"Lucy, i'm not here to listen to your pranks, will you please go direct to the point?"

Ngumiti siya sa akin, isang sincere na ngiti bago ulit naging pilya.

"Don't worry Venice, hindi ko na gusto si Mark. You want to know our story?" Hindi ako umimik.

Ang bilis magbago ng mood niya, nalilito tuloy ako kung pinagtitripan niya lang ba ako o ano. Hindi ko din alam kung maiinsulto ba ako o hindi. The hell!

Naupo ako sa gilid ng pool at tsaka inulublob doon ang mga paa ko. Sumunod naman siya sa akin atsaka nagsalita. May sapat na distansya sa pagitan namin, hindi ganoon kalapit pero sapat na para madinig ko ang mga sasabihin niya.

"Mark is my friend. Best friend to be exact. Noong magkakaibigan tayo ay magkaibigan na din kami. I know his family and they treat me as part of their family too. Siya ang naging sandalan ko noong may problema akong hindi ko maamin sa inyo. I'm sorry if I keep secrets from you. I know that one of our rule is to be open to each other, pero... hindi ko pwedeng sabihin iyon kasi, kasi once na sinabi ko yun alam kong magkakagulo lang tayo."

Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan..

"Anong problema yon?"

Huminga siya ng malalim

"Noon pa man, may gusto na ako kay Jake.." hindi ko alam kung anong reaksyon ko sa sinabi niya, hindi na ako nagulat sa pag amin niya pero nagulat ako na yun ang problema niya. I mean, anthony told me that Lucy never opened to him about a guy. But Lucy is saying now that he opened to anthony about jake! Ano ba talaga? Naguguluhan na ako! Pinapaikot ba nila ako?

"Anthony told me that you'd never talked about a guy when you are with him." May diin kong sabi. Nanginginig na ako dahil sa iritasyon. Ngumiti siya na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa pool at ganoon din naman ang ginawa niya

"Stop mocking me! Will you?" Inis kong sigaw.

Yumuko siya na siya namang ikinakonsensya ko.

"I'm not mocking you, okay? I'm sorry if i am smiling while you are irritated. It's just that-- " tumigil siya atsaka tumingin sa akin, I feel pain when i see her crying.

"I missed you. I miss you so much..."

Humagulgol na siya ng iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, lalapitan ko ba siya at yayakapin o titingnan ko lang siyang umiyak. Sa huli ay nanaig pa din ang pagiging mahina ko at niyakap ko siya, naiinis ako sa sarili ko, kaya ako nasasaktan at naiisahan dahil ang bilis kong mauto!

Nanatili kami sa ganoong pwesto ng ilang minuto. Walang nagsasalita sa amin at puro hikbi lamang niya ang naririnig ko. I don't know if the tears that I am seeing is true. Hindi ko alam kung totoo ba ang ipinapakita niya o umaakto lamang siya..

Tanghalian na nang dumating sina Stephanie kasama ang iba pa. Masaya nila kaming sinalubong sa may pintuan ng bahay.

"Bessyy! I miss youuu!" Bigla akong niyakap ni Maxine kaya natawa na lamang kami,

"May pagkain ba diyan? Tara na't kumain! Gutom na ako."

"Hay nako kuya, kailan ka ba nabusog?"

"Ang takaw mo talaga Stephan! Buong byahe ka na ngang kumakain!"

"Huwag mo naman akong ibuking babe..."

"Tse!"

Napailing na lang ako sa kakulitan nila atsaka na sila niyaya sa loob, sobrang ingay nila kahit sa pagpasok, panay ang asaran at kwentuhan. Dumiretso naman kami sa kusina kung nasaan si Lucy, nagpresinta siyang siya na ang mag-aayos ng gamit kaya pinagbigyan ko na.

Pagdating namin sa kusina ay natigil sa kulitan ang barkada. Parang may dumaang anghel dahil sa sobrang pagkatahimik. Inaasahan ko ng mangyayari to kaya hindi na ako nagulat pero syempre ang awkward.

"Anong ginagawa mo dito?" agad kong hinila si Maxine na akmang lalapit na kay Lucy.

"Bessy ano ba,"

Hinarap niya naman ako ng salubong ang kilay

"Anong ano ba? Bat andito yan!?" Inis siyang kumalas sa hawak ko atsaka tiningnan ng masama si Anthony, sumasakit lalo ang ulo ko dito kay Maxine. Naiintindihan ko naman siya, alam kong galit din siya dahil sa ginawa noon ni Lucy pero sana ay huminahon muna siya kahit saglit lang.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito, Mark? Don't tell me that you fvcking invited her to join us!?"

"No-- I mean--"

"O yun naman pala e! Nadinig mo Lucy? Hindi ka imbitado, so go! We don't need you here!"

Halos magwala na si Maxine sa galit kaya pinapunta ko muna sila sa may pool kung saan kami nag-usap ni Lucy kanina, she need air. She need to calm.

"I'm so---"

"You don't need to say anything. Even an apologize.."

Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya, sa sahig lamang siya nakatingin at hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya

"I deserve that.." dugtong pa niya, nanahimik na lamang ako. Ayoko namang magpakaplastic, pinabayaan ko na lamang siyang manahimik na muna, alam kong ramdam niya ang mga paninitig ko at pinipili niya lang balewalain yon.

Ano bang nangyari Lucy? Ano bang problema? Bakit tayo humantong sa ganito?

A Nerd With ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon