Chapter 25: Happiness (Part 2)

Start from the beginning
                                    

"Yan ang gusto ko sa'yo Paine, yung nagsasabi ka ng totoo at hindi ka nagsisinungaling." sagot ni Ches at kinurot ako sa tagiliran no'ng makalapit siya sa akin.

Sa loob-loob ko lang baka biglang bumuka yung lupa dahil hindi siya maganda, gwapo siya. GWAPO!

"Ang gwapo no'ng lalaki 'no?" saad ni Chess nang makaupo na siya malapit sa bintana.

"Oo nga eh', mukhang kilig to the BALLS hanggang (censored) ang peg mo kanina." sambit naman ni Ayesha no'ng maialis niya na yung headset na nakalagay sa kanyang tenga.

Ang bibig talaga nitong si Ayesha hindi papapi-pigil, pasmado lagi ang bibig niya.

"Ang bastos mo Sha, magmumog ka nga ng Holy Water." sagot ni Ches na parang nabigla.

"Kung sino man yung dapat magmumog ng holy water eh' ikaw yun. Tingnan mo nagtext na yung boyfriend mo magkita daw kayo. At alam ko na kung anong gagawin niyo. Mag AANEK BAM BAM na naman kayo." Ayesha said, nasa kanya kasi yung CP ni Ches.

"Naku Ayesha hindi kami nag-gaganun. Magbasa ka nga ng Bible ng sumukob naman sa'yo ang Holy spirit." tugon ni Ches sabay sign of the cross.

Grabe naman kong maka-react 'to si Ches nakakatawa. Napasign of the cross ng wala sa oras.

Hindi na sumagot si Ayesha dahil nirereplyan niya na yung text nong boyfriend ni Ches. Nakangisi pa siya habang nagta-type.

"Akin na nga yan." biglang hinablot ni Ches ang celfon mula sa kamay ni Ayesha.

"Uyy... pikon, sige pumunta ka na, baka tigas na tigas na siya." wika ko naman. At natigilan silang lahat.

Their eyes widened as if they were horrified...

O_O O_O O_O

Kung makapangdilat naman sila ng mata...

"What I mean naninigas na yung katawan niya sa kakaantay sa'yo. Mag-inject nga kayo ng holy water sa utak niyo nang maalis ang pagka-greenminded niyo." I ceased the lull and stillness of silence.

"Mababaliw ako sainyo dito, oh sige GORA na Akez baka super nag-aantay na si boyfie." Ches answered at naglakad na siya papalabas ng apartment.

"Huwag mo kalimutan magdala ng safety gear." biglang naiusal ni Ayesha bago pa man nakalabas ng pintuan si Ches.

"Safety gear na ano?" tanong nito, bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding pagtataka.

Sino ba naman kasi ang hindi? safety gear daw? para saan? ~.~

"What I mean magdala ka ng condom, hindi mo kasi alam kung anong pwedeng mangyari." seryosong pagkakasabi ni Ayesha na parang inang naninermon dahil sa sobrang pag-aalala.

Putek lang si Ayesha... SAFETY GEAR na bang maituturing ngayon ang condom? *Malutong na tawa* I'm going crazy here... My gassssh!

"Nakakalurkey kayo! Makaalis na nga dito." bulyaw ni Ches sabay sara ng pinto  at inirapan niya pa kaming lahat.

"Ay! Affected siya.. Ahahaha..." Sophia mumbled, she was still in front of a mirror.

Napatingin kaming dalawa ni Ayesha sakanya at pinagmasdan namin siya ng maigi, kaya naman napansin namin na nagmake-up talaga si Sophia.

"Yes naman teh' putok ang blush on kulang na lang salamin at bulak sa ilong." sabi ni Ayesha at bigla siyang tumawa habang  nakahawak sa tiyan ang kanyang kanang kamay.

Pero syempre hindi naman ako magpapatalo sakanya.

"Punasan mo nga yang mukha mo Sophia, baka mapagkamalang morgue ang apartment niyo."

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now