Side Chapter

52 9 0
                                    

Malakas ang pagbagsak ng likod ni Adrien sa lupa. Yakap yakap niya sa kaniyang bisig si Ella na mahigpit rin ang kapit sa kaniya noong mga oras na iyon.

"A-ayos ka lang ba? Ang sakit ng pagbagsak mo!" nag hihisterikal na tanong ni Ella kay Adrien.

Napaupo si Adrien sa damuhan. Masakit ang kaniyang likod ngunit sinubukan nalang niyang kumilos ng normal upang hindi na mabahala si Ella.

"Ayos lang ako."

"Ella! Ayos ka lang ba? Ang kulit kulit mo kasi, sabi ko nang wag ka nang umakyat sa puno. Nahulog ka tuloy." wika ni Fabio habang inaalis niya ang mga dahon na nasa buhok ni Ella.

"Ikaw kasi, ayaw mong maniwala na may tao talaga sa itaas ng puno. Kung naniwala ka lang siguro dito." saka tinuro ni Ella ang sarili niya. "Hindi mangyayari ito."

Siningkitan nalang ni Fabio ng mata si Ella. Hindi rin talaga alam ni Fabio kung matured na ba tong babaeng ito o hindi.

"At ikaw" agad hinila ni Ella ang tenga ni Adrien pababa. "Ano nanaman bang kinain mo at lalong lumalala yang saltik mo sa ulo? Mambato ka ba naman?!"

"Aray! Ihahatid ko lang naman tong baon mo! Masama ba yun?!" reklamo ni Adrien.

Agad binitawan ni Ella ang tenga ni Adriem at nag ningning ang kaniyang mga mata. Sa wakas ay makakain na niya pala ang croissant na ginawa ng kaniyang mama! Lalo na ang orange juice!

"Hala nasaan? Akin na, gusto ko nang kumain!" maktol ni Ella. Nasapo nalang ni Fabio ang noo niya sa inaasal ni Ella. Pag dating talaga sa orange juice, nag aasal bata itong kaibigan niya.

"Asa ka! Akin nalang to, tutal hati kayo ni Fabio ng pagkain" inis na wika ni Adrien.

Umupo siya ng dahan dahan sa may puno. Masakit ang kaniyang buto sa likod ngunit ayaw niya itong ipaalam kay Ella.

"Ang daya mo talaga! Sakin yun!" pinupukpok ni Ella ang braso ni Adrien ngunit di siya pinapansin nito. Kumuha ng isang croissant si Adrien at kinain ito.

"Waaaahhh! Napaka ano mo talaga!" inis na wika ni Ella ngunit di siya pinapansin ni Adrien.

"Hayaan mo na Ella, kainin mo nalang yung kainakain natin kanina." akay ni Fabio kay Ella. Ngunit ayaw magpadaing ni Ella. Gusto lang talaga niyang makainom ng orange juice.

"Please naman ohh! Kahit kalahati lang."

"May pagkain ka na di ba? Bakit di nalang yun yung kainin mo?"

"Pero sakin binigay ni mama yan!"

"Unfortunately, it's mine now." nakangising wika ni Adrien kaya lalong nainis si Ella.

"Hey, hey, tama na yan. Bumalik nalang tayo sa classroom, malapit nang mag simula ulit ang klase." hinila ni Fabio si Ella palayo kay Adrien.

Naiwang nakaupo ang Prince sa ilalim ng puno. Napanbuntong hininga nalang siya at tinabi ang pagkain. Sumandal na lamang siya sa puno upang mapahinga ang kaniyang likod na hanggang ngayon ay masakit pa rin.

"You're such a jerk Adrien. You really are."

♣♣♣

Makalipas ang ilang oras, nagising si Adrien dahil sa malakas na tunog ng kampana ng paaralan. Hindi niya namalayan ang oras at uwian na pala. Dapat ay kanina pa siya nakabalik sa panaderya, ngunit nakatulog siya sa ilalim ng puno.

Naglakad siya palabas ng paaralan. Tinignan niya ang daanan ngunit nakalimutan pala niya ang daan pauwi.

"What a pain in my butt. Makikisabay na nga lang ako."

Sa tapat ng gate ay hinintay niya si Ella na lumabas ng paaralan.

"Ang tagal ng babaeng yun. Wag niyang sabihin na di na siya uuwi dahil lang sa di ko binigay ang baon niya. She better not be." naiinip na wika ni Adrien.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Ella kasama si Fabio at iba pang mga kaklase niya.

Biglang nakaramdam ng inis si Adrien dahil sa kasama nanaman ni Ella si Fabio. Hindi sinunod ni Ella ang sinabi ng prinsipe sa kaniya.

"Matagal na ba sila mag kasama?! Pati ba naman sa pag uwi ay magkasabay sila?!" inis na wika ni Adrien sa kaniyang utak.

Gusto niyang manuntok, manakal o manapok ng ibang tao dito. Kung kanina lang ay malungkot at mangiyak ngiyak na si Ella dahil sa kinain nito ang baon niya, eto namang si Fabio, pilit na pinapalimot sa dalaga ang nangyari kanina.

Masayang nag lalakad si Ella kasama ang mga kaibigan niya. Palihim naman silang sinundan ni Adrien ngunit habang naglalakad siya ay napansin niyang hindi pamilyar ang daanang nilalakaran nila. Ibang iba ito sa lugar ni nilalakaran niya kanikanina lang.

"Saan papunta tong mga asungot na to?"

Walang nagawa si Adrien kundi ang sundan lang ng sundan sila Ella ng palihim.

Matapos ang malayong pag lalakad, pagod na si Adrien at sawa na rin siyang mag tago. Ngunit mula sa kaniyang pinag tataguan, pansin niya ang malaki at malawak na pader sa kanilang harapan.

"Excited ka na ba Ella? Nandito na tayo!" wika ng isa sa mga kasama ni Ella.

"Syempre naman, hindi na ako makapag hintay! At last, makakapasok na din ako sa loob ng Labyrinth." masayang wika ni Ella.

"Teka labyrinth?!" wika ni Adrien habang nag tatago.

"Nababaliw na ba tong babaeng to? Alam ba yan ng magulang niya?" inis na bulong ni Adrien sa utak niya.

Nag simulang pumasok sila Ella sa loob ng Labyrinth. Lumabas naman si Adrien sa pinag tataguan niya at naglakad sa may entrada ng Labyrinth. Nag tatalo ang utak niya at puso kung susundan ba niya ang babaeng kinaiinisan niya. Sabi ng utak niya na hayaan nalang si Ella tutal kasama naman niya ang mga kaibigan niya ngunit sabi naman ng puso niya na sundan ito at hanapin sila bago pa tuluyang mag gabi.

Hindi niya alam kung ano ba ang susundan niya. Puso ba niya o utak?

"Argh! Bahala na, lagot talaga sakin ang babaeng yung pag naabutan ko siya!" wika ni Adrien at patakbong pumasok sa loob ng Labyrinth.

♣♣♣

Waiting for AdrienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon