Chapter Six

25 9 0
                                    


Chapter Six:

Kalahating araw ni Louis

__________________

LOUIS

"Kuya Louis! May dala dalang Lechong Chicken si Ate Lottie. Kain na!" Rinig kong sigaw ni Phoebe mula sa labas ng aking kwarto. Maraming katok din ang sumundo pagkatapos.

"At, Kuya! May Mang Tomas pa!" Dinig kong dagdag niya.

Ab eh para akong robot kung gumalaw ng marinig ko ang espesyal na salitang iyon.

"Oh, ba't nandito ka pa? Kain na!" Saad ko.

Sarsa here I come!

Nakahanda na pala ang aming kakainin. Nakaupo na sila sa kani kanilang mga pwesto pero napansin kong wala ang kambal kong kapatid. Ang nandito lang ay ang sina Lot Lot, Phoebe, Felicite at mga boyfriend nila. Aba! Pati iyong mga nakakababata ko ding kapatid na kambal wala! Bali apat silang wala!

Nang makababa ako sa hagdan, ipinagkrus ko ang aking nga kamay.

"Aber, nasaan ang dalawang pares ng kambal?"

Si Lot Lot na sinusubuan ang kaniyang kasintahan ang sumagot sa akin. "Pumunta sa Perya sa tabing barangay. Kasama naman nila si Travis at Post. Pinasamahan ko."

Aba't mabuti naman.

Naupo ako sa dulo na kung saan iisa lang ang upuan na nakalagay. Mukha akong hari sa lagay na ito. Hari nga ba? Si Harry ang Hari.

Hindi naman ako nakakaramdam ng kahit anong inis sa mga boyfriends ng mga nakababata kong kapatid. Dumaan na sila sa karayom. Dumaan na sila sa akin.

Kung gusto niyong malaman kung anong pinagawa ko sa kanila maari niyo silang tanungin.

:)

Inabutan ako ng pinggan ni Phoebe dahil siya ang mas malapit. Nginitian naman ako ng boyfriend niya.

Itinutok lahat nila ang pagkain sa tabi ko. Iyong abot ko. Alam kasi nila ang reach ko kaya ganoon.

Agad kong linantakan ang Lechong Chicken.

"Sharap! Shan moh gaweng tong Leshon?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong. Masarap kasi. Sobra.

"Galing 'yan kay Kap. Adam." Sagot ni Lot Lot.

"Abey bumait atay"

"Syempre ako pa? Malakas ata ako kay Kapitan!" Lot Lot.

Natigil ako sa pagkain. May biglaang inpormasyon na pumasok sa isip ko.

"Okay ka lang kuya?" Alalang tanong ni Phoebe. Pati ang kasintahan niya ay napatayo.

Nag thumbs up lang ako at ngumiti.

Ano nga ba itong impormasyon na'to?

Si Liam. Malakas. Parang pareho. Si Liam ang naalala ko sa salitang Malakas. Bakit kaya?

Tinuloy ko nalang ang pagkain kahit na nakatunganga ako sa kawalan.

Matagal bago kami natapos sa pagkain at dahil iyon sa akin. Ikaw ba namang kumain ng Lechong Chicken for Lunch eh talagang mapapasabak ka.

Iniusog ko ang aking upuan. Isa iyong sikret na senyas para sa mga kalalakihan na kasama ng mga kapatid ko.

Agad silang dumako sa pwesto ko at inalisan ng dumi ang t-shirt ko na bigay ni Lil Dicky sa akin noong nakaraang gabi.

The Unbelievable Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon