Side Chapter

47 10 0
                                    

Tahimik na nag lalakad sina Ella at Adrien pauwi sa bahay. Dala dala ni Adrien ang lahat ng pinamili ni Ella habang si Ella naman ay tahimik na nag lalakad.

"Nga pala, sino yung Fabio na yun kanina?" biglang tanong ni Adrien kay Ella.

"Kaklase ko at kaibigan. Bakit?" sagot ni Ella sa Prince.

"Kaibigan? O Ka-ibigan?" pag didiin ni Adrien sa pangalawang salita na kaniyang isinambit.

"Adrien saan nanaman mapupunta tong usapan na to?" taas kilay na tanong ni Ella.

"Nag tatanong lang naman ako"

"Mag kaibigan lang kami Adrien, wala nang iba." maiksing sagot ni Ella kaya naman napangisi si Adrien.

"Mag kaibigan ngunit nanlibre ng harina" bulong ni Adrien ngunit narinig ito ni Ella.

"Narinig ko ang sinabi mo Adrien. Tsaka ano ba, babayarin ka din naman yun noh. At tsaka magkaibigan lang talaga kami, wala nang iba."

"Mainam kung ganun." nakahinga ng maluwag si Adrien nang malaman niyang walang namamagitan kay Fabio at Ella.

"Basta wag kang madalas lumapit doon. Hanggat maaari ay wag kang makikipag kita doon." utos ni Adrien.

"Uhmm, kailan mo pa ako inutusan ng ganiyan?" napakunot ng noo si Ella.

"Ngayon."

"Adrien, kaibigan at kaklase ko si Fabio, natural lang na mag kita kami ano"

Inis na napamura sa utak si Adrien. Sa lahat ba naman ng pweding maging kaklase ni Ella ay yun pang lalaking yun!

May pakiramdam kasi si Adrien kay Fabio. Yung pag tingin niya kay Ella, yung pakikipag usap niya dito. Parang naiinis siya na ewan sa lalaking wala namang ginagawang masama sa kaniya!

"Teka bakit bigla bigla kang nag tanong ng ganyan? Nakakabigla ka naman. Epekto ba yan ng kabaitan mo kanina sa palengke?" tanong ni Ella habang sinusundot ang tagiliran ni Adrien.

"Ano ba, tigilian mo nga yan. Tsaka wala ka nang pakialam"

"Walang pakialam pero ang lakas ng loob na mag tanong tungkol samin." bulong ni Ella ngunit narinig ito ni Adrien.

"Narinig ko ang sinabi mo. Ayaw ko lang siyang lumalapit sayo. Yun lang. Hindi ko siya mapag kakatiwalaan."

Napataas ng kilay si Ella. Hindi niya maunawaan ang Prince. Naguguluhan siya na parang hindi. Parang alam niya ang sagot pero mas gusto niya itong tanungin.

Nag patuloy na lamang sila sa pag lalalakad pauwi ng bahay. Tahimik ang bumabalot sa kanilang dalawa at ni isa ay wala nang nag salita muli.

Ngunit tahimik man sila ay hindi naman matahimik ang utak ni Adrien. Hindi niya maalis sa isipan niya ang Fabio na iyon.

Dahil ba iyon sa selos niya? Selos? Bakit nga ba siya nag seselos sa lalaking yun ehh madali lang naman iyon tapakan.

"Pag nakita ko talagang lumapit iyon muli kay Ella, malilintikan ko na talaga yung Fabio na yun." pangako ni Adrien sa sarili niya.

♣♣♣

Waiting for AdrienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon