Chapter Eleven

39 6 4
                                    

Chapter Eleven:

Isang kapeng personalized for Louis!

________________

LOUIS

Sabado.

Hindi pa tumitilaok sina Toby ay gising at nakaayos na ako. Ngayon ang audition. Wala namang mawawala kung sasali ako, hindi ba? Kahit na pang International ang gwapo ko ita try ko ang pang Barangay. Pang pa hirap sa mga kalaban. Harhar.

Dumiretso na agad ako sa barangay.

Nang makarating ako roon napansin kong nagkakape pa lamang ang mga barangay worker. Pampagising sabi nila, pero naisip ko kung paano ka gigisingin kung gising ka na diba? Iyon yung palaging sinasabi nina Liam at Zayn. Common Since.

Tumuloy lang ako sa paglalakad papasok.

"Ah. Koya?"

"Watah!" Napa-kung fu lang ako ng walang oras. Papaano eh nakaramdam ako ng kamay sa aking balikat. Sinong gagawa non diba? Umagang umaga.

Tumalikod ako at nakakita ako ng isang naka rebond at singkit na lalaki. Oo. Naka rebond. Sosyal.

"Ako sana tanong kung saan palengke dito. Wala kasi ako." Nakangiti niyang sabi. Lalo tuloy nawala ang mata niya.

Sa tono ng kaniyang pananalita mukhang hindi siya taga rito. Hindi ko rin gaano maintindihan ang kaniyang sinabi. "Pwede mo bang pakibagalan? Slow kasi ako hehe pero realtalk hindi talaga kita naintindihan."

"Ako kasi tinda puto Palengke kaya tanong ko kung saan palengke." Turo pa niya sa basket na dala dala.

Palengke pala ang hanap. Hindi nga talaga taga rito. "Ah palengke! Diretso ka lang hangga't hindi ka nababanga guwag kang titigil."

Tuluyan na talagang nawala ang kaniyang mga mata. "Ha! Arigatou!"

Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Arigatou? Halika rito?

"Bakit ako lalapit sa'yo? Hindi kita ganoon kakilala." Lumayo ako ng konti. Baka kasama siya budol budol gang. Sa harap pa talaga ng Barangay Hall.

Kapag hinawakan niya ako, mawawalan ako ng choice kundi ilabas ang aking superpower. Maghuhubad talaga ako.

"Aoki Steve. Ikaw sino?" Ilinahad niya ang kaliwang kamay niya na humawak rin sa aking balikat kanina.

Mukhang nahusgahan ko siya agad. Mali iyon.

Tama! Kikilalanin ko siya.

Nag shake hands kami. "Ako naman si Louis."

"Louis. Mukhang pamilyar. Bilang pasasalamat ay bibigyan kita ng libreng hula."

Hindi na niya binitawan pa ang ilinahad kong kamay.

Ibinaba niya ang dala dalang basket at ginamit ang dalawang kamay sa pag hula kuno. Ni hindi man ako naka oo okaya hindi sa kaniyang hula.

Pumikit siya at may sinasabing mga salita na di ko maintindihan. Hindi nagtagal binitawan niya rin iyon at seryoso siyang nakatingin sa akin.

Mukha pala siyang drawing ni Fizzy noong mga limang taong gulang palang siya. Iyong linya linya lang ang mukha.

"Just hold on. Iyan ang sinasaad ng iyong palad." Tipid niyang sabi.

Sinasaad? Ha. Nakakapagsalita ang kamay ko? Hala.

"May bunganga ang kamay ko?" Chineck ko pa ito para sigurado. Wala naman. Walang bibig. Sa mukha ko lang.

"Wala. Iyon lamang ay isang pahiwatig na maraming pagsubok na dadaan sa buhay mo. Pati kaibigan, pamilya at iba pang tao na nakapaligid sa iyo ay madadamay sa mga desisyon na iyong pipiliin." Muli niyang minasdan ang aking kamay pagkatapos ay kinuha na niya ang kaniyang basket.

The Unbelievable Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon