Chapter Five

27 9 3
                                    

Chapter Five:

Kapag sinabing maiinit pakita mo abs mo

___________________

NIALL

Huminga ako ng malalim matapos kong pagsarhan ng gate si Kendall.

Bakit ba ako nga ba ako nagkakaganito?

Oo nga pala. Si Harry.

Maka-shoo kase akala mo mukha akong ano. I'm not a baboon! Si Justin 'yon! Tas.

Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Ilinagay ko muna si Pat sa kulungan na kakagawa ko palang kanina. Do-it-yourself 'to. Kakapanood ko palang sa Yuchub.

Tapos, tuluyan nakong pumasok sa loob. Nakita ko si Leeyam na nagpapagpag ng kurtina.

Napaupo ako sa malapit na sofa. Hinablot ko din ang remote na nasa aking tabi. Nanonood na naman ng IZ SHOWTIME itong si Liam. Bet niya ata si VG. Si Vice Governor.

"Aba. Bakit ganiyan ang mukha mo? Mukhang pinagsakluban ka nang langit at lupa ah." Saad ni Liam.

Hay. Kita mo nga naman ang kayang gawin ng isang salita sa buhay mo.

"Si Harry kasi sinamahan pa ni Kinder Joy." Sambit ko.

Tense. Ang init. Tumayo ako at kumuha ng maiinom sa ref namin.

"Anong Kinder Joy?" Natigil siya sa kaniyang ginagawa at napatingin sa akin.

"Si Kendall. Anak ni Bruce at Kris. Kapatid ni Kim at Kylie." Sabi ko at inialis ang takip ng mineral wotah sabay inom non.

"Ah 'yung bagong salta sa Jollibee," Mukha siyang napaisip. Hindi niya ba gets 'yung sinabi ko? "Kumusta na nga pala 'yung manok?"

Manok. Tss. Harry.

"Nasa labas. Kausapin mo."

Pumasok na ako sa kwarto ko para ilabas ang sama ng loob ko. Matutulog ako.

_______________

LIAM

Sama ng araw ni Niall ah. Mukhang may hindi nagustuhan sa mga naganap kanina. Bakit nga ba siya galit kay Kendall?

Hay.

Tinapos ko na ayusin ang mga kurtina at nagpahinga na. Naupo ako sa sofa at kinuha yung remote.

Nagpunas punas muna ako ng mukha gamit ang bimpo sa aking leeg.

Yay! EUTBULAGA na!

Nakakagoodvibes ang show na 'to. Pati na din 'yung IZ SHOWTIME.

Saya ng ganito. Walang stress. Walang istorbo.

AYAN. IPAPAKITA NA ANG LAMAN NUNG BOX.

*knock knock*

"Kill joy naman! Ano ba?"

Ang laman nung box ay 10 million pero wala na. Nawalan na ako ng momentum. Mukhang nagagaya na ako kay Niall ah.

Naiinis akong tumayo at pinuntahan ang front door namin.

Hawak ko na ang doorknob nang makarinig ako ng isang kalabog.

Nagmula sa itaas.

Sa mga kwarto. Teka, si Niall ba 'yon?

"Chicken Joy? Adobo?" Patakbo siyang pumunta sa kusina.

The Unbelievable Story Where stories live. Discover now