Chapter Nine

23 8 0
                                    


Chapter Nine:

Kapag may gusto ka, kunin mo

________________

LIAM

"Alam mo kasi Niall... bata ka pa, at marami ka pang kakaining bigas." Payo ko.

Umiyak pa siya lalo. Ganiyan talaga kapag malungkot. Lahat may ibig sabihin na lalo lang magpapalungkot sa iyo.

"Hindi na ako bata! Magkasing edad lang tayo at tsaka hindi ako kumakain ng bigas sinasaing ko muna iyon para maging kanin." Sagot niya.

Aba. Na-trashtalk ako doon. Savage.

Patuloy lang siya sa pag iyak.

[ Pagkatapos ng tatlong oras. ]

"Ayan," Huminga siya na para bang nawalan ng mabigat na dinadala. "Para akong kumain ng limang kilong bacon ah."

Nakatulala lang ako rito. Sinusundan ko siya ng tingin.

"Pat! Ang cute mo today!" Rinig kong saad ni  Niall sa alagang manok.

Sumagot naman si Pat ang kaso'y sa salita nila.

Wala na akong trabaho sa bahay. Napatahan ko na rin si Niall. Maari na akong makalabas.

Makapaglibot nga muna.

Hindi pa naman masyadong madilim. Marami pa ring tao sa kalsada sa mga oras na 'to at piyesta pala sa Barangay Walang Forever muntik ko ng makalimutan!

Iniimbitahan kasi ako ni Kumareng Sia. Isama ko daw si Niall para simo't daw. Napagtanto ko na marami palang customer bukas. Hindi ko alam kung bakit pero nakiusap ang mga Migos. May appointment tuloy ako. Baka, si Niall nalang ang papapuntahan ko.

Kasalukuyan akong naglalakad at sinipa sipa ang mga batong nasa daan.

Hindi ko namalayan na nabato ko na pala iyong gate nina Kendall.

Pok!

Hindi naman iyong ganoon kalakas. Gilid lang naman ang natamaan ko at hindi naman iyon nagasgas.

Napatigil ako sa paglalakad at minasdan ang bahay nina Kendall.

Walang tao.

Pero, ang inilalarawan ng isip ko ay iba.

Naroon sa veranda ang pamilya niya. Lahat sila. Kumpleto. Pati ang mga ikatlong henerasyon.

Ang sakit lang sa kidney.

Ngumiti ako at tuluyang naglakad muli.

Ang saya siguro ng may kumpletong pamilya. Sama sama niyong sinusuong ang dagat ng problema.

Hindi ko ikinukumpara ang buhay ng iba sa nakagisnan kong buhay. Hindi iyon tama. Ang tanging madudulot lang no'n ay sakit ng loob. At, ayoko non.

Lahat ng tao sa mundo'y natatangi. Lahat kakaiba. Lahat hindi magkakatumbas.

Ngunit, mas pinili ng nakararami na tumulad.

Hindi nila alam na sila mismo'y may kakayahan. Mayroon. Lahat.

Narating ko na ang Circle Park rito sa aming barangay na Aral Muna bago Lande.

Pinuntahan ko ang tindahan ni Ed. Dumungaw ako

Si Rihanna ang nakita ko sa loob. Mukhang masaya sa ginagawa sa kaniyang cellphone.

"Pabili ho ng Sprite." Nag angat naman ng tingin si Rihanna. Tinapos niya muna ang ginagawa sa kaniyang phone bago kunin ang aking binibili.

The Unbelievable Story Where stories live. Discover now