Chapter 37

5.1K 68 21
                                    

Chapter 37

Nagstay lang ako dito sa bahay. Nanuod lang ng mga movies at kumain. Kaya ako tumataba eh -.- Nung tanghali na naisipan ko ulit na ipagluto si Peter ng lunch niya at pumunta sa school. Safe naman siguro sa school eh, wala namang masamang mangyayari sa akin duon kaya bibisita nalang ako. Kaya naman nagluto na ako and nagready na para pumunta ng school. Namimiss ko na din ang kaingayan sa school. 

"Hi Manong Guard!" bati ko sa guard ng school namin na palaging tambay sa gate at walang ibang ginawa kundi uminom ng uminom ng juice, porket free yung juice niya eh =.= 

May mga nakasalubong akong mga classmate ko dati, tinanong ko sa kanila kung nasaan si Peter. sabi nila nasa classroom daw, canteen eh wala naman. Saan ba yun sumuot at hindi ko mahanap? Lunch break kung saan saan pumupunta. Naisipan ko munang magcr bago ulit siya hanapin. 

Biglang pumasok sa isip ko na madalas siya duon sa parking lot. Sa basement ng school, kasi trip niya duon sa may loob ng sasakyan niyang kumain kasi daw walang maingay at tahimik. Eh nakakatakot kaya sa basement mamaya may kumalabit sayo dun eh. Awuuu~ scary. baka kalabitin ka nung janitor na mop ng mop sa sahig na makintab at malinis na. 

"Andito lang siguro si Peter" sabi ko nung pababa ako sa hagdanan. Suddenly may nagsalita na babaeng papalapit sa akin, alam kong si Dana iyon. Paker siya. 

"Oh.. andito ka pala?" hindi picture ko lang to, hay nako! 

"Tigilan mo na nga ako Dana! wag mo na ako guluhin wag mo na guluhin ang buhay ko! Tss" sigaw ko at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan ayaw ko siyang tingnan dahil nakakadiri yung mukha niyang parang paa. 

"Buhay mo? Swerte mo nga buhay ka pa eh! Wag mo akong lalayasan! Halika nga dito! Hindi kito titigilan hangga't di ko pa nababawi  ang akin!" 

Hindi ko siya pinansin wala akong time para makipag-usap sa mga walang kwentang tao. "Hoy! bastos ka talaga ah!!" hinablot niya yung buhok ko. Kaya hinawakan ko yung kamay niya. 

"Wag mo akong hawakan! Ano ba! Masakit!!" pilit kong pinabibitiw sa kanya yung buhok ko. Pero ayaw padin niyang bitiwan. 

"Akin lang si Peter! Kukunin ko siya ulit sayo! Hindi bagay ang isang hayop na katulad mo sa kanya!" sigaw niya sakin.

"Ang kapal mo! Huy wag mo akong gawing salamin mo! Nakakadiri ka! Bitiwan mo ako!" 

"Ugaling skwater ka talga! Tss.. Dapat sayo mawala na eh!" binitiwan niya ang buhok ko tapos tinulak ako. Naout-balance ako dahil sa pagkakalakas ng tulak niya sa akin dahilan ng pagbagsak ko sa hagdan, "OHMYGOSH!" sigaw niya.

Third person's pov

Nalaglag si Nicole sa hagdanan na ikinagulat ni Dana. Hindi niya alam na buntis pala ito, kasi kanina pa niya kausap si Nicole pero nakatalikod lang sa kanya. Nasa pang-5 hagdan sila nung nalaglag si Nicole. 

"AHHHHH! Aw" hinawakan ni Nicole ang ulo niya na tumama pa sa hawakan. Nakaupo na siya ngayon sa may lapag habang si Dana naman ay nakatingin lang sa kanya na gulat na gulat. Napansin ni Nicole ang pagtulo ng dugo sa legs niya. "Ahh~ ang babies ko.." sabi niya, nanghihina na siya dahil mataas-taas din ang pinaghulugan niya.  

Nakaramdam ng sakit si Nicole sa tiyan niya, tiningnan niya ng masama si Dana. "B-buntis ka? ohmygosh" yun nalang ang nasabi ni Dana tapos napatakip siya ng bunganga niya. 

"Pag may nangyaring masama sa mga anak ko, patay ka sakin! AAAH! Ang sakit!" napahawak ulit sa tiyan niya si Nicole. Sakto naman na biglang dumating si Min. 

"Oh no! Best! Nicole! anong nangyari sayo?! Shocks!" lumapit siya kay Nicole na nakaupo lang sa sahig at parang mawawalan na ng malay. Tumingin si Min sa taas ng hagdan, nakita niya duon si Dana. "Ikaw! anong ginawa mo kay Nicole!!!!" nagpanic na si Min na parang hindi alam ang gagawin. Si Dana naman biglang nagwalk-out dahil gulat na gulat siya sa nangyari. 

Oppa wants me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon