Chapter 28

7.3K 48 25
                                    

Chapter 28

Nicole's POV

Badtrip yung lalaking yun. Sarap sapakin eh, grrrrrr. nangigigil ako sa mukha niya. Hindi sa dahil cute siya, kundi nakakaasar! >.<

Bigla akong napaikot ulit sa kanina kong pwesto, nakita ko nanaman si Peter na nakangiti na pangasar. Para niya talaga aong inaasar, nakakainis na to ah!!! Inirapan ko siya tapos pumikit ako. Lintik, akala ko ba tapos na ang halloween bakit yung mukha niya panghalloween pa din? Aishhhh. Badtrip. Tuwing didilat ako, nakikita ko pa din siya na nakatingin sa akin at nakangiti ng ganun. Sa sobarang inis ko hindi na ako nakapagtiis. Tumayo na ako agad mabuti walang nagising na iba. Pumunta ako sa tapat ni Peter at pinitik ang tenga niyang pagkalaki-laki.

"Ano bang trip mo? Pwede ba wag kang ngumiti ng ganyan. Nakakakilabot ka!" sabi ko ng pabulong sa kanya, siyempre pagsumigaw ako baka marinig ng buong universe.

"Bakit? Naiinlove ka ba sa mukha ko?" sabi niya ng mayabang yung tono.

"ASA KA NAMAN! Psh. Letche" sabay walkout ko. Lumabas muna ako sa may kwarto. Wala akong pake kahit lamigin ako dito.Kaysa naman makita ko ung nakakatakot na mukha nung lalaking un. Mas okay na ang makakita dito ng multo kaysa mukha ni Peter.

"Hoooooo" ang lakas ng hangin ang sarap sa balat. Ang lamig kasi eh.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!! MUMU! MUMU!!!!!!!!" sigaw ko ng may makita akong mahabang buhok na nakaputing dress at puting puting mukha na akala mo foundation day ngayon. "AHH!!!"

"Hija! hindi ako multo!" napatingin naman ako sa kanya. "Ako to" sabi niya. Ah! yung matandang babae lang pala na may ari ng bahay na to. "Ikaw naman. Pinagkamalan mo na akong mumu, nasobrahan lang ako sa paglagay ng bb cream eh."

Hanudaw? Ang taray ni lola. Alam ang bb cream, at nagbb cream sa gabi. Kaloka. Tinalo pa ako eh.

"Anong ingay yun?" biglang dumating si Alex. Sinabi naman ng matanda yung nangyari. Eh kasi naman eh. Pshhhhh, ikaw kaya makakita ng ganun dito sa mukhang gubat na lugar sa gabi. Kagulat kaya, tumalon ung puso ko eh.

Pinabalik na kaming dalawa sa kwarto. "Wait lang, mauna ka na"sabi ni Alex.

"Ha? bakit? ayoko. tara na" sabi ko habang paakyat sa hagdan.

"Saglit lang. Walang multo jan wag ka magalala" sabi niya sa akin. Hindi ako natatakot sa mumu kundi kay Peter! psh. pero baka tulog na din yun. Makaakyat na nga.

"Awuuuuuu~" bigla akong may narinig na ganun sa tenga ko. Tae.. sa tenga ko talaga.

"Utang na loob. hooooo~ walang multo walang multo" sabi ko sa sarili at pumikit ako.

"Baaam!!!" may sumigaw sa harap ko kaya napamulat ako.

Nakita ko si Peter. Hutangggggg!! "Umalis ka nga sa harapan ko!" sabi ko.

"Walang multo pero may gwapo" sabi niya.

"Kung may gwapo man hindi ikaw yun" sabi ko.

"Oops. Wala akong sinasabi na ako yun ah. Pero..." pumunta siya sa harap ko, "takot ka pala sa multo. Hahahahaha!! 'ahh may mumu!!!' haha" ginaya pa niya yung sigaw ko kanina. Aissshhh nakakainis.

"Mas nakakatakot padin yang mukha mo. Alis!!!" tinaboy ko sya at mabilis na tumakbo papuntang kwarto. Nilock ko yun tapos may biglang kumatok. hindi ko binuksan, bahala sya. Pero kumatok padin siya ulit ng madaming beses aisshhh.

Binuksan ko yung pinto, "Ano ba!!!!!- Alex, bakit kasi hindi ka nagsasalita" nakakainis. Akala ko naman si Peter si Alex pala. Hindi naman ako nadisappoint kaya lang nasigawan ko si Alex. Amp

Oppa wants me [Completed]Where stories live. Discover now