"Miss Laura?"

Napakurap ako. Narinig ko ang boses ng matandang tagapasilbi mula sa labas. Hindi ako sumagot. Isang masamang pakiramdam ang bumalot sa akin. Napahawak ako sa aking sikmukra at pumasok sa banyo. Sinampa ko ang palad sa lababo. I threw up.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pero nagpatuloy ang katawan ko sa pagsusuka. I gripped the sink. Malalim ang hugot ng aking bawat hininga.

Bumukas ang pinto ng banyo. Through the reflection in the mirror I saw the lady servant holding a tray of tea.

"Miss Laura," nag aalalang sinabi nito.

The strange smell assaulted my senses. Nagmumula ito sa hawak niyang tray. Pinalala nito ang aking masamang pakiramdam.

"Get that out," halos napapaos na sinabi ko. I waved my hand to dismiss her while my other hand was still on the sink. "Alisin mo yan."

Napa-atras ang tagapagsilbi. Agad siyang umalis upang ilayo ang kanyang hawak. Nilapag niya ito kung saan bago siya bumalik upang tulungan ako.

Noong bahagya akong kumalma, tinitigan ako ng tagapagsilbi. She was hesitant with her next words. Pero halos mayanig ang mundo ko dahil sa kanyang sinabi.

"Miss Laura, buntis ka ba?"

I stood frozen, my heartbeat deafening.

"N-No..."

Ngunit maging ako ay hindi sigurado sa aking sagot. Napansin ito ng tagapagsilbi. Noong mga oras na yon alam kong siya lang ang makakatulong sa akin upang kumpirmahin ang aking hinala.

--

Naghintay akong bumalik ang tagapagsilbi. Makalipas ang kalahating oras muling bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Narinig kong tinanong siya ng dalawang tagapagbantay kung bakit pabalik balik siya sa loob. Sinabi niya na kumuha siya ng panglinis para sa nabasag na baso. She never mentioned about the thing I asked her to bring.

Agad niyang sinara ang pinto nang makapasok. She gave me the kit. I headed to the bathroom as I held it with my trembling hands. I didn't know what I was hoping for. But the moment I saw those two red lines, tears started streaming down my eyes. My hands were shaking. It was pure joy and fear all at once.  I'm pregnant with Zander's child.

Naki usap ako sa tagapagsilbi na wala munang makakaalam ng nito sa pamamahay na ito. I worry what they would do.

"Pero Miss Laura, kailangan mong sabihin sa iyong Lolo ang totoo."

Kasalukuyang nasa ibang bayan si Lolo. Sa susunod na araw ang nakatakda niyang pagdating.

"Sasabihin ko ang lahat pagdating niya. Gusto kong manggaling ito mismo sa akin." Dahil alam kong maaaring ito ang makasira o tumapos ng lahat.

"Ang iyong Ama, halos pareho kayo ng kapalaran," bigla niyang sinabi. "Naalala ko pa noong ibinalita niya sa akin na balak na niyang pakasalan ang iyong Ina. Kumikislap ang kanyang mga mata. Nakangiti siya, ang mukha niya napakaaliwalas."

She smiled fondly as the memories. Tinitigan ko siya. She was old, maybe the same age or older than Aunt Helga. Wrinkles lined her sun soaked forehead, and white strands sprinkled her hair.

"Kung alam ko lang sana na yon na ang aming huling pag uusap, nakapag paalam sana ako ng maayos sa kanya. Dahil noong araw na sabihin niya ito sa kanyang Ama, doon unti unting nabura ang ngiti na yon at hindi na bumalik pa."

"I won't let that happen," I said. "Hindi ko hahayaan na maulit ang nakaraan sa amin ng magiging anak ko."

--

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now