Lost Souls

45 8 2
                                    

Âmes Perdues
Ella

Anong oras na ba? Hindi ko na nasundan ang buwan sapagkat muli itong natatakpan ng mga ulap. Napabuntong hininga na lamang ako at nilingon si Adrien na tahimik lamang sa tabi.

"Sa tingin mo ba ang makakalabas tayo dito? Sila Fabio kaya? Hinahanap ba tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Niligaw na din siguro sila" napaka negatibo naman nitong lalaking to!

"Umayos ka nga! Sigurado akong nakalabas na sila ngayon at hihingi sila ng tulong sa mga otoridad para hanapin tayo" ganyan nga Ella, manatili kang positibo!

"Hindi siguro." sagot niya at napabuntong hininga na lamang ako.

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung ano ang ugali mo, kung ano ang takbo ng isipan mo"

Nakita ko ang paglingon niya sakin. May pag tataka sa kaniyang mukha at hindi ko naman siya masisisi.

"Minsan masungit ka, minsan grabe ka nalang mantrip sakin. O kaya naman iinisin mo ang aking social status dahil sa isa lamang akong simpleng mamamayan samantalang kayo ay mga dugong bughaw. Hindi ko lang talaga mabasa ang takbo ng utak mo. Ang gulo gulo mo. Kanina lang nahihiwagaan ka sa ganda ng kalangitan tapos ngayon sumisiksik ka dyan sa gilid. Hindi kita maintindihan." pag aamin ko sa kaniya.

Lagi ko kasing iniisip kung ano ba talaga ang ugali ni Adrien? Mabait ba talaga siya tulad ng ipinakita niya sa market noong nakaraan? Matapobre noong unang araw niya pa lamang sa amin? Hindi ko talaga alam.

"Una sa lahat, hindi ako libro para basahin ang lamang ng utak ko. Pangalawa, pakialam mo ba. I act naturally according to my surroundings. Wala akong pinepeke. Masaya ako kung dapat ay masaya ako. Magagalit ako kung may ginawa ka nanamang kapalpakan na ikakagalit ko. Tulad ng ginawa mong pagpunta dito" sinamaan niya ako ng tingin at napakamot naman ako ng ulo.

"Oo na oo na, hindi na dapat ako nag punta pa dito. Oo na din, dapat hindi ko binabasa ang utak mo, di ko din dapat pinag hihinalaan ang iyong mga nararamdaman na isang laro lamang o pag papanggap." sagot ko ngunit may pagka sarcastic sa bawat salitang binibigkas ko.

"Mainam." wika niya. Ayun lang sasabihin niya sakin?

"Sooo...Ano na? Kung iniisip mong naligaw na din sila Fabio, paano tayo makakalibot ng labyrinth ng hindi naliligaw? Para makita na natin sila at makalabas?"

"Hindi ko din alam. Ang mga markang iniiwan natin ay mag isang nawawala. Masyadong malawak at malaki rin nitong labyrinth upang libutin natin ang bawat sulok. Hindi rin dapat tayo maghiwalay sapagkat maaaring hindi na natin makita ang isa't isa." tama ang kaniyang mga sinabi. May punto siya doon.

"Pero hindi ibig sabihin nyan na dapat hindi na tayo susubok pa at susuko na lamang, sigurado akong nag aalala na sila mama at papa." lumingon ako sa paligid.

"Naaalala ko noong bata ako, sinabi sakin noon ni mama na hanggang ngayon ay naririto pa rin si Kristen, ang kaniyang kaluluwa. Tinutulungan niya raw ang mga manlalakbay o mga taong bumibisita dito na naliligaw."

"Hihingi tayo ng tulong sa kaluluwa ni Kristen? Anong magagawa ng kaluluwa na yun? Baka saniban pa tayo niyan!" agad kontra ni Adrien.

"Susubukan lang naman natin. Wala namang masamang mangyayari kung susubukan natin ah" wika ko sa kanya kaya napasimangot na lamang siya.

"Your plan is immature and ridiculous. Like you." komento ni Adrien.

"Psh. Susubukan lang naman, malay mo magpakita talaga siya."

Tumingala ako sa langit at tumingin sa mga tala. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at dinama ang hangin.

"Kristen? Kaluluwa niya? Ghost? Multo? Tulungan ninyo po kami ni Adrien at ituro ninyo po ang daan para po makaalis na po kami dito. Pangako po hindi na po kami babalik dito. Hindi na po kami nangangambala pa. Gagawin ko po ang kahit anong hihilingin ninyo kung meron man po. Nakikiusap po ako sa inyo, tulungan mo po kaming makalabas."

Waiting for AdrienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon