Side Chapter

38 8 0
                                    

Madilim na ang gabi ngunit wala pa ring natatanggap na tulong ang dalawa. Pareho lamang silang tahimik, nakaupo sa magkabilang dulo, walang kumikibo sa kanila at pilit nilang di pinapansin ang prisensya ng bawat isa.

Sa bawat pagdaloy ng oras, lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Niyakap ni Ella ang kaniyang sarili upang mainitan. Kumakalam na rin ang sikmura niya dahil sa kakaunti lamang ang nakain niya kanina.

Sumiksik si Ella sa gilid ng pader, bumaluktot siya at niyakap ang dalawa niyang tuhod. Tahimik lamang siyang nag dadasal na sana ay makita sila ni Fabio o ng mga otoridad.

Maya maya pa ay may naramdaman siyang damit sa kaniyang likuran. Nilingon niya ang may pakana nito.

"Sana ay makatulong iyan upang maibsan ang lamig na nararamdaman mo." wika ni Adrien at tumango lamang si Ella.

Mas binalot ni Ella ang coat ni Adrien sa kaniyang sarili. Naaamoy niya ang amoy ng Prince kaya medyo gumaan naman ang loob niya. Pero hindi iyon sapat upang maibsan ang inis niya rito.

"Bakit ka nandidito Adrien?" tanong ni Ella kay Adrien.

"Ikaw Ella, bakit ka naririto? Hindi ba dapat sa bahay ka tumuloy?" balik tanong ni Adrien at tinitigan niya sa mata ang dalaga.

Napaiwas ng tingin si Ella. Nakaramdaman siya ng kunsensya dahil malamang ay nadismaya niya ang kaniyang mga magulang.

"W-wala lang, gusto ko lang naman pumasok sa loob ng labyrinth kaya sumama ako kila Colette"

"Pero masyadong mapanganib ang iyong ginawa! Paano kung naligaw ka? O nasaktan? Sinong tutulong sayo?" inis na sumbat ni Adrien kay Ella.

"I already am lost. We are" pag didiin ni Ella kaya naman natahimik si Adrien.

Panandaliang natahimik ang dalawa. Hindi na muli nila alam ang dapat nilang sabihin sa isa't isa. Napakagat na lamang ng labi si Ella nang tumunog ng malakas ang kaniyang sikmura.

"Nagugutom ka?" tanong ng binata rito.

"Kasalanan mo kasi. Kung di mo sana kinain yung baon ko kanina-" natigilan si Ella nang biglang ipinakita ni Adrien ang baunan niya.

"Hindi ko inubos ang baon mo. Maaari mo na iyang kainin. Hindi naman masarap yang pagkain mo. Mas masarap pa rin ang inihahandang pagkain sa palasyo kesa sa panaderyo ninyo" wika ni Adrien at ibinigay kay Ella ang baunan. Pinaningkitan nalamang ni Ella ng mata si Adrien at napangisi lang ang binata. Tahimik na kumakain si Ella habang tahimik na tinitignan ni Adrien ang dalaga.

"Nga pala, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandidito Adrien?"

Natigilan naman si Adrien sa tanong ni Ella.

"Simple lang, para pigilan ang katangahang gagawin mo. Lalo na't kasama mo yung lalaking yun" napairap naman si Ella sa sagot ni Adrien.

"Hanggang ngayon ba ay malagkit pa din ang tingin mo kay Fabio?"

Umiwas na lamang ng tingin si Adrien at tumitig na lang din sa buwan at saktong kakalagpas lang nito sa isang makapal na ulap. Unting unting bumaba ang liwanag nito sa lupa.

Napahinga ng malalim si Ella kung kaya't napatingin si Adrien sa dalaga.

Pansin na pansin niya ang malakulay tsokolate niyang buhok maging ang kulay asul niyang mga mata na kaparehang kapareha sa kulay ng dagat. Ang paraan ng kaniyang pagkain ay hindi graceful lalo na't kinakamay na lamang niya ang kaniyang pagkain ngunit nakakagaan ng loob dahil sa makikitang ningning mula sa kaniyang mga mata.

"Ganito pala ang tanawin nila Kristen at Hugo noon. Napakaganda" wika ni Adrien kay Ella habang nakatitig siya sa dalaga.

Kamuntikan nang mabilaukan si Ella sa sinabi ni Adrien. Natigilan si siya sa sinabi ng Prince. Nahuli niyang nakatitig sa kaniya ang binata at nakaramdam siya ng pag bilis ng kaniyang puso at pag iinit ng mukha.

"Ano?" nabigla si Ella sa sinabi niya. Maging ang Prince ay nagulat sa mga sinambit niyang salita na dapat ay sa utak niya lamang umiikot.

"Y-yung mga tala sa kalangitan, maganda." alibi ni Adrien at agad tumingala sa langit. Napabuntong hininga si Ella.

Iniligpit ni Ella ang baunan at itinabi sa gilid. Inayos niya rin ang coat ni Adrien, lumapit rito, tumabi sa kaniya at saka tumingala rin sa langit.
"Tama ka nga Adrien, napakaganda nga." wika ni Ella at sabay nilang tinanaw ang kalangitan.

"Napakaganda..." komento ni Ella habang tinitignan ang kinang ng mga tala.

"Oo nga, napakaganda..." sagot naman ni Adrien habang nakatingin kay Ella.

♣♣♣

Waiting for AdrienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon