Take Time To Realize (III)

172 12 2
                                    

Yael's POV

Bakit ganun? Bakit parang ang gaan gaan nang loob ko sa kanya? Nahihibang naba ako? It was my first time na nag makaawa sa isang babae. Pero, bakit ganito ang pakiramdam ko. The touch of her hands and her eyes. Parang, parang...

"YAEL!!!!" hingal na hingal si Sophie'ng pumasok sa room ko. Ano bang problema nya?

"What hell Yael!!! Anong bang pinagsasabi mo na pagkatapos ng event nato paaalisin mo na sya?!" Teka! Pano nya nalaman?

"Nakikinig ka sa usapan nang ibang tao? Edi sana pumasok ka nalang para marinig mo lahat nang sinabi namin! May libreng scene pa!"

"Pwedi ba? Hindi ako nagbibiro! Seriously? Anong bang nakain mo na paaalisin mo talaga sya? Huh?!"

"Hindi ko naman sya pinapaalis, she insist!"

"Kahit na Yael! MyGod! In the first place hindi naman talaga sya ang may kasalanan nun eh! Yang Olivia na yan! Sya ang may pakana nang lahat!"

"Ano bang pinagsasabi mo? Nandamay ka pa ng ibang tao. Kung hindi dahil kay Olivia, hindi din matutuloy ang meeting."

"WHAT?!?! Anong hindi matutuloy? Tinuloy ko po yung meeting! E wala nga sya dun para tulungan ako. Tapos ngayon sinasabi mong kung hindi dahil kay Olivia di matutuloy ang meeting?! The heck Yael! Sya yung may pakana na muntik nang hindi makuha nang kumpanya natin ang ibang shares ng ibang bansa!" Ano?! Akala ko ba si Olivia ang gumawa nang paraan para matuloy ang meeting? Yan yung sinabi nya sa akin!

"What do you mean?"

"Hindi nawala ang files! I saw Olivia entered Tricia's room when we're in Boracay!"

"So? Anong ngayon kung pumasok sya?"

"Alam mo Yael? Napaka mo talaga! Sya yung nagtapon nang juice sa folders at sya din yung nagtapon nang USB sa likod nang hotel! Sya yung gumawa nang lahat nang yan! Hindi ko nga alam kung bakit si Tricia ang pinagbibintangan mo eh, hindi mo naman alam kung anong punot dulo nito! Tsk."

Panong...

*****************************

Flashback...

“Sir?”

“Yes Olivia?”

“You have something to know.”

“What it is?”

“Nawala ni Tricia ang file na I peperform natin mamaya sa meeting. I saw her kanina na parang may hinahanap sya, I think yun yung USB at sad to say pati yung folders. Parang natapunan ata nang juice kaya hindi na ito pwedeng magamit.”

"WHAT?!?!"

"Yes sir! Napaka careless kasi nang babaeng yan ehh! Sa lahat nang winala nya, yun pa! Alam mo sir? Hindi talaga sya karapat dapat na maging secretarya nyo! Tignan nyo ngayon? Pinahamak nya kayo pati na ang kumpanya. Pano nalang yung mga share nang ibang bansa? Baka hindi na natin yun makukuha kung hindi tayo gagawa nang paraan?"

Shit! Shit! Akala ko pa naman maaasahan sya! Yun pala, hindi!

Bakit ngayon pa! Ngayon pang araw na to!

“Shit! Where is she?!”

“She’s in her room.”

"Wag kayong mag alala, tutulungan ko po kayo, ako na ang bahala sa meeting."

End of Flashback...

************

So ibig sabihin, sya talaga ang may gawa nun? Bakit niya sinisiraan si Tricia? Ano bang nagawa nya sa kanya?

"Ibig sabihin..."

"Yes Yael! Dahil sa kanya, kaya natin nakuha ang shares nang ibang bansa. Dahil nga kung nawala talaga yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Oo, kaya ko naman gawan na paraan. Pero hindi kasing convincing kay Tricia. Kaya please Yael! Wag mong hahayaang mag resign sya."

"Sophie? May itatanong ako." Kailangan ko ba talagang malaman to?

"Ano yun?"

Itatanong ko ba o wag nalang? Pero, iwan ko kung bakit tinutulak ako nang dila ko na itanong to.

"Sayo ba to?" Pinakita ko sa kanya ang hawak kung kwentas. Oo, yun yung kwentas na nakita ko sa

kwarto ko nung araw na nawalan nang malay si Tricia. Gusto ko lang malaman kung sa kanya ba talaga to.

"Kwentas? Wala akong ganyang kwentas. Bakit?"

 Para akong nabato sa kintayuan ko.

Kung hindi to sa kanya...

Ibig sabihin...

"Yael? Bakit? Ok ka lang ba?"

Ibig sabihin...

"Yael?"

Pero, bakit nya sinabing kay Sophie to? Impossible namang kay Annie o kay Olivia, ehh sya lang ang babaeng nakapasok nang kwarto ko nung araw na yun..

 "Shit!!!"

Kailangan ko syang puntahan, kailangan ko syang kausapin.

"Wait Yael! San ka pupunta?!!! YAELLLLLL!!!"

Hindi ko na pinansin ang tawag sa akin ni Sophie.

Dali dali akong lumabas nang office.

Gusto ko syang kausapin.

Gusto kung itanong ulit sa kanya kung sa kanya ba talaga to.

Na kung sya ba talaga si Bella.

Sana nandito pa sya.

Sana hindi pa sya nakalabas.

Patakbo akong pumunta sa office nya, pero wala na sya dun.

Pinuntahan ko si Annie, pero sabi nya umalis na daw.

SHIT!!!

Kulang nalang liparin ko ang daan para makalabas nang mas mabilis.

Pero...

Huli na ako.

Wala na sya.

"AAAHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Halos lahat nang tao napatingin sa akin dahil sa sumigaw ako.

GOD! Bakit ngayon ko pa kasi nalaman! Aish!

Bukas! Kakausapin ko sya bukas.

Sana pumunta sya..

Sana tanggapin nya ang offer ko...

Sana nga...

One Last TearsWhere stories live. Discover now