O____O

                Alam kong bobo ako pero this time parang gets ko yung gusto niyang iparating.

                “IBIG SABIHIN, YUNG MGA PERA NA GINAMIT MO PANGBILI SA MGA PAGKAIN KANINA, AY YUNG MGA PERA NA NASA WALLET KO?”

                Jusko, ano bang nangyayare!

                “Ayun, matalino ka naman pala...kahit papaano.”

                “PERO....BAKIT....PAANONG...UGH...Asan na yung wallet ko?!” Tanong ko sa kanya.

                “Eto,” at ayun, inabot niya nga sakin. Yun nga ang wallet ko!

                “Ano ba! Naka-drugs ka ba?!” Ang dami-dami namang ibang bobong taong tulad ko tapos ako pa yung pagt-tripan niya!

                “Hinde. AKO yung drugs. Kaya ka nga naadik sakin eh.” Tapos tapos...nag-smirk siya. Emeged ang sarap talaga kiligin!

                Chineck ko ng mabuti yung wallet ko.

                Jusko, buti nalang at wala siya masyadong pinakelaman. Eh may picture pa naman siya dito. Tapos dito rin nakasulat yung mga...ehem...bucket list ko.

                So what kung nandun yung Basket List, este Bucket List ko?

                Simple lang, Bucket List kasi yun ng mga bagay na gusto kong gawin kapag kami na. Eeeeep.

                “Ay oo nga pala,” sabi ni Dylan. “May nakita pala dyan sa wallet mo na...ano ba ulit 'yon?”

                Agad kong tinignan ang mga bulsa bulsa ng wallet ko at hinanap ang Baldeng Listahan.

                Utang na loob sana hindi yun ang nakita ni Dylan!

                “Baskin Robins ba yun? Baskin List? Ah! Bucket List!” At nakita kong hawak niya na sa kamay niya ang mahiwagang papel.

                 LANGYA NAMAN OH!

                Sabihin niyo nga sakin kung malas o swerte ba 'tong araw na 'to!

                “HOY MR. DELOS REYES ANO BANG PROBLEMA MO BAT BA AKO ANG TRIP MO NGAYONG ARAW HAAAAA?”

                Agad kong hinila sa kanya ang papel na hawak niyang nakatupi. Wala na akong ibang inisip kundi ang makuha ang papel na yun! Magkamatayan na! Hindi ako susuko! <--OA.

                Hindi naman na rin siya nakipagkulitan at bumitaw na rin kaagad dun sa papel.

                “Ikaw talaga, ang dami mong alam na ka-dramahan sa buhay.”

                “Inggit ka lang!”

                “Pfft, ako maiinggit? Niloloko mo ba ko?” pang-asar niyang tanong. “Ano ba ulit yung nakasulat dyan? Ah! ‘Pakasalan si Dylanbabes at magkaroon ng maraming anak’ sabi niya at humalagapak sa tawa.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now