Chapter 24

7.9K 51 13
                                    

Chapter 24

Nicole's POV

Pagkagising ko naexcite agad ako. Ewan ko kung bakit, parang may nagpupush sakin na maging excited para sa outing. Eh ang simple simple lang naman nun, pupunta lang sa beach tapos magswimming. anong kaexcite excite dun? -___- Aishh..

Biglang may bumusina sa tapat ng bahay. Mabuti nalang wala si kuya dito, baka makichika pa yun kung ano yung pupuntahan ko. Mahaba habang explain un. Pero nagpaalam naman ako na aalis ako noh, di ako takas! Good girl kaya to! (a/n: ows? tologo tol??)

Bumaba na ako tapos sumakay sa sasakyan ni Alex. Ginusto niyang sunduin ako eh, edi go. Atlit makakatipid ako ng pamasahe. Bwahahaha, ang tagal ko na din siyang naging personal driver. Ang sama eh ginawang driver.

Umandar na ung sasakyan tapos pumunta na kami sa pagkikitaan naming lahat. Sa may malapit sa school. Andun na lahat actually kami yung nahuli. Tagal kasi ng service ko eh!! (choss)

"Hay nako! Muntik na kami maging mas matigas pa sa isdang nilagay sa freezer sa kakahintay sa inyo!!" sigaw ni Min.

"Sorry naman!" sabi ko.

"Oh? ano pang hinihintay natin? Sakay na tayo sa van!!!! Kyaaaaah!! *tili*" nakakarindi talaga tong Min na to. Binitbit ko na yung dala kong mga gamit tapos papasok na sana ako sa van pero hinila ako ni Alex.

"Eh?" sabi ko.

"Sa sasakyan ko nalang si Nicole." sabi niya.

"Bahala kayo! basta umalis na tayo!! *tili*" putulan ko kaya ng ngalangala tong babaeng maingay na to. Nkakainis na eh. Ingay ng bunganga. Sakit sa eardrums. Errr

"Tara na. Akin na yan" sabi niya tapos siya na nagbitbit ng gamit ko. Di ko lang driver, Personal assisstant pa. Oh! Kabog!!! :P

Pumasok na ako sa sasakyan tapos siya naiwan. Joke! nagdrive na siya tapos nakatulog ako bigla habang nakasandal sa bintana.

"I miss you..."

"I miss you..."

Paulit ulit kong naririnig. Nakakainis ano ba naman yun? Nakakairita na kasi eh. Hindi naman si Alex yun, lalo namang hindi si Min. Grr. Nakakainis na. Ano ba kasi yun?

*Toink*

Bigla akong nagising kasi nauntog ako sa bintana. May humps kasi ata.

"Aww"

"Oh anong nangyari sayo?" sabi ni Alex.

"Wala. . malapit na ba tayo?" sabay tingin ko sa labas

"Hmmmm... uhmm.. oo medjo lang naman, gusto mo matulog ka muna. Mukhang inaantok ka pa"

"ha? hindi. Hindi ah, gising na gising ako oh" sabi ko tapos nilakihan ko pa yung mata ko tapos pinapakita sa kanya.

"Hahaha, ok ok. Alam ko na gising ka.." sabi niya tas tumawa pa.

Ilang minutes nalang tapos nakarating na kami sa Infinite Paradise! sa may Laguna. Waah. Ang ganda dito. Pagbaba ko nakita ko si Min na nagsisisigaw.

"Bespren!!!" sigaw niya.

"Ang ingay mo. May speaker ka ba sa bunganga mo?"

"Ano ka ba! Ang ganda noh???"

"Oo nga. Ang lamig pa"

"Gaga! eto oh! tingnan mo ung sandals ko!!" sabi niya sabay turo ng madaming beses sa sandals niya.

"Oo. Oo" sumangayon na lang ako. Kawawa naman eh. Suportahan natin.

Nilapag na ung mga gamit namin sa bawat cottage.

Oppa wants me [Completed]Where stories live. Discover now