CHAPTER 10

3.6K 88 12
                                    

Tristan's

Ughhhhhhh shit hangover! Ang sakit na naman ng ulo ko letse! I should've been used to this by now! Sa gabi-gabi ba namang pag-inom ko dapat sanay na ako.

Teka pano ba ako nakarating dito? The last thing I knew was that naparami ako ng inom sa bar ni Archie (which happens to be my cousin). Lagok lang ako nang lagok and after that blurry na lahat. Tss heto ang ayaw ko sa pag-inom eh letse! Nagiging unconscious ang drama ng Lola niyo mga bhe! 

Aww wait oh yeah I remember! I manage to drive myself home safely pala. Yeah. Naalala ko na. Talent ko pala yun ba't ko nakalimutan! Ang umuwing lasing na mag-isa. Aisshhhhhh!

Tinignan ko lang ang puting kisame ng aking kwarto...

Letse naiiyak na naman ako mga bes! Pagpasensyahan niyo na! Nasasaktan lang naman ako eh. Sa tuwing naaalala ko kasi yung lahat ng mga oras na kasama ko si Jake parang gusto ko bawiin yung mga sinabi ko at magmakaawang balikan niya ulit ako. 'Coz you see guys he's my very first boyfriend and it's really hard for me to just forget all of our memories together. Ajujuju. Pero hindi na pwede kasi ginawa ko na ang nararapat at ayokong mapabilang sa mga taong tinatawag nilang tanga.

Kaya pala ni hindi ako kayang halikan kahit sa pisngi ni Jake. Kaya pala kahit yakap hirap niya saakin ibigay. Kahit ang salitang 'mahal kita' hindi niya masabi ng tuwiran noon pa. Kasi hindi naman talaga ako ang mahal niya, wala saakin ang hinahanap niya at all along niloloko niya lang pala talaga ako. Shete! Ang sakit mga bes! Ayok—

*brrr brrr brrrr*

Tinignan ko kung sino ang tumatawag...

I hope it's Jake... I hope it's Ja

.

.

.

Okay sabi ko nga...Hindi!

"What now?!" Singhal ko dun sa kabilang linya. Letse naman kasi eh! Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung ini-estorbo ako sa pagsesenti!

"Ah-ahm good morning sir. I've just called to remind you of your two-hour stockholder meeting at 9 and a significant appointment with one of the big investors at 2. That's all sir"

Umiinit na talaga ang dugo ko dito sa sekretaryang toh! Sir nang nang sir eh ma'am nga ang kausap niya! Charot! Pero anong significant appointment na pinagsasabi neto? Wala akong naaalala...

"What significant appointment? As far as I remember my schedule for this day is yes, the meeting with the stockholders and signing of the reviewed papers. Vacant ko na dapat sa hapon. What's up with the appointment?"

A Night With The Gay BachelorWhere stories live. Discover now