.57

3.8K 73 6
                                    

SA KOTSE



Tatlong linggo..

Tatlong linggo na mula nang makulong si Thomas, At miss na miss ko na siya! Gabi-gabi akong hindi nakakatulog dahil sa kakaisip. Hindi ako agad-agad nakakatulog sa gabi at bigla rin akong nagigising sa hating-gabi.

"Tulala ka yata?" Tanong saakin ni Robert.

Nasa labas ako ng bahay, kung nakakatunaw lang ang titig siguro kanina pa tunaw itong swimming pool.

"Miss na miss ko na siya.." Wala sa sariling sabi ko. Napabuntong hininga ako at lumingon kay Robert. Seryoso siyang nakatitig saakin.

"Malapit na siyang lumabas."

"Alam ko, miss ko lang talaga siya."

"May itatanong ako sayo.." Nagkibit balikat siya sabay tingin sa malayo "Paano kung isang araw malaman mong may nagawa si Thomas na isang bagay na mas malala pa dito? Well, kunwari lang naman."

Bigla nalang kumalabog ang dibdib ko. Tanong lang naman yun ni Robert, kunwari lang. Pero sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"A-anong mas malala? Nakapatay ba?" Ngumisi ako para mawala yung kaba sa dibdib ko.

"Hindi nakapatay, muntik lang. Pero sa ginawa niya, parang pinatay narin niya." Ang kaninang ngisi ay bigla nalang naglaho sa labi ko. "Mapapatawad mo ba siya? Tatanggapin mo ba siya ulit?"

"Bakit mo natanong?"

"Gusto ko lang malaman.."

Inalis ko ang tingin ko kay Robert. Napalunok ako. Kung sakali mang may mas malala pang ginawa si Thomas kesa dito, papatawin ko parin siya. Mahal ko eh. Kahit ilang ulit akong umahon sa pagkakalunod, malulunod parin ako pabalik sakanya. At ngayong nagugustuhan ko na ang pakiramdam kung paano malunod sa kanya, parang ayaw ko ng umahon pa.

"Babalik parin ako sakanya.."

"Papatawarin mo?" Mabilis akong tumango at lumingon sakanya

"Kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo rin ang mga kapintasan niya. At kahit gaano siya ka makasalanan, siya parin si Thomas, yung taong mahal ko."

Tumango siya at ngumisi saakin. Pinatong niya ang kanyang siko aa kanyang hita habang nakatingin saakin.

"Susunduin kita manaya ahh."

"Saan tayo pupunta?"

"Ipapasyal kita."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya.

Nang maghapon ay may natanggap akong isang delivery box, laglag ang panga ko nang makita ang laman nito. Isang napakanggandang dress ang laman nito. Wala akong ideya kung sino ang nagpadala nito pero may nakalakip na sulat sa gilid nito, agad ko itong binasa.

Wear this later tonight. I'll fetch you.

- Robert :)

Wala na akong nagawa nang pilitin na ako ni Celine na isuot ito nang mag alas sais. Nilagyan niya rin ako ng make-up, light lang pero parang hindi ako itong nakikita ko sa salamin.

"Saan ka natutong mag make-up Celine?"

"Nag part-time job ako nuon sa isang parlor bilang janitress, nanunood ako kapag may minimake-up kaya natuto narin ako."

Nang mag alas syete na ay sinundo na ako ni Robert. Nakasuot siya ng kulay maroon na V-neck shirt at faded jeans, simple pero ang gwapo niya sa itsura niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang pinaandar na niya ang kotse paalis.

"Engagement party na friend ko." Nakangising sabi niya

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon