Dislike

230 16 5
                                    

Aversion
Ella

Malalakas na katok ang gumising sakin. Ano kayang meron at may kumakatok sa kwarto ko ng ganitong kaaga?

Tinatamad akong bumangon mula sa kama ko. Argh...Mamaya pa naman yung gising ko ahh, maaga pa naman para mag linis sa bahay.

"Mama? May kailangan-" nagulat ako sa taong kaharap ko. Kabukas na kabukas ko ng pinto ay nakita ko siya.

Great, umagang umaga sira na ang araw ko.

"Anong kailangan mong halimaw ka?"

"Ipag luto mo ako ng agahan" utos niya sakin.

Aba naman, kailan pa ako naging yaya nito? Makapag utos tong lalaking to, akala mo naman binabayaran ako.

"Ano ako? Yaya mo? Bakit di ka nalang kumuha ng tinapay sa baba? Mag paalam ka lang kila mama at papa"

"Wala sila Elena at Allen, may inasikaso daw"

Wala sila mama at papa? Hindi nila sinabi sakin pero nag paalam sila dito sa halimaw na to?

"Ipagluluto mo ba ako o hindi?" naiinis niyang tanong sakin.

"Hindi, bakit naman kita ipagluluto? Amo ba kita?"

"Pero dapat lang ay sundin-"

"Edi problema mo na yun kung hindi ko man masusunod ang gusto mo. Mag luto ka mag isa mo" sinaraduhan ko siya ng pinto bago pa siya makapag salita at agad humiga sa kama.

Inaantok pa talaga ako dahil sa dami ng ginawa namin kahapon sa paaralan. Pagod na pagod ang katawan ko at gusto ko ng matinong tulog.

Simula kasi noong araw na yun...Hindi ako makatulog ng maayos. Napa-paranoid ako sa kapaligiran ko dahil sa nangyari.

Hay Ella, wag mo na ngang isipin iyon! Ilang araw na ang nakalipas...Mukhang maging siya nga ay nakalimot na sa nangyari.

Hindi nag tagal ay nakatulog ako at buti naman at hindi na ako muling inabala ni Adrien.

♣♣♣

Naiirita ang ilong ko sa naaamoy ko. Parang iba kasi yung amoy, parang mabaho? Bakit parang amoy usok? Amoy Sunog?

Teka, amoy sunog?

BAKIT AMOY SUNOG?

Bigla akong napabangon sa kama at dali daling bumaba sa kusina. Nasusunog ba ang bahay? Anong nangyayari? LAGOT AKO SA KILA MAMA AT PAPA.

"Anong ginagawa mo?!" bulyaw ko kay Adrien na balot na balot ng kumot, mapa ulo hanggang paa. Ang pinaka dulo ng syansing ang hawak niya at sobrang layo ng katawan niya sa kawali.

Sa kawali naman makikita ang nangingitim at sunog na di ko na matukoy kung pagkain ba to o ano. Lumiliyab din ito kaya naman dali dali kong pinatay ang apuyan.

"Nag luluto ng almusal ko. Hindi ba't iyon ang sabi mo?"

Napahilamos ako ng mukha ko. Kung di pala siya marunong mag luto, di na sana siya nag luto pa! Jusko naman! Madadamay ako sa kalokohan niya!

"Alam kong sinabi kong mag luto ka, pero di ko naman sinabing sunugin mo yung bahay namin!" tinapon ko yung niluluto niya at hinarap siya.

"Ano ba naman kasi tong niluluto mo? Bakit sobrang sunog? Tsaka bakit ubos na yung mantika? Ang dami ng ginamit mo!" ano ba yan, kakabili ko lang ng mantika ehhh.

"Itlog."

Ay grabe, itlog nalang yung niluluto niya pero di niya pa magawang prituhin ng maayos. Wala talaga siyang kwenta pag dating sa mga gawaing bahay.

Waiting for AdrienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon