"Yes, Lucy. Don't worry. They were all at the resort. Hindi iyon alam ni Violet." Tumango naman siya habang tahimik naman ang katabi nitong lalaki. Maya maya ay tumingin ito sa akin with his eyes full of guilt, sadness, longing, and fear. Gulat man ay hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kanya. I need to be strong. Kung gusto kong malaman ang lahat ay kailangan ko itong harapin.
"Venice... remember our talk last night?" Yung pag-uusap ba namin noong birthday ni Anthony ang tinutukoy niya? Tumango ako.
"Okay. I'll tell you everything." Bumuntong hininga muna siya, "That time, when you saw us... hindi talaga kami."
Napakunot noo ko. What? Hindi sila? Ano nanamang kalokohan 'to?
"Nakita mo kaming nag-uusap tungkol sayo because that was really about you.. dalawang linggo ang nakalipas before that thing happened, a woman approached us. She said that she want you gone... and worst die..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May taong gusto akong mamatay? The hell?
"But of course she can't kill you. Your dad is powerful, malalaman at malalaman ng daddy mo ang totoo kapag pinatay ka niya. So she used us against you. She want you down. Sinabi niya sa aming pagtaksilan ka namin..."
"And you did it."
"No! I mean--- tumanggi kami, we love you and you know that. Mahal na mahal ka ni Jake at ganoon din ako, hindi namin kayang saktan ka. She threatened us. Sabi niya ay ang pamilya namin ang pagbabalingan niya, hindi namin iyon pinansin hanggang sa after a week ay napahamak si daddy, i don't know how was that happened pero isa lang ang nasa utak ko. Kagagawan iyon ng babaeng yon. Hanggang sa nung mismong araw na nandoon ka sa bahay nina Jake, habang natutulog ka ay pumunta siya doon, may dala siyang mga armadong lalaki at balak nilang pasukin ang buong bahay..." tumingin siya sa katabi niya at tumango.
Jake. Tumingin ito sa akin. Hindi ko alam pero nung nakita ko ang mata niya ay parang nanikip ang dibdib ko. Bakas dito ang pagod, lungkot, at sakit...
"Ven... baby..." nanlaki ang mata ko ng tinawag niya ako. Agad akong napatingin sa pwesto ni Anthony na agad ko namang pinagsisihan. Madilim ang mukha nito at masamang nakatitig kay Jake. Oh my god.
"I'm sorry... i'm so sorry..." pumiyok siya, pakiramdam ko anytime ay iiyak na siya, "Hindi ako makapag-isip ng tama noon, hindi ko alam kung anong dapat gawin. It feels like I need to choose between my family and my girl..." naputol ang pagsasalita niya ng tumikhim si Anthony. Napatingin kami sa kanya pero inosente naman siyang gumanti ng titig. Is he jealous? Not now please, at isa pa. Hindi pa kami okay. Mageexplain pa sila sa akin.
Nabalik ang atensyon ko kay Jake ng magsalita ito ulit.
"But she gave us a choice. Hindi niya itutuloy ang plano niya in one condition.. at yun ay ang saktan ka."
Sino ang taong yon? Bakit sobra sobra ang galit niya sa akin?
"Wala kaming nagawa. Sinabi namin sa kanya na pumapayag na kami but of course, nagsinungaling kami. Nagpaplano kami noon nung marinig mo kami. Plano na naming sabihin ang lahat sayo but..."
"Pinigilan yon ni Jake. Ginawa niya ang gustong mangyari ng babae..." putol ko. Ang sakit. I'm sure that I don't have feelings for him anymore, but he's still important to me and saying that pains me most. Pero wala akong karapatan. It's me between his parents, kung ako ang nasa posisyon niya baka ang parents ko na din ang iniligtas ko.
"Yes. I did what she wants... I'm sorry..."
"Ano ba Jake? She need to know everything! Huwag mo ng ulitin yung pagkakamali mo noon!"
Seryoso lang akong tumitig sa kanila. Ayoko ng magsalita pa.
"I know..." sabi lang ni Jake atsaka yumuko. "Noong lumabas ka ng bahay at lumapit ka sa amin, noong tinanong mo kami kung ano ang dapat mong malaman. Hahayaan ko na dapat si Lucy na mag explain sayo ng lahat but I saw a laser. Nakatapat yon sa gilid ng ulo mo and I know that that's laser was from one of the men that she brought. Agad nagblangko ang isip ko non at wala na akong choice kundi gawin ang gusto niya."
Natigilan ako sa narinig ko. Ini-iniligtas nila ang buhay ko... kung hindi nila 'yon ginawa ay paniguradong wala na ako ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin o dapat kong gawin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o manahimik na lang. Hindi ko na alam.
"After that incident, kinausap niya ulit kami. Hindi siya nakuntento na nasaktan ka na. She wants you to suffer more that's why she used us again." Dagdag ng umiiyak na si Lucy.
Natatakot na ako sa sarili ko. Wala akong emosyon. Wala akong pinapakitang emosyon pero sa loob loob ko ay halo halo na ito.
"Noong binully niyo ako.." wala sa sarili kong bulong, bumalik sa akin lahat ng ala-alang matagal ko ng ibinaon sa limot. I can feel it, I can feel the pain again. Pero pagod na ako. Pagod na pagod na akong umiyak.
Maxine's Point of View
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging kalmado dahil hindi umiiyak si Venice ngayon o dapat na akong magpanic dahil wala siyang ipinapakitang emosyon. Alam kong ganito ang mangyayari ngayong araw, actually all of us know except Venice. Ngayon niya lang malalaman dahil yun ang sabi ni tito. He said that he wanted Venice to relax a bit before hearing the truth. Naiintindihan ko naman siya dahil sobra na din ang napagdaanan ng bestfriend ko.
Kanina... I did expect that she'll be mad at us... at me.. pero kahit ganon ay nagulat pa din ako noong tinabig niya ang kamay ko. But I understand her. I really do.
"Venice, anak... kaya mo pa ba?"
Hindi nagsalita si Venice. Nakatulala lang ito sa kawalan.
"Ven---"
"Kaya ko pa." Huminto ito atsaka humugot ng hininga, "How about them?" Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa amin. "Anong alam nila na hindi nila ipinaalam sa akin?"
Nanlamig ako dahil sa mga sinabi niya. Tila nawalan ako ng boses at nakalimutan ang mga dapat sabihin.
"A-ate.." napahinga ako ng maluwag ng si Stephanie ang naunang magsalita. Walang kinalaman rito si Stephanie maging ang kuya niya pero alam din nila ang lahat. Sinabi iyon ni tito sa kanila maliban na lang kina Tyler at Lex dahil nakatulog sila kagabi noong sinabi iyon ni tito sa amin.
Tumitig lang dito si Venice pero hindi na nakapagsalita pa si Stephanie. I need to speak.
"Venice.." tumingin siya sa akin, bumuntong hininga ako atsaka nagpatuloy, "Alam na namin ang lahat. I'm sorry dahil hindi namin nasabi sayo yon, pero sila ay kagabi lang nila nalaman. Kailangan nilang malaman dahil maski sila ay nanganganib na.
Ako... nalaman ko lang matapos mong tumawag sa akin at ipaalam na okay ka, na kasama mo si Anthony. I really wanted to tell you the truth pero wala ako sa lugar para gawin 'yon... I hope you understand.." naiiyak kong paliwanag. Tanging tango lang ang isinagot niya sa akin kaya tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Hindi ako sanay sa ganitong pakikitungo niya specially towards me...
"May kailangan pa ba akong malaman?" Tanong niya gamit ang isang malamig na tono.
"Venice... kapag hindi mo na kaya---"
"Shut up, Lucy. Please, just tell me everything. Para isang bagsakan na lang... para isang sakit na lang..." and that triggered her emotion, her tears.
Humagulgol na siya ng iyak kaya nagpanic na kaming lahat pero bago pa ako makatayo ay niyakap na siya ni Mark. Bahagyang natigilan si Lucy at Jake na lalapit na din sana samantalang napabuntong hininga naman ang iba.
Tahimik naming pinanood ang paghikbi ni Venice at ang pagpapatahan ni Mark sa kanya. I'm happy because my bestfriend met Mark. Sana ay manatili ito sa tabi niya hanggang huli..
YOU ARE READING
A Nerd With Class
Teen FictionSa buhay, may tatlong bagay na importante sa isang tao. Kaibigan, pamilya, at ang taong mamahalin nito ng higit pa sa buhay niya. Si Margarette Venice Park ay mayroon nito, pero paano kung ang perpektong buhay niya noon ay maging miserable? Kaka...
ANWC: 43
Start from the beginning
