Chapter Seven

24 9 1
                                    

Chapter Seven:

The History between C and D

_______________

CARA

Tumakbo si Louis ng makuha na niya ang biniling Ice cream.

Anong nangyayari sa kaniya? Hay. Hayaan na nga. Baka nakaligtaan patayin 'yung stove sa kanila pero sa kanila ang daan papunta sa kanila. Anong gagawin niya don? Bahala na nga.

"Heto ang iyo Cara," Sambit ni Charlie. Kumuha ako ng pera sa aking bulsa at ibibigay sana iyon sa kaniya bilang kabayaran niya pigilan ako.

"Huwag mo ng bayaran. Linibre ka na ni Louis. Sige mauna na ako."

Aba. Ang swerte ko naman.

Umuwi na rin ako. Kinain ko ang ice cream on my way home. Ang sarap talaga ng Puth's Ice cream. Mapapamura ka sa sarap.

Narating ko na ang bahay.

Muntikan pa akong madapa dahil walang ilaw na nakabukas. Nakalimutan ko na naman. Naku.

"Aba't bakit ngayon kalang?" Si Lola.

Ang mga kamay ko'y nasa hawakan ng hagdan. Wala talaga akong halos makita. Dahan dahan ang hakbang ko sa hagdan.

Mabilisan kong pinindot ang switch na tabi lang ng pintuan sa veranda. Ito ang switch para sa mga ilaw sa labas at dito.

"Lola, bakit nasa labas pa ho kayo?"

Hindi ko kaano ano si Lola pero ang alam ko'y siya nalamang ang natitira kong mahal sa buhay. Siya lang kasi ang nagtaguyod sa akin mula ng bata pa ako. Akalain mo 'yon kahit hindi kami magkadugo.

"Hinihintay kita. Hala eh. Nag date kayo ni Dylan ano?"

Nailuslit pa talaga si Dylan sa tanong.

"Lola! Hindi po! Pumunta lang ako kina Kendall." Inalalayan ko siya papasok sa bahay.

"Kung ganoon eh mas mabuti."

"Ano pong ginagawa niyo sa labas? Dapat nasa loob na kayo sa mga ganitong oras."

"Nabobored ako eh."

"Nandito na ako La. Hindi ka na mabobored." Natatawa kong sabi.

"Galing dito sina Bradley at Shaun. Pinabibigay nila iyang papel. Inipit ko sa cactus sa veranda."

Marunong palang magbigay ang mga 'yun.

Tinulungan ko muna si Lola na makapasok sa kaniyang kwarto. Inihiga ko siya at binuksan ang TV. Binigay ko sa kaniya ang remote.

Lumabas na ako upang kunin iyong papel. Naroon iyon. Binasa ko na din.

( Parehas ng binigay na papel kay Kendall. )

Mutya daw? Mas gugustuhin ko nalang rumampa sa hallway kaysa sumali rito.

Pumasok muli ako para masilip si Lola. Nakatulog na ito. Tahimik akong humahakbang upang mapatay ang TV. Kinuha ko din ang remote sa kaniyang tabi.

Nakangiti ko siyang pinagmasdan.

"Goodnight La. I love you." Hinalikan ko siya sa noo.

Lumabas muli ako at nag tambay sa veranda. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi. Mamaya nalang ako matutulog.

Madilim dilim na rin kaya may mga bituin akong nakikita. Ang ganda.

Para silang kumikintab na pulseras ni Cardi.

♪Hindi mo alam dahil sa'yo ako'y di makakain...

Hindi rin makatulog buhat ng iyong lokohin

Sumabay ako sa kanta pero napansin kong paulit ulit nalang.

Ringtone ko pala yun!

Calling... Baelan <3

Si Dylan? Ano kayang kailangan niya?

{ Hello? }

{ Gaga! Nasaan ka na? Kanina ko pa kayo hinihintay ni Kendall ah! Akala ko bang mamimingwit tayo ng boysh ngayon? }

{ Nasa bahay na ako at patulog na ako nito. Pwede ba tigil-tigilan mo yung 'makabingwit' na line mo na 'yan. Nanggigigil ako. }

{ Haist. Sige na. Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo? }

{ Nag d diet ako. Heto nasa may veranda. Pinapasali nina Bradley sa pa contest dito sa Barangay. }

{ ABA. SUMALI KA! Ako mag-make up sa'yo. Ako na rin ang bahala sa damit mo! Churvanes lahat ng ka fight mo. }

{ Kung ikaw nalang kaya sumali? }

{ Sasali talaga ako kahit di mo sabihin kaso wa epek lang 'tong body ko eh di nakiki cooperate. }

{ Bahala na. Sige ibaba ko na. }

{ Bye bye! May gagawin pa kami ni Fafa Justin eh! Goodnight. }

Toot toot!

Ang baklang 'yon. Kung sino sino kinakasama.

Kung... hindi ko siguro siya sinaktan noon hindi siya magiging ganito ngayon.

___________________

HOTor: Edited.

Ganoon ba ako ka immatured non? WTF nalang ang masasabi ko sa mga dati kong UD's. HAHAHA.

The Unbelievable Story Where stories live. Discover now