Chapter 34: Trapped

Start from the beginning
                                    

"Maligayang pagbabalik, Miss Laura."

Humarap siya kay Dylan.

"Naghihintay na ang inyong Lolo sa loob."

Pumasok kami sa mansion. The place was well-lit. Tulad ng mansion ng mga Van Zanth karamihan sa mga gamit ay matagal ng naroroon. They seemed to hold the secrets of this household. From the higantic crystal chandelier which is a witness to several parties, down to the worn out grand staircase. Napansin ko ang naglalakihang paintings sa pader.

Natigilan ako nang makita ang aking mukha sa isa sa mga ito. A portrait of my seven years old self. Tumigil ako sa paglalakad. Sunod sunod kong tiningnan ang mga paintings na nakasabit sa pader. Until I saw it. A portrait of my father. We've been a part of this clan all along. Our presence were here... as if it was indeed home.

"Laura,"

I was pulled from my train of thoughts as I heard Dylan from the other side of the hallway. Muli kong pinagmasdan ang paintings bago sumunod sa kanya. Hindi dapat ganito... This family is the reason why my father died. They caused all of my family's hardships.

Nakarating kami sa tapat ng isang pinto. Tumayo ng tuwid si Dylan at huminga nang malalim bago hinawakan ang knob ng pintuan na nasa harapan namin.

"Laura, you must explain your side as clearly and as brief as possible."

Ito ang mga huling paalala niya sa akin.

"Hindi gusto ni Lolo ang paligoy ligoy. Be straight forward with the reason why you are here. At kahit na anong mangyari hwag kang magpapakita ng kahinaan sa kanya."

Tuluyang binuksan ni Dylan ang pintuan. I was greeted by a quite familiar scene. Ito ang kwarto kung saan nag usap sa huling pagkakataon si Papa at si Lolo. History's repeating itself.

Tila hindi nagbago ang kwarto loob ng mahigit sampong taon. There's the thick wooden table. Ang malaking salaming bintana. Ang mga lumang libro na naka-salansan sa pader. The brick fireplace at the corner. A strange scent lingers in the room. Isang klase ng amoy na tila pilit akong binabalik sa nakaraan.

Isang pag galaw sa dulo ng kwarto ang aking napansin. Nakatayo ang isang matandang lalake. Nakatukod sa sahig ang baston nitong hawak. Hindi ko agad naaninag ang kanyang mukha dahil nasa kanyang likod ang maliwanag na salaming bintana. Ngunit sa tindig pa lamang alam ko na kung sino ang aming kaharap.

Lumapit siya sa amin. The sound of his cane was the only sound that could he heard inside the silent room. Nang makalapit siya doon ko naaninag ang kanyang mukha. At halos gusto kong manghina. Dahil kamukhang kamukha niya ang aking Ama.

"Dylan,"

His voice, now matter how good natured it may sound, seemed to keep the tone of authority, the warning and venom.

"Maaari ka ng lumabas."

Napalingon agad ako kay Dylan. Nanatili siyang kalmado habang nakatitig sa akin. Sa kanyang mga mata ay isang mensahe.

Kahit na anong mangyari hwag kang magpapakita ng kahinaan sa kanya.

Bahagyang yumuko si Dylan. "Maiwan ko na kayo."

Pinigilan ko ang aking sarili na sumama o pigilan siya. Hindi ako maaaring magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap ng aming Lolo.

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa aking likuran. Nawala ang malumanay na mukha ni Lolo. Seryoso niya akong tinitigan.

"Nakuha mo ang mga mata ng iyong Ama."

Hindi ako nakapagsalita.

"May maamo kang mukha na nakuha mo sa iyong Ina, ngunit ang mga mata mo, puno ng tapang, pangamba, pagkalito. Isang salamin ng iyong mga iniisip."

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now