Young Feelings

377 24 4
                                    

Jeunes Sentiments
Ella

Malambot na unan, mabangong kumot at amoy na amoy ko ang bagong lutong tinapay. Siguro ay nasa bahay ako, partikular nasa kwarto ko.
Madilim, nilalamig at nahihilo ako. Di ko pa rin binubuksan ang mga mata ko kahit na kanina pa buhay ang diwa ko.

Masyadong masakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay may lagnat ako. Ano nga ba ang ginawa ko at ganito nararamdaman ko? Di ko na masyadong alam ang nangyari sakin.

"Kamusta na si Ella?"

Narinig ko ang pag bubukas ng pinto at ang boses ni mama.

"Mataas pa rin ang lagnat niya ma cherie. Sabi rin ng manggagamot na nabalian siya ng buto sa kanang kamay niya." sagot ni papa na may pag aalala sa kaniyang boses.

Ma Cherie means my darling

"Kasalanan ko to...Di ko na dapat siya inutusang lumabas pa ng bahay at kumuha ng tubig. Kung hindi dahil sakin hindi mangyayari sa kaniya ito..." narinig ko ang pag iyak ni mama.

Oo nga pala, inutusan ako ni mama na kumuha ng tubig sa may ilog tapos may nakita akong kuting na inaagos ng tubig. Niligtas ko ito ngunit ako naman ang napahamak. Halos mamatay ako noong mga oras na iyon lalo na't walang tao sa paligid.

Di ko na masyadong maalala ang mga susunod na pangyayari. Ang alam ko lang, pinipilit kong iligtas ang aking sarili. Kaya naman laking pag tataka ko nang mapadpad ako muli rito sa bahay ng ligtas. Malamang ay may nag ligtas sakin. Sino kaya siya?

Nang marinig ko ang pag hikbi lalo ng aking mama, agad agad akong nakaramdam ng matinding kirot sa aking dibdib. Ayaw ko sa lahat ay ang marinig ko ang aking mama na umiiyak.

Pinilit kong idilat ang aking mga mata ngunit wala akong lakas. Gusto kong patahanin si mama, gusto ko siyang yakapin at sabihing ayos na ang kalagayan ko ngunit di ko magawa.

"Ma cherie...Tahan na...Wala kang kasalanan...Ipag dasal nalang natin na magiging maayos ang kalagayan ni Ella" pag papatahan ni papa sa aking mama.

Maya maya pa ay narinig ko ang pag bubukas ng pinto sa aking kwarto. Nakarinig din ako ng yapak ng mga paa papalapit sa hinihigaan ko. May naamoy akong mga bulaklak malapit sa akin. Siguro ay may nag lagay ng bagong pitas na bulaklak sa may vase na malapit sakin.

"Mahal na Prince" wika ng aking mama.

"Kamusta na ang kalagayan ni Ella?" nag aalala ngunit maotoridad na tanong ni Adrien sa aking mama.

Teka, kailan pa ito nakialam sa pakiramdam ko?

"Lalong tumataas ang lagnat niya, matapos siyang suriin ng doktor ay kinumpirma nilang nabalian ng buto ang aking anak sa kanyang kanang kamay." wika ng aking mama.

"Ganun ba? Kung ganun ay pwedi natin siyang ipagamot sa isa sa mga médecins royaux sa palasyo. Magagaling ang mga doktor doon at tingin ko ay mas bubuti ang kaniyang kalagayan kapag nagpakunsulta siya roon." sugesto ni Adrien sa aking mga magulang.

Médecins Royaux means Royal Doctors

Kukunsulta ako sa mga mèdecins royaux?! Teka hindi ako isang royal! Ano nanaman bang pakulo nitong Prince na ito?

"Mahal na Prince, hindi na ninyo po kailangang gawin iyan, malaking tulong na po ang pag sagip ninyo sa buhay ng aming anak. Sapat na po ang inyong ginawa, kami pa nga po ay dapat pang mag pasalamat sa inyo." magalang na sagot ng aking papa.

"Ngunit nag aalala ako para kay Ella." madiing sagot ni Adrien.

"Nag aalala din kami mahal na Prince"

Waiting for AdrienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon