.7

7.7K 107 0
                                    

PARK




"Are you okay? How are you feeling?" Nag-aalalang tanong niya saakin.

Nakaalis na yung si Jenny at ngayon ay kami nalang dalawa ang nandito sa parking lot.

"A-ayos lang ako.. S-salamat.." hindi ko siya magawang tingnan sa mata.

Hindi ko na naman alam kung ano ba dapat ang maramdaman. Masaya ako na nasasaktan. Hindi ko maintindihan.

"Damnit! Sino ba yun?" Umiling ako

"Costumer yung lalaki. Tinulungan ko lang tapos ayun napagkamalan akong kabit.." napangiti ako ng mapait.

"Good thing I found you here.." napaangat ang tingin ko sakanya.

"Bakit ka nandito?"

"I was about to go inside the club, then I found you here.. with that girl.."

Bumuntong hininga nalang ako.

Meron nga talagang mga taong ganun no? Yung tipong hindi pa nga nila alam ang tunay na nangyari ay huhusgahan ka na kaagad. Bakit? Dahil ba sa estado ng buhay ko? Dahil ba sa trabaho ko?

"Salamat ulit.."

"Nah! Don't mention it." Tinitigan niya ako. Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil pakiramdam ko ay matutunaw na talaga ako.

Bakit ba siya ganito? Naguguluhan na talaga ako sa lalaking to eh.

"S-sige, pasok na ako sa loob. May trabaho pa ako eh." Alam kong kabastusan ang ginagawa kong pagtalikod sakanya matapos niya akong tulungan kanina. Pero hindi ko na kasi kayang makasama pa ang isang to gayung hanggang ngayon ay nanatili parin siyang misteryo.

"W-wait!" Tawag niya saakin.

Huminto ako sa paglalakad pero hindi parin ako lumilingon. Hayy

"Bakit?" Tanong ko nang hindi lumilingon sakanya.

"You don't have to go inside.." malamig na sabi niya. Napalingon ako sakanya at napakunot ang noo "Let's go out."

"Ano?"

"Let's go somewhere.." bago pa ako nakapagsalita ay hinila na niya ako papunta sa kotse niya.

Ano ba itong ginagawa niya?!

"T-teka nga! Ano sa tingin mo itong ginagawa mo?!" Inis na tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot. "Ano ba!"

Huminto kami sa harap ng isang magarang kotse. Hindi ito yung kotseng sinakyan ko nong una.

"Sasama ka saakin sa ayaw sa gusto mo." Ngumisi siya at bago pa ako nakakibo ay binuksan na niya ang frontseat at pinasok ako doon. Napamura ako dahil doon.

"Ano sa tingin mo tong ginagawa mo?!" Inis na sigaw ko sakanya pagpasok niya sa loob ng kotse.

"I saved you, and I need a payback."

Kinabahan ako at sakabilang banda ay naiinis. Katulad karin pala ng iba!

Pinaandar na niya ang kotse niya at saka nagpaharurot paalis. Hindi nalang ako nagsalita. Aba matinde! Dahil sa ginawa ng hinayupak na ito, malamang ay wala na akong trabaho bukas! Leche!

"Pag ako nawalan ng trabaho, malilitinkan sa saakin!" Sabi ko sakanyang nang huminto ang kotse dahil traffic.

"Edi mabuti." Ngumisi siya

"Ano?!"

Tumawa lang siya at saka pinaandar ulit ang kotse.

Hindi niya kasi ako naiintindihan! Kahit ganun ka sama at ganun ka laswa ang trabaho kong yun, hindi ko maitatago na importante saakin yun! Kailangan ko ng makakakitaan!

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon