"I'm not mad at you... ate Ven.." Napalingon ako kay Lisa, tinawag niya ba akong... ate?
"Are you... are you--"
"Yes. I am Beatrice. Beatrice Park. Your sister..."
Beatrice Park's POV
Matapos kong sabihin na ako nga si Beatrice ay agad akong niyakap ni Ate Ven. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya to the point na hindi na ako makahinga, pero ayos lang, dahil sa yakap niyang yon ay naramdaman ko ulit ang pagmamahal ng isang pamilya.
Hindi na nagiging malinaw ang vision ko because of my tears. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong to. Ang pagkakataong matagal ding ipinagkait sa amin ni mommy...
"What happened? Noong... noong nasa park tayo? Bigla na lang kayong nawala..." nakaramdam ako ng inis at lungkot sa sarili nung nakita ko ang reaksyon niya.
"I'm sorry ate, kung sanang naging malakas lang ako. Hindi sana mangyayari to." Nakayuko kong sabi,
"No. Don't blame yourself. Hindi niyo ginusto ito at kung may dapat mang sisihin don. It's me. I'm your father, dapat ako ang prumotekta sa inyo but what did I do? Wala akong ginawa." Bumitaw si Ate sa kamay atsaka humarap kay daddy.
"Sapat na sa amin ang pagmamahal mo daddy. Alam naming ginagawa mo ang lahat para sa amin." Ngumiti lang si daddy atsaka tumango at tumingin sa akin. This time ako naman ang tumango.
"Ang drama niyo naman kasi. Ako dapat ang magrereveal ng mga nangyari kay Lisa e." Pairap na sabi ni Jandi kaya natawa ako. Jandi is my cousin. Walang may alam non kundi kaming dalawa lang, not until dad found me. Jandi's father is my mother's brother.
Nagsimula na akong magsalita at seryoso naman silang nakinig sa akin.
That time, when we're at the park playing hide and seek, mom came. She's with some men and she's looking for someone.
"Where's your yaya?" Agad na tanong niya sa akin kaya itinuro ko si yaya na bumibili ngayon ng pagkain. "How about, Venice. Your sister?" Inilibot ko ang tingin ko at nakita si Ate Ven na nagtatago sa likod ng isang puno. Napangiti ako kaagad doon.
"She's hiding behind that tree, mom." I said giggling. "Wait lang po, we're playing hide and seek kaya lalapitan ko na siya.." nakangiti kong sabi.
"No. Let's go. Aalis na tayo." Agad na napakunot ang noo ko, saan kami pupunta?
"But mom how about ate? Hindi natin siya pwedeng iwan dito!" Hindi niya ako pinakinggan, binuhat ako nung isa sa mga lalaking dala niya atsaka pilit na ipinasok sa sasakyan. Pinuntahan namin si yaya, pagkapasok niya ay hinanap niya si Ate Ven pero nagsinungaling si mommy. Sinabi niyang nauna ng umuwi si Ate Ven kasama yung driver namin kanina.
Nakatulog ako sa byahe. Pagkagising ko ay madilim na at hindi ako pamilyar sa dinadaanan. Where are we? Saan ako dadalhin ni mommy?
"Si Auntie... siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to?" Bakas sa boses ni Ate Ven ang galit. Galit sa mommy ko. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay galit sa kanya.
Ipinagpatuloy ko ang kwento ko.
"Dinala niya ako sa isang probinsya. Itinago niya ako... more on ikinulong. Mahigpit ang pagbabantay sa akin ng mga body guards niya, kahit sa pagpapahangin lang sa labas ay nakabuntot sila sa akin. Ako, isang maid, at mga bodyguards lang ang nakatira sa bahay na pinagiwanan niya sa akin. Minsan ay hinihiling ko na sana ay pinabayaan niya na lang ako kaysa ikinukulong. I don't even know her reason behind all of these shits. Hanggang sa dumating ang araw na natanggap ko na lang ang lahat. Na doon lang ako at mananatiling nakakulong hanggat gusto niya. Until the time has finally come. Doon ako nalinawan sa lahat. Kung bakit niya ako inilayo sa inyo at itinago. She planned all of these.."
Tiningnan ko si Ate Ven, her eyes full of hatred...
"She planned all of these to erase your existence, Ate Ven... she want you gone.."
Nabigla kaming lahat ng tumaob ang maliit na mesa sa harapan namin. Dad is really mad. Pangalawang beses niya ng narinig ang kwentong 'to pero walang nagbago sa reaksyon niya..
"I'm sorry I--I just cant help. I think, I need to excuse myself for now." Tumigil si daddy at humarap sa akin, "Tell your sister what she needs to know. Call me after."
Tumango ako. "Yes dad.."
I look at Ate Ven, she sigh then nod so I continue.
"Until one time, when I woke up I heared mom talking to someone. She's talking with my cousin... Jandi."
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko. Ito ang hindi ko pa nasasabi kagabi. Dahil once na nalaman na nila... hindi na sila pwedeng umatras pa...
Margarette's POV
Natahimik ang buong opisina dahil sa sinabi ni Lis--Bea. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang kapatid ko... at mas lalong hindi ako makapaniwala na kayang gawin ni Aunt Violet yon sa pamilya niya. I know, sa mga nalaman ko ngayon ay hindi niya ako tinuring na miyembro ng pamilya niya.
"All of you."
Nabalik ang atensyon ko kay Bea ng magsalita ito.
"Are you willing to sacrifice... even if it is your own safety just to know the truth?" Nabigla ako sa sinabi niya.
Anong ibig niyang sabihin? Is it possible that their life will be in danger if they'll know the truth?
No...
No... hindi ko hahayaang madamay sila sa gulong to.
"No. Hin---"
"Yes, I am." Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Anthony.
"No! I said no! Walang dapat madamay sa inyo." Mariin kong sabi.
Hindi ko hahayaan na may madamay na iba sa problemang to. Especially these persons that I treasure most.
"I'm sorry Venice. But I'm in."
"Me too."
"Sorry pres., pero pamilya mo din kami. Ang pamilya nagdadamayan."
"We're all in."
Hindi ko na mapigilan ang maiyak ulit. I think, i'm still lucky. Kahit naghirap ako noon, binigyan niya naman ako ng mga taong kagaya nila... hindi niya pa din ako pinapabayaan.
Third person's POV
Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng magkakaibigang nag-uusap sa loob ng opisina ang isang empleyado na nakikinig sa kanila mula sa labas nito. Nakauniporme ito ng pang janitor at nakasuot ng mask.
Matapos niyang pakinggan ang mga pag-uusap sa loob ay dali dali niyang nilisan ang lugar. Nakasalubong niya pa si Mr. Lee na may kausap sa telepono at mukhang pabalik na sa opisina kung saan niya iniwan ang dalawang anak kasama ang kanilang mga kaibigan.
Nang makalabas na ang lalaki ay agad siyang nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay ang kasama niya, at pagkadating niya doon ay dinukot niya kaagad ang kanyang cellphone upang matawagan ang pinagsisilbihan.
"Yes?"
"Ang anak at pamangkin niyo, ma'am..."
"Those two betrayed me?" Sagot ng nasa kabilang linya.
"Yes ma'am." Nag-aalangang sagot naman ng lalaki.
Humalakhak ang kausap nitong babae, isang nakakapangilabot na halakhak.
"Well, they need to face the consequences."
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 44
Start from the beginning
