"So bukas ng hapon ay magkakaroon tayo ng photoshoot para sa magazine na ipinapublish every year. Featured palagi roon ang nagaganap na events every semester kaya magdadala tayo ng costume," anunsyo ni June pagkarating niya sa room.

"Isuot na lang natin ang jacket natin," I suggested, "Mas maganda kung sa mismong event natin ipapakita ang costume natin para sa first battle."

Ganoon na nga ang mangyayari bukas ng hapon. Sa free periods namin ay wala ng magaganap na rehearsal. Napagkasunduan namin na ang araw bago ang mismong competition ay rest day na.

"I have quizzes tomorrow. What time ang turn natin sa photoshoot?" tanong ni Yanis.

"Hindi ko pa nako-confirm ang oras," sagot ni June habang nagi-scroll sa kanyang phone, "Online si Sien. I can ask him. Ang sigurado ko kasi ay tayo ang mauuna sa shoot bago ang grupo nila. Itatanong ko na..."

"Private naman ang photoshoot, diba?" tanong ko. Nagiba ang tingin sa akin ni June habang nagta-type siya sa kaniyang phone.

"Yeah? Sure..." hindi niya siguradong sagot.

"Loosen up, Mae!" tumawa si Cess, "Nagsasayaw ka sa harap ng maraming tao. Pipicturan lang tayo, there's no need to be shy. Sandali lang iyon. Group photo lang."

Sanay na sa mga ganoon si Cess. Madalas siyang nagpo post sa social networking sites niya ng magagandang shots kapag nag-out of town siya. Ako naman ay hindi. Kaya nang maisipan ng photographer na kunan muna kami isa isa ay walang naging problema kay Cess ang pag-pose.

"Shit!" bulalas ko pagkatingin ko sa bag ko. Lumapit sa akin si Darrah at nagtanong kung ano ang problema.

"Nakalimutan ko ang panloob. Jacket lang ang nadala ko at pants."

"Edi mag-bra ka na lang!" Tumawa si June pagkalapit niya sa amin.

Nilabas ko ang lahat ng gamit ko sa bag dahil gumulo na. May dala kasi akong lab gown ngayon kaya't masikip ang bag ko. Kanina ay late ako nagising so I must've left the shirt on my bed! Sabi ko na may nakalimutan ako, e.

"Meron akong extra pero cropped top," sabi ni Cess.

Nang iwinagayway ni Cess ang puting damit ay kinuha ko kaagad para makapagpalit. Dumiretso ako sa restroom at nagbihis. Masyadong maiksi ang cropped top na ito! Halos three inches ang taas mula sa pusod! But I don't have a choice, do I?

Unless mag-uniform ako sa loob ng jacket...

"Ayon! Sunod na si Mae," tinuro ako ni Yanis pagkabalik ko sa auditorium, "Pagkatapos ay group shots na."

"Okay! Girls, pwesto na! We're going to be behind schedule. Naghihintay na ang Fiery Heroes!" anunsyo ng lalaking photographer.

May iilang miyembro ng susunod na grupo ang mga nakaupo sa likuran ng auditorium ang iba naman ay papasok pa lang. Nagtatawanan sina JV nang makapasok. Nakaakbay siya kay Sien na may kaunting tawa sa labi niya. Napaawang ang bibig ko.

"Mae, ikaw na!" sigaw ni June mula sa stage. Iginiya ako ni Yanis paakyat ng stage. Nangangatog na ang binti ko, kanina ay hindi naman!

May wooden stool sa gitna ng stage kung saan din naka-set up ang lightings at background para sa shoot. Umupo na ako roon pagkaalis ni June. Pinatong ko ang dalawa kong paa sa patungan sa ilalim ng upuan. Nakasalikop naman ang mga kamay ko at nakapatong ito sa lap ko. Hindi ko pa maiayos ang pagkakapatong ng paa ko dahil naka-stiletto ako.

"Okay, girl, give me your best pose!" masiglang hiyaw ng photographer. Naka-ready na sa mata niya ang camera.

Ngumiti ako nang malapad pero parang naiwan ang mata ko. Hindi ako makangiti nang maayos. Naaaninag ko sa likod ang mga tao. May mga lalaking nakatayo pa rin sa aisle ng auditorium at panigurado akong sina JV iyon.

"Girl, mag-pose ka na," ulit ng photographer.

"Ito na po iyon?" Nakangiti pa rin ang bibig ko nang sumagot dahil nakadikit pa rin sa mukha niya ang camera niya. Mamaya ay ma-bad shot ako, e.

