Gusto kong sumigaw dahil ang itsura nila parang itsura ni Zoren nung una ko siyang makita gamit ang Feo Capo na yun. Sobrang pangit. Ang halimao. Si Baby liyah naman natatawa sakin, kaya sinimangutan ko siya. Siguro sanay na siyang makakita ng ganyan dahil taga dito siya.

Ano ng gagawin ko paano ako makakaalis dito. Gusto ko ng tumakas dahil feeling ko mapapahamak ako! Lumingon lingon ako sa paligid at nakahanap ako ng malulusutan. Dahan-dahan akong naglalakad na kahit yapak ko e di nila maririnig.

"Ahh" agad akong napatakip ng bibig ko dahil may naapakan akong isang matulis na bato, hindi ko na naisip kunin pa ang tsinelas ko dahil ang layo sakin nun. Tinignan ko naman sila kung narinig ako at isang nilalang napalingon sa pwesto ko. Patay.

Agad naman silang napalingon lahat sakin, omg deads na ako!! Si Baby Liyah naman takot na takot na nakikita niya.

"Wag kayo lalapit sakin!" sabi ko sakanila habang tinuturo sila.Naiintindihan ba nila ako? Kahit naman ang baboy di ba may utak, un nga lang napaka slow.

Palapit sila ng palapit sakin. May mga hawak pa naman silang mga sandata. Baka patayin nila ako. Tama nga si Zoren na delikado mag isang umalis! Hay. Dapat pala sumunod na ako sakanya. E bakit ba, di ko naman alam e.

"Enemigo" isang boses na maliit ang nagsalita, si baby Liyah. ENEMIGO?! WAAAA! Ang mga nakakatakot na nilalang na walang awa pumapatay ng mga Madrina! Deads na talaga ako nito. Wala na akong pag asang mabuhay. 

Sinubukan ko naman tumakbo at biglang may isang enemigo ang humarang sakin. Tumakbo ako sa kabila ganun din ang nangyari. 

"Wag nyo ko sasaktan mga halimao kayo! Mga pangit!" pagkasabi ko na halimao, bigla silang nag ingayan. Mga pangit talaga! Mga walang puso! 

Hinawakan ako ng isang enemigo, biglang lumukso ang puso ko para akong aatakahin sa puso. Feeling ko mamamatay na ako!

"Anong gagawin mo sakin! Wag mo kong hawakan. Pangit ka! Pangit!" nagsisimula namang bumuo ang mga luha sa mata ko. Ayaw ko pang mamatay, pero anong magagawa ko. Wala naman akong kapangyarihan gaya nila Lolo at Zoren. Naramdaman kong basa na ang mga pisngi, umiiyak na ako sa takot kong patayin nila.

"Sabi ko naman sayo, delikado