Matapos naming pag-usapan ang plano ni Aunt Violet ay si daddy naman ang nagsalita. Ikinwento niya sa akin ang lahat ng dapat noon ko pa nalaman.

I already know that my dad is a business man-- that he's surrounded by dangerous people but I am shocked when he said that he was doing an illegal transactions. Doon niya nakilala si Aunt Violet. It's funny how I am calling that woman as Aunt in this situation. Naisip ko lang na kahit papaano ay dapat ko siyang irespeto. After my mom died for giving birth of me Aunt Violet never leaved his side. Like the other lovestory, naging sandalan niya ito. Aunt Violet is my mom's freaking bestfriend. Hindi ko matanggap na pinagtataksilan niya ang sarili niyang kaibigan. Nahulog ang loob ni daddy sa kanya hanggang sa ipinakilala niya ito sa akin. Tinanggap ako ni Aunt--no akala ko tinanggap niya ako but she did not. I remember what my dad said that day when he's telling us that story,

"Akala ko ay mabuti siya. Akala ko makakabuti siya sa pamilya natin. But she's not. She ruined our family. Sinunod ko lahat ng gusto niya because I love her pero mali. Maling mali. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya nalayo ako sa mga anak ko. I will never forgive her." Matigas na sabi ni daddy. He's fuming mad.

Napabuntong hininga na lamang ako matapos maalala lahat ng nangyari. Ngayon ko lang naisip na sobrang dami ng nangyari sa Chrismas vacation ko.

Nang makarinig ako ng doorbell mula sa kusina ay agad akong dumiretso sa may pintuan pero bago pa man ako makalabas ay agad na akong hinarangan ng mga guwardiya ni daddy. Napabuntong hininga na lang ako. I waited at the side of the door until my crazy friends step in our house.

Minsan ay nakakabigla ang mga bantay ni daddy. Bigla-bigla na lang sumusulpot. Ang lalaki pa naman ng katawan, isang tulak lang sakin ng isa sa kanila tumba na ako. Pero subukan lang nila, lilipad sila pag lumanding itong kamao ko sa mukha nila.

Bea and Jandi are not staying with us. Doon pa din sila sa apartment na ibinigay ni Aunt nakatira. Ilang beses ko na silang pinilit na magstay dito pero tinatanggihan nila ako.

"Ate Ven, dad's guards are with us kaya you don't need to worry. We'll be safe." Yan ang paulit ulit na sinasabi ni Bea kaya wala na akong magawa.

Gaya ng nakagawian ay nagmovie marathon lang kami at nagkwentuhan. Kumpleto kami ngayon, Jandi, Bea, Tyler, Lex, Stephanie, Stephan, Maxine, Luhan, and Anthony. Ikinwento ko din sa kanila ang napag-usapan namin ni daddy noong isang gabi tungkol sa birthday ko.

"Omg! I'm gonna buy a dress na! For sure bongga ang birthday party mo Ate Ven!" Sabi ni Stephanie atsaka pa niyugyog ang katabi niyang si Jandi.

"True! Hoy Stephan, samahan mo ako ha? Kailangan ko din ng damit!" Napasimangot naman si Stephan sa sinabi ni bessy.

Napailing na lang ako. Mukhang mas excited pa sila kaysa sa akin. Noong nakaramdam ako ng uhaw ay nagpaalam ako na pupuntang kusina. Sumunod naman sa akin si Anthony.

"O, uhaw ka din?" I asked and offer him a glass of water pero umiling siya.

"Namiss lang kita." Sabi niya,

"Wow ah, lagi nga tayong magkasama tapos mamimiss mo pa ako?" Natatawa kong sabi atsaka siya pabirong inirapan. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya mas lalo ko siyang inasar.

I made face at mukhang naasar nga siya kaya nung akmang lalapitan niya na ako ay agad akong tumakbo palayo sa kanya.

"You can't go far from me, Margarette! So don't make yourself tired because of running!" Base sa pagsadalita niya para namang ang bilis kong tumakbo.

Napatili ako nung mahuli niya ako. Tumatawa-tawa pa ako habang nagpupumiglas sa hawak niya ng may biglang tumikhim. Napatingin kami sa may pintuan nitong kusina and I saw dad looking at us with an unexplainable expression. What's wrong? Is he in a bad mood?

I smiled at him atsaka bumitaw kay Anthony. Lumapit ako kay daddy atsaka humalik sa pisngi niya.

"Do you need something dad?"

"I need Mr. Lee to distance himself from you." Napakunot noo ako sa sinabi ni daddy, what does he mean?

"Huwag masyadong malapit sa isa't-isa." Dagdag niya pa. "Understand?"

Napangiti ako ng maintindihan ang ipinapahiwatig ni daddy.

"Opo..."

"Yes sir."

Pasimple kong tiningnan si Anthony and mouthed 'Scared?' He just looked at me atsaka ngumisi.

Inubos namin ang maghapon ng puro kalokohan ang ginagawa. Dinamay pa namin ang ibang guards at si daddy. Buti na lang at hindi sila naging kill joy. Hindi din bumaba si Aunt Violet. Siguro dahil may mga nakabantay na guards doon sa kwarto niya.

Days had passed at malapit na ang kaarawan ko. Four days to go...

Kumakain kami ni daddy ng umagahan when a man interrupted us. Humahangos siyang huminto sa harapan ni daddy.

"Sir, pasensya na po sa istorbo pero nagkaroon po tayo ng problema." Napatigil si daddy sa pagkain, maski ako ay hindi makagalaw.

"What is it?" Kalmado pero may diing sabi ni daddy.

"Ma'am Violet escaped." Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Napatayo si daddy at galit na sinigawan ang lalaki.

"How the hell did that happened!? I told you to be alert! Always!" Kinwelyuhan niya ito kaya mas lalo akong natakot. Ngayon ko lang nakita si daddy sa ganitong side niya. Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko na naging dahilan ng pagtingin ni daddy sa pwesto ko. Tila doon niya lang naalala na kasama niya pa ako, binitawan niya ang lalaki atsaka humarap sakin.

"I'm sorry, Ven, you can go to your room after you eat. I'll fix this."

"Dad, sila Bea! Dad baka anong gawin niya kina Bea!" Nagpapanic na ako. Paano kung puntahan niya sila doon? Paano kung nay gawin siyang hindi maganda sa kanila?

"Shh... ipapasundo ko kaagad sila sa iba pang guards. Isa pa, may mga bantay sila. I assure you, makikita mo na sila dito mamaya..."

"How about my friends? Anthony? Their family?" Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila.

"Ganoon din sila. Ipapasundo ko sila. And don't worry about their family, nasa resort sila malayo dito. Malayo sa gulo."

Unti-unti akong kumalma with dads words pero hindi ako nagpahinga. Sumunod ako sa kanya, gusto kong malaman ang nangyari at isa pa ay involve ako doon kaya dapat ay may alam ako.

Nagpunta kami sa office ni daddy dito sa bahay kasama ang tatlong lalaki. Sila siguro ang pinagkakatiwalaang body guards ni daddy.

"Kailan siya nakatakas?"

"Kaninang alas quatro po ng madaling araw.." napahilot si daddy sa sentido niya ng madinig ang sagot ng kausap.

Kanina? Alas sais na ng umaga. Paanong nangyari yun? Paanong nagtagal pa ng ilang oras bago nila nalamang nakatakas siya?

"Nasaan kayo ng mga oras na yun? At sa dinami dami ninyo ay natakasan niya kayo!?"

"Nasa harap po ako ng kwarto niya, sir. Nakatutok po ako sa CCTV na nakakonekta sa laptop, pasensya na po. Akala ko po ay siya pa din ang nakatalukbong ng kumot." Paliwanag ng isa.

Kumunot ang noo ni daddy at tumingin sa dalawa pa.

"Magkasama po kami ni Hans na nagbabantay sa labas ng bahay sir. Nahuli po namin siya at ibabalik na sana sa loob ng makaramdam ako ng kirot sa may leeg ko at nawalan ng malay.."

Ibig sabihin ay... may tumulong sa kanya? Malamang. Ayon kina Bea ay may mga tauhan din siya, malamang ay ang mga yun ang tumulong sa kanya.

"So she already knew huh? Magdagdag kayo ng security. Bantayan ang lahat ng dapat bantayan. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin."

Is this really happening? Ano na ang mangyayari?

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now