Surprise! Part 1

38 0 0
                                    

************************
BORACAY...

Tricia's POV

"Hey sleeping beauty. Wake up." Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Did you sleep well?" Ow, nakalimutan kung nagbabyahe pala kami. Nakatulog pala talaga ako.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Nilibot ko naman ang tingin ko. Mukhang nandito na nga kami.

"Yes. Shall we?" Hinawakan nya ang kamay ko at unang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Nilahad nya ang kamay ko at dahan dahang pinababa sa kotse.

"Nandito na ba sila Annie? Ba't parang wala naman ata sila..."

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEESSY!!!!" Speaking of Annie. Ayan na pala. -,-" Ba't ba ang hilig nitong sumigaw?

"Kumusta kana? Ok ka na ba? Inalagaan ka ba ng mabuti ni Yael? Sabihin mo lang sakin, sasapakin ko to pag pinabayaan ka nya. Nakooooo" Grabi, ewan ko talaga kung saan dun ang uunahin kung sagutin. Ang dami atang tanong nun ah? O.o

"Grabi ha? Daig mo pang microphone kung makasigaw eh. Ok na po ako. Kung tinatanong mo kung inalagaan nya ako ng mabuti, of course yes." Sabay tingin ko kang Yael na naibaba na ang lahat ng gamit namin sa sasakyan.

"Aaw, hihihi. Peace. Di nga halata bessy eh, tignan mo nga yang mga mata ni Yael, nagkaka eyebags na at medyo pumayat ata tong nurse mo. Mukha ngang sya ata ang nagkasakit eh, di ikaw." Sabay sapak sa akin at nagpeace sign ito. Tinignan ko sya ng masama.

"Ewan ko talaga sayo. Anyways, san nantayo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang nililibot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa harap ko narin sa Yael na medyo pinapawisan sa dami nyang dala. Pinunasan ko ang noo nya gamit ang panyo ko. Nakuha nya naman ang attensyon ko dahil mukhang nagulat ito sa ginawa ko. Iniwas ko yung tingin ko dahil feeling ko talaga namumula na yung pisngi ko. Gooooosh

"Ang sweet naman. Baka mamaya langgamin kayo jan ha? Hahahaha. Hali na kayo. Pumasok muna tayo sa hotel para mailigpit nyo na ang mga gamit nyo." Sabi nya at tinulungan nya naman kami sa mga gamit namin.

"I will bring all of this. Just bring you're bag and yourself." Waaaaa!!! Ayan na naman yung kilig words nya. :3

"Ooy, wag ka nang magbuhat baka mabinat ka." Saway ko kay Annie. Pano kasi, kapapanganak lang nito eh tapos magbubuhat. Yes, nanganak na sya at lalaki yung anak nila. Tuwang-tuwa nga si Sebastian dahil panalo daw sya sa pustahan nila. Yeah, nagpustahan ang dalawa sa magiging gender ng anak nila. Ewan ko nalang kung ano yang kondisyon ng pustahan ng dalawa. Haaay, kaya naman pinigilan ko sya. Baka mapatay kami ni Sebastian nito. Teka nga, speaking of Sebastian...

"Yes Annie, I can handle all of this. Dont worry." Sabat ni Yael. Kaya kinuha nya yung dalawang bag na binuhat ni Annie.

"Teka lang bessy, asan na ba yung asawa mo? Mukhang di ko ata nakita ngayon ah?" Tanong ko sa kanya. At nagsimula na kaming pumasok sa loob ng hotel.

"Nasa seaside. Naghahanda ng pagkain. Dun kasi tayo mamaya, since maghahapunan na naman. Kaya dalian nyo ng umakyat at pagkatapos ay bumaba na kayo kaagad para makapagbonding." Ng nasa harap na kami ng room namin ay nagpaalam na agad si Annie at hinalikan ako sa pisngi. Pumasok na kami sa loob para makapaghanda.

****************************

Nang makapaghanda na kami ay agad naman kaming bumaba tulad ng sinabi ni Annie. Di kami magkasabay ni Yael dahil umuna na itong bumaba. Tutulungan nya daw si Sebastian na maghanda.

Nang marating ko ang seaside na sinasabi ni Annie ang namangha ako sa ganda ng view. Para naman itong may ocassion eh. Andaming tao at mga pagkain sa misa. San na kaya sila? Nilibot ko yung paningin ko sa lugar. Baka sakaling makita ko sila.

"BEEEEES!! NANDITO AKO!" Nahagip naman kaagad ng mata ko si Annie sa unahan na kumakaway. Pumunta ako sa deriksyon nya para salubungin ako.

"San na sila? Si Yael?" Tanong ko sa kanya.

"May pinuntahan sila. Magkasama naman sila ni Bastien kaya walang problema." Tumango-tango naman ako bilang sagot.

"So, tara na dun." Sumunod nako sa kanya at pumwesto sa may harapan. Nandun kasi yung mesa namin eh.

"Ang laki naman ata ng mesa natin eh, apat lang naman tayong uupo dito." Sabi ko kay Annie. Dahil napansin kung pangwalong tao talaga ang kasya dito.

"Eh, ganyan talaga yan. Wag mo na nga lang yang pansinin. Kaw talaga." Nabaling yung attensyon ko ng magsimula ng tumugtog ang DJ at nagsisayawan naman ang mga tao. Ang saya nilang tignan. Infairness talaga at naaliw ako ha.

"Ano?! Tara sayaw tayo beees! Yeah... Yoooow!! Break it down yoooooow!" Si Annie na sumasayaw pa sa harapan ko. Hahaha! Ano kayang nakain nito at bigla nalang nagsasayaw.

"Ayaw ko nga! Di naman ako marunong sumayaw eh." Saway ko sa kanya.

"Beesy?! Ang pagsasayaw ay di nakikita sa lambot ng katawan. Kundi nakikita sa PAAAAK! Sa kung paano mo ito ginagalaw." Pasigaw nyang sabi dahil sa lakas ng togtog at kumembot kembot pa sa harapan ko. Seriously? O.o baka siguro pag ginawa ko yan mabilian pa ako ng buto sa tigas ng katawan ko. -_________-

"No thanks beeees. Magpapabali nalang ako ng buto kaysa sumasayaw no. Di ko kaya yan." Aba naman! Kahit ba bigyan nyo ko ng isang milyon. I won't never ever ever ever do itttt! Bleeeeh

"Ang KJ naman nito! Pano nalang kung isayaw ka ni Yael? Irereject mo sya?! Ganun?" Sa pagkakaalam ko, di naman sumasayaw si Yael ah?

"Eh?"

"Tsk tsk. Nevermind beeeesy!" Sabi nito sabay tayo.

"Oh? San ka pupunta?!" Nag gesture lang ito sa akin. Yun pala bumalik dun sa dance floor. Shunga din talaga yun paminsan minsan eh. Iniwan ba naman akong mag-isa dito. San na ba kasi si Yael?


*************************
Bitin ba? Hahahaha. Ok, proceed to part 2. XD

One Last TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon