comfort?"

Sumimangot ako at tiningala siya. Nakatingin siya saakin ng malagkit kaya mas lalo akong napasimangot.

"Thomas naman.."

"I'm just kidding." Ningisihan niya ako "I trust you.."

"Dapat magtiwala karin kay Robert.." Sagot ko sakanya

Tinaasan niya ako ng kilay sabay haplos sa buhok ko. Dapat talaga bumalik na yung dating samahan nina Robert. Napakagandang samahan ang meron sila noon, pero sa kasamaang palad ay bigla nalang nasira.

"Why?" Tanong niya saakin

"Kasi ganon naman dapat diba? Thomas, mabuting tao si Robert.."

"He loves you, pwedi ka niyang agawin saakin..."

"Ikaw ang mahal ko at alam niya yun. Ikakasal na tayo at tanggap niya yun. Nag momove-on na siya Thomas, sana ikaw rin." Paliwanag ko sakanya.

Bitter kasi siya masyado kay Robert eh. Lagi niyang iniisip na maagaw ako nito pero ang totoo ay hindi naman. Kung aagawin man ako ni Robert ay sana noon pa nong may panahon pa, nong hindi pa siya ndg propose saakin, diba? Tsaka hindi rin naman ako magpapaagaw. Kahit agawin man ako ni Robert sakanya, walang kasiguraduhang mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal ko kay Thomas. Si Thomas lang naman talaga eh, siya lang.

"Alright then, I'll try." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo. "I'll to act normal when he's around. I'll try not to be jealous everytime. I'll try not to burst in anger..." Pinutol ko siya sa pagsasalita

"Teka nga, bakit gakit ka sakanya?"

"Because he loves you." Iniwas niya ang tingin saakin at nakabusangot ang mukha "And this is so fvcking gay but insecuries hits me.." Wala sa sariling sabi niya.

Napangisi nalang ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Ibang klase!

"Mahal na mahal talaga kita Thomas." Nakangising sabi ko

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon