Chapter 38

5.4K 40 6
                                    

Wohoooo matatapos na. YEHET! MANANATILING 3RD PERSON'S POV MUNA ITO. HIHIHI

Chapter 38

"Ako din naman hindi ko matanggap yung nangyari. Pero kailangan mo na malimutan na muna, if you dont accept the truth hindi ka makakaalis sa ganyang kalagayan mo. Yung hindi ka makakalimot and I don't want you to experience that. You I mean we need to live a new life , a new begginning!" sabi ni Peter kay Nicole upang maliwanagan na ito. Nagbunga naman ang mga sinabi ni Peter kay Nicole. Narealize na ni Nicole na hindi naman pala katapusan ng mundo sa kanya. Start palang yun, maybe may mas maganda pang mangyayari sa buhay nila.

Dumaan ang dalawang taon, nakalimot na silang dalawa sa nangyari na iyon. Bumalik na din si Nicole sa pag-aaral. Graduating na siya ngayon samantalang si Peter ay graduate na kasi nga diba nagstop si Nicole ng isang taon kaya ayun nauna si Peter. Nangunguna eh! Juk. Si Min naman nakahanap ng boylet niya. Pumunta lang sa Canada pagbalik may bitbit ng hot na lalaki pero mas hot padin si Peter para kay Nicole.

"Buti naman hindi ka nanonose bleed." pabirong sabi ni Nicole kay Min at sa boylet teka nga bakit ba boylet ako ng boylet ang cheap boyfie nalang.

"Eh marunong naman ako magtagalog eh" sabi ng boyfie ni Min. Nagulat naman si Nicole kasi hindi niya inaasahang marunong pala ito ng tagalog. Eh kanina pa siya salita ng salita na ang hot ng boyfie ni Min kesyo malaki ang katawan ang ganda ng mata at kung ano ano pa. Napatakip nalang ng bunganga si Nicole.

"Ah talga. ahahahahhahaha!!" napakamot pa ng ulo si Nicole habang tumatawa ng peke. Si Min nalang napatawa nalang din sa katangahan ng kaibigan.

Habang sa kabilang dako naman..

"IKAW NANAMAN!" sigaw ni Alex sa nakita niyang babae sa lansangan. Lagi nalang niya nakikita ang babaeng ito na mukhang manang. Palagi pang nakapusod ang buhok akala naman eh nurse siya.

Lumingon ang babae kay Alex na nagngangalang Jerish. Sinimangutan siya nito, "Ano! Problema mo ha?! Maghahanap ka nanaman ba ng address na nasa gilid mo lang naman!" sigaw ng babae.

"Hindi.'' matipid na sabi ni Alex.

"Mabuti naman, nakikita mo na kasi ng malinaw ang lahat dahil wala na ang shades mo!" umirap pa si Jerish sa kanya.

"Kitang-kita ko na nga ang maganda mong mukha eh" pangbobola ni Alex sa babae. Kinilig naman si Jerish na halos mawala na ang itim sa mata niya sa sobrang kilig. Pero nagmatigas lang si Jerish dahil nga siya ang tipo ng babae na parang kulangot, hard-to-get.

"Alam ko maganda ako! Umalis ka na nga dito! Nasisira ang araw ko sa iyo eh!"

Oppa wants me [Completed]Where stories live. Discover now