DON'T LEAVE - EPIC ENDING OF ANNIExSEBASTIAN

165 13 2
                                    

 Ano kayang gagawin ni Annie ngayon aalis na si Sebastian?

******************************************************

Anne’s POV

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Nakalimutan kung magkikita pala kami ni Sebastian.

At ngayon, hindi ko man lang sya nabigyan nang pagkakataong makausap ko sya.

Kailangan ko syang habulin. Sana mahabol ko pa sya. Sana, hindi pa sya umalis.

Please! Wag kang umalis…

Una kung pinuntahan ang Bar kung saan sila tumutugtug. At saktong-sakto na naabutan ko pa ang mga kaibigan nya.

“Ahm. Kirb? Nakita nyo ba si Seppel?” hinintay ko ang sagot nila pero, nakatitig lang sila sa isa’t-isa. Anong nangyari?

“Si Seppel? Hindi mo ba alam na ngayon ang alis nya?” sagot ni Junn sa akin.

“A-alam ko. Nakalimutan ko kasi ehh.”

“Nako! Pano na yan! Kanina pa umalis si Bastian. At tsaka.. *tumingin sa relo*  9pm na flight nya. 30 mins na oh. Kung gusto mo pa syang abutan. Magmadali ka bago pa mahuli ang lahat.”

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. 30 mins? Pano ko pa maabot ang 30 mins ehh,  isang oras ang byahe papunta NAIA. Hindi ko na sya maaabutan pa. My tears started to fall. Mukhang walang nang pag-asa. *sobs*

“Kaya pa yan Annie. Mahal ka ni Seppel, alam naming naghihintay din sya sayo.. Ang problema nga lang..eh kung may nararamdaman ka rin sa kanya. Alam mo bang, nag set pa sya nang dinner para lang ma edate ka ngayon? Pero parang effortless din pala dahil hindi ka pumunta. Siguro nga, nasaktan talaga sya Ann dahil, akala siguro nyang wala nang pag-asa.” Niyakap ako ni Harry. Tama naman talaga sila ehh. Pinaghintay ko sya sa wala. Eh. Hindi ko naman sinasadya eh! Nakalimutan ko lang talaga. Bumitiw nang yakap si Harry sa akin at tinignan nya ako sa mata.

“Ikaw nga umamin… Mahal mo ba sya?” Mahal? Mahal ko ba talaga sya? Sabi nang utak ko, Oo. Pero sabi naman nang puso ko hindi. Siguro kasi, takot lang talaga akong masaktan. Pero, mahal ko na talaga si Seppel. Hindi ko alam kung kalian to nagsimula. Basta ang alam ko, mahal ko na sya. Oo, mahal ko na talaga sya.

“Oo. Mahal ko sya. Mahal na mahal.”

“Kung ganun, bakit ayaw mo pang pumunta sa airport at pigilan sya na umalis?! Sige ka! Pag yun nakaalis talaga nang bansa, hinding-hindi na yun babalik. Gusto mo yun?”

“Huh? Imposible naman ata!”

“Magiging imposible yan pag hinabol muna sya kaya, PUNTAHAN MO NA SYA!!! GOOOOOOOOOOOO!!!” Tinulak nila ako papuntang pinto. Oo, kailangan ko na syang puntahan. Mahahabol ko sya. Mahahabol ko pa sya! Dali dali akong pumara nang taxi papuntang airport.

“Mama! Pwede po bang pakibilisan?”

“Mam, ito na po ang pinakamabilis. Baka po mabangga pa tayo nito.”

“Pasensya na po kayo. May hinahabol lang po talaga ako..”

After 20 mins, nakarating na kami. Dali-dali akong bumaba nang taxi at tinahak ang pintuan nang NAIA. Pero hinarangan ako nang mga guardia. Bawal daw pumasok pag hindi pasahero.

“Mam. Pasensya na po. Hindi po talaga pwedeng pumasok. “

“Please po! Maawa na po kayo sa akin, may hahabulin lang po talaga ako, tapos pagkatapos po, lalabas na ako. Sige na po.” Halos mangiyak-ngiyak na ako sa pagmamakaawa sa mga crew.

One Last TearsOnde histórias criam vida. Descubra agora