Chapter Ten

26 5 1
                                    

Chapter Ten:

Ang pinaka HOT na HOTor

_________________

HARRY

Nagising ako sa lakas ng boses ni Zayn. Iyong tono niya kasi makapanindig balahibo. Aba aba. May balahibo pala ako.

"Toby!" Matinis talaga ang boses ni Zayn.

Isinaayos ko ang aking kama. Nag pagpag at nag walis ng kaunti.

Pagkatapos, dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV namin. Mas malaki pa rin ang kina Liam at Niall. May negosyo ang mga iyon habang kami'y wala. 555 inches lang naman kasi ang TV namin. Parang delata lang.

Ganito ang galawan kapag Sabado. Wala naman kasi akong schedule na gagawin.

Gamit ang remote, ilinipat ko ng channel ang aming TV.

Halos napapanood ko na kasi ang mga cartoons na pinapalabas nila.

Hala. Teka.

Nagpapalabas sila ng mga kanta ng ganitong oras.

Nag-pa-pa-audition ata. Teka? Audition? Parang may dapat akong alalahanin sa salitang iyon. Ang hirap talaga ng makakalimutin.

Bumalik ako sa channel na 'yun.

Mayroong isang binatang kulot ang buhok at halatang kinakabahan pero todo ngiti pa rin.

Mayroong lumitaw sa ibaba na Isn't She Lovely. Ito ata ang ikakanta ng binata.

Nagsimulang tumugtog ang paninulang tono.

Napapikit ako. Naramdaman ko ang kanta. Parang mayroon ulit akong alaala na nakadikit sa tinig na iyon.

Madali akong kumuha ng papel. Mabuti't mayroon lang sa kalapit na lamesa. Mukhang ginakit ito ni Zayn kanina bago mamalengke.

Sinimulan kong sinulat iyong kanta. Ganito siya.

Izit si labli?

Izit si wanderpul?

Izit si presiyos?

Les dan wan minit oh

En A neber toht dis lab wud be

Meyk it wan les labli as si

Izit si labli meyd prom lab...

Kumanta pa ito ng katuglong ng kanta pero hindi na ako nakasukat pa. Natapos na ito ng tuluyan. Bakit... bakit parang ang saya ng puso ko?

Wala naman si Louis rito.

Hah! Nababaliw na talaga ako.

Sakto naman ang ingay na nilikha ni Zayn kaya napabalik muli ako sa realidad. Galit ba ulit siya? Nagdadabog eh.

"Harry! Ano pang ginagawa mo? Maligo ka na at ng makapunta na tayo ng Barangay!" Pagalit niyang saad.

Aba. Bakit kami pupunta roon?

"Anong gagawin natin do'n?" Tanong ko.

"Huwag mong sabihin nakalimutan mo na."

Okay. "Hindi ko nakalimutan." Nakangiti kong sabi.

Napasapo si Zayn sa kaniyang noo. Mabigat ba? "Audition para sa Lakan at Muta. Ngayon iyon."

"Muta? Anong Muta? Iyong sa mata?" Tama nga ba yung pagkakarinig ko? Muta? Yung kapag kakagising mo yung nasa mata mo?

Nakatingin ako kay Zayn. Hinihintay ko kasi ang sagot niya. Napansin ko rin na dumagdag lalo ang mga guhit sa kaniyang noo.

May lapis ba ang kamay niya kanina?

"Mutya kako! Sige na, mag-ayos kana." Sigaw niya. Mas lalo ko atang ginalit.

Ma ligo ang kanina tapos mag ayos ngayon. Ano ba naman Zayn.

"Ang sabi mo kanina ma ligo tapos ngayon mag-ayos? Ano talaga?" Nagtataka kong tanong. Isa lang dapat. Hindi pwedeng dalawa.

Binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing kung-hindi-kapa-maliligo-malilintikan-ka-sa-akin.

"Iiwan kita sige." Banta niya pa.

[ Dèjá vú. Ooops. ]

[ Carpe Diem. - HARRY ]

[ Astra per Aspera. - ZAYN ]

[ You're afraid of heights and you left, remember? ]

[ Left? And right ba HOTor? - ZAYN ]

[ It's for you to find out na. Huwag padalos dalos sa mga desisyon dahil hindi mo na maibabalik ang panahon pagkatapos mong makapili. ]

[ Hala. Okay lang ba is you, HOTor? - HARRY ]

[ Okay is me, Harry. Don't worry. ]

[ May umaway ba sa'yo HOTor? Sino 'yan at ng magawa kong pagkain nina Toby. -ZAYN ]

[ Bok! Bok! - TOBY ]

[ Kapag dumating ang araw na iyon. Wait ah, ang sakit kasi sa puso. ]

[ Hala. Hindi ka ba crush nong crush mo HOTor? - HARRY ]

[ Sobra na 'yan ah. ]

[ Tulungan ka naming manligaw, HOTor. - ZAYN ]

[ Kaya ko 'to, guys. Support lang. At, doon sa sinasabi ko, kapag dumating ang araw na iyon. Sana... sana huwag niyong kalimutan ang pinagsamahan niyo. ]

[ Naiiyak ako, HOTor. Wait lang ha. - HARRY ]

[ Hindi ko maintindihan. - ZAYN ]

[ It's you. ]

[ It's me. Ako? - ZAYN ]

[ HOTor? Anong it's you? - ZAYN ]

[ HOTor! Chapi ka. Chapi. - ZAYN ]

[ Okay. 'Till the next Chap, HOTor - ZAYN ]

Ayaw kong maiwan! Hindi ako magpapaiwan. Dapat magkasama kami!

Kumaripas ako pabalik nang aking kwarto. Kumuha ako ng tuwalya at pumasok na sa banyo.

Muntikan pa nga akong madulas eh! Mabuti't nakahawak agad ako sa pintuan.

_________________

HOTor: Edited.

Astra per Aspera means to the stars through difficulties. I got this from Wake Up,
Dreamers. I suggest na basahin niyo rin iyon. Nakaka inspire! 👣

Carpe Diem means Seize the day. Napanood ko 'to sa Dead Poet Society at kay Kris Jenner HAHA. Sa isang episode ng KUWTK, nag uusap sila ni Kylie sa office niya. It was a lit moment HAHA.

Send help. Send memes.

The Unbelievable Story Where stories live. Discover now