Nag-flash ang camera habang hindi ako ready! Mas nabibigyan ko ng pansin ang mga tao sa likod. Nahagip ko ang lalaking katabi ni JV. Nakahalukipkip siya at tila seryosong nakatitig sa gawi kung nasaan ako. His face is slightly tilted up. He looked so serious and amused at the same time. Nakangisi siya sa paraang hindi mahahalata ng marami. Even from afar I know it is him, and I visualized how his eyes try to scrutinize my every move.

When the photographer blocked the view, it's when my attention diverted to him. Pinakita niya ang una kong kuha. Halatang halata ang pagiging stiff ng katawan ko, lalo na ang ngiti kong mukhang tinatawag ng kalikasan.

"Hindi kasi ako sanay..." nahihiya akong ngumiti. Inayos ng photographer ang buhok ko. Ginulo niya ito nang bahagya. Binuksan niya ang jacket kong kanina ko pa pinipilit isara. Pinigilan ko siya kaagad. Tumawa siya at umiling.

"Let it out, Mae!" natatawang sigaw ni June mula kunsaan.

"You heard your friend, girl. Iawang mo lang nang kaunti. Give the camera a sneak peek of your belly button, okay, girl?" Ngumiti siya sa akin.

Huminga ako nang malalim bago binitiwan ang jacket. Hinayaan kong ayusan ako ng photographer. Mabuti na lang ay mahaba ang pasensya niya. Pakiramdam ko ay sobrang tagal na namin dito sa harap. Pataas na nang pataas ang nararamdaman kong hiya dahil kumakain ako ng oras.

"Your hair looks good!" Lumayo ang photographer. Inayos niyang muli ang camera sa mata niya. He took a shot, and then another one before he spoke, "Medyo paglayuin mo ang tuhod mo, but not your feet. Then rest your arms on your lap."

Habang sinusubukan kong gawin ay muli akong sumilip sa likuran. Naroon pa rin siya. But he seemed so bothered right now. Patungo tungo siya na parang sumasakit ang kanyang ulo. Napakagat ako sa labi ko. Mukha siguro akong tanga ngayon!

"Yan, girl! I like it! Now give me a fierce look!"

"Ang hot ni Mae! Shet..."

Nangalo ang mata ko dahil pagod na ako. Tumingin ako sa photographer at hindi na pinansin ang ibang tao. Dahil sa pagiging masunurin ko ay napabilis kami. Hindi ko na nabilang kung ilang shots ang nagawa namin. Pagkatapos ko ay kinuhanan na kaagad kami ng group photo.

Isang fierce look at wacky photo ang ginawa namin. Pagkababa namin ng stage ay tumungo na ang pangalawang grupo sa unahan. Naabutan nila ako dahil hindi ko pa naayos kaagad ang mga nilabas kong gamit.

"Nasaan si Sien?"

"Lumabas kanina noong... ayan na pala!"

Muntik na akong lumingon. Pumikit ako nang mariin. Nilagay ko ang huling gamit na nakakalat sa bag ko. Naghihintay ang mga kagrupo ko sa may exit. Sinenyasan ko sila na mauna na dahil magpapalit pa ako ng damit.

Lumunok ako nang mapagtantong makakasalubong ko si Sien. Hinalughog ko ang bag ko para kunin ang phone. Nagmabilis ako sa paglalakad at ininda ang hirap dahil sa napakataas kong sapatos. I'm trying so hard not to trip but then I did.

"Mae!" bulalas niya nang mabuwal ako. Gamit ang kanyang braso ay hinagip niya ako bago pa man bumaliko ang paa ko dahil sa heels. Ang kanina ko pang hinahanap na phone ay tumilapon kung saan.

Naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. Napalunok ako. My skin has contact with his as I stayed engulfed in his arm. Nang maamoy ko ang pabango niya ay napaubo ako. Kumalas ako mula sa hawak niya. Hinanap ko kaagad ang nahulog kong phone.

"Ayan na... hindi na makakapag-photoshoot si Sien," tumatawang sabi ni JV.

Madilim kaya't nahihirapan ako. Pagkaangat ko ay nakita ko ang phone ko sa kamay ni Sien. Nilahad niya ito nang walang emosyon sa mukha niya. Kinuha ko ito. I felt his cold hands. Hindi ko na iyon inisip at tumalikod na ako kaagad.

"Akala namin hindi ka na makakarating dito, dude," Ricks mocked. Tumawa ang kanyang kausap.

"Alright, let's shoot!" dinig kong sabi niya pagkalapit sa mga kaibigan.

Napasandal ako sa dingding nang makaalis sa auditorium. Bukas na ang competition. I gotta get my head in the game.

Friendshipidity (Chase #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon