Babae naman si Arq, bakit kailangan niyang mamula? Bago pa man iyon mapansin ni Andy ay nauna na siyang naglakad paakyat.

"Wala daw. E, bakit ka nagbu-blush dyan?" Dagdag pa nito. Naririnig niya ang mga yabag nitong nakasunod sa kanya.

"Hindi, ah.  Ikaw, Andy 'wag mo kong sinasama dyan sa kalokohan mo. Kapag talaga may nakarinig sa'yong tinutukso mo ako sa monster na 'yon pareho tayong mayayari. Atsaka, haller! Kung makatukso ka dyan kala mo hindi babae si Arq." Saway niya. 

Denying what she suddenly feels.

Mabilis na nakasabay sa kanyang pag-akyat si Andy. "Babae nga ba?"

Napahinto siya sa tinuran nito. Hindi siya tanga para hindi maramdaman na boyish si Arq pero ayaw niya itong husgahan lalo na't hindi pa niya ito lubusang nakikilala. 

However, Andy's words are obviously implying something.

Ayaw lang naman niyang may makarinig sa kanilang pinagtsitsismisan nila si Arq kaya pinapahinto niya ito sa pagdadaldal.

"Oh ano? Natulala ka na dyan?" Tumatawa nitong pahayag.

Hindi niya napansin na nauna ng makaakyat nang tuluyan si Andy sa fourth floor dahil kung ano-ano na ang iniisip niya. Lalo lang siyang nagiging halata kaya lalo lang din siya nitong inaasar. 

Shaking her head, she ascends to the fourth floor.

Walang katao-tao sa hallway hanggang sa marating nila ang naturang silid. Gaya ng inaasahan ay wala si Arq. Mukhang totoo ang sinabi nitong may meeting ito ngayon. Kahapon kasi ay parang niloloko lang siya nito at gustong subukan kung maaga ba talaga siyang papasok o hindi.

"Whoa. Amazing. Ilang araw niyo ng nire-renovate 'to?" Manghang tanong ni Andy.

Hindi gaya kahapon na nagulat siya dahil sa mabilis na improvement na nakita niya sa silid na iyon, kalma na lang siya ngayon. Kung ano ang trabahong naiwan nila ay iyon pa rin ang kanyang nadatnan. Mukhang walang nagawang magic si Arq.

"Three? Last day na ngayon sabi ni Arq and since three days lang naman akong excuse, kailangan na naming mag-double time." Aniya atsaka inilapag ang kanyang napakabigat na bag sa isang sulok. "Ano ba 'yang dala mo?" Turo niya sa mga bitbit ni Andy na mukhang mabibigat pero parang wala lang dito.

"Ah," Anito sabay lapag sa sahig ng mga bitbit. "Decorating materials and stuff. Mga kakailanganin ni Arq sa gagawin niya ngayon."

"Akalain mong may talent pala 'yong taong iyon sa pagpipintura. Akala ko puro kabulastugan lang ang alam."

"Artist kasi talaga 'yon. Mahilig siya sa creativity kaya marunong talaga siya sa mga ganyang bagay." Simpleng pahayag ni Andy bago simulang tanggalin sa eco bags ang mga dala nitong kagamitan.

Manghang napatingin siya sa kasama. "W-what? Artist ba kamo?" Hindi niya makapaniwalang tugon.

Tumango ito. "Oo. Try mong bumisita sa library nitong university, makikita mong nakasabit sa dingding ang ilan sa mga paintings niya doon."

"B-bakit naman nasa library?" Nagtatakang-tanong niya.

Usually, ang mga art collection ay alam niyang dapat nasa Art Gallery ng isang university— parang sa DLU.

"Well, 'yon kasi ang favorite place ng Savage dito."

"What, library? Di nga?" Tumatawa niyang komento.

Nang tapunan niya ng tingin si Andy ay mukhang hindi ito nagbibiro kahit pa nakayuko ito at abala sa pagsusuri ng mga dala. "The truth is, even if Savage could be the evilist people here, may pagpapahalaga pa rin sila sa edukasyon. Believe it or not, but they are all bookworm. They spend most of their time at the library kapag nandito sila."

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now