.14

5.5K 83 4
                                    

I LIKE YOU




You make it look like it's magic
Cause I see nobody, nobody but you, you, you
I'm never confused
Hey, hey
I'm so use to being used

"Kanina pa yan palingon-lingon ahh, wala ka bang balak na magpakita sakanya?"

"Sasayaw ako ngayon sa harap nang hubo't hubad, ano sa tingin mo? Bka kaladkarin pa ako niyan palabas no!" Sagot ko kay Jade

"Wow, ano mo siya boyfriend? Bakit ka niya pipigilan eh trabaho mo naman yan?" Napabuntong hininga ako sabay iling.

"Ewan ko, hindi ko rin alam."

So I love when you call unexpected
Cause I hate when the moment's expected
So I'ma care for you, you, you
I'ma care for you, you, you, you, yeah

"Eniistress mo lang yang sarili mo eh, eto oh panpawala ng nerbyos." Inabutan ako ni Jade ng isang stick ng sigarilyo. Napakunot ako ng noo

"Nag yoyosi ka?" Tumango siya

"Obvious ba?"

"Hindi ka naman gumagamit niyan noon ahh?"

"Tss, people change Magdalena." Nakangising sabi niya "Kung ayaw sige akin nalang. Arte mo ahh." Sabi niya saka ako iniwan sa may sulok.

Sasayaw ako mamaya nang hubo't-hubad. Kaso nandito si Thomas. Bwesit ano ba kasing ginagawa niya dito?

At kailan pa ba ako naging concious sa sarili ko? Dati naman wala akong pakialam sa paligid ko. Ang importante lang naman saakin ay yung kumita ako. Pero ngayon, hindi ko na alam.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin kay Thomas sa malayo. Kanina pa siya palingon-lingon sa paligid. Alam kong hinahabap niya ako. Hindi naman ako tanga para mag maang-maangan kung sino ang hinahanap niya dito sa lugar na to.

Cause girl you're perfect
You're always worth it
And you deserve it
The way you work it
Cause girl you earned it
Girl you earned it

Tumalikod na ako't handa ng umalis nang bigla nalang may humawak sa kamay ko. Napalingon agad ako at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko siya.

"T-thomas.." Sambit ko. Nakatingin lang siya saakin.

"I've been looking for you. Are you avoiding me?" Mahinang tanong niya. Agad naman akong napailing

"H-ha? Hindi ahh! H-hindi ko kasi alam na nandito ka." Pagsisinungaling ko.

"Alam kong kanina kapa dito. Bakit hindi ka lumapit saakin?"

So alam niya na nakatingin ako sakanya kanina pa? Jusko.

"T-thomas kasi..." Napabuntong hininga ako ningitian siya ng mapait "Sasayaw ako mamaya, okay? Sasayaw akong hubo't-hubad sa harap ng mga lalaking yan." Turo ko sa mga tao "Kaya ako hindi ako nagpapakita sayo kasi nahihiya ako. Thomas alam mo naman ang trabaho ko diba?"

"I told you to stop, right? And you told me that you are going to work for me, and not anymore in this place. Then what now?"

"Thomas..."

"This will be the last. I tell you, this will be the last."

Yun lang ang huli niya niyang sinabi bago siya umalis sa harap ko at bumalik sa kinauupuan niya. Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko.

Nang makababa na sina Jedayah sa stage ay oras ko na para ako naman ang sumayaw. Tangina kinakabahan ako! Hindi naman ako dating ganito. Ewan ko. Wala akong choice eh. Kailangan kong kumita ngayon para may maipadala ako sa mga kapatid ko.

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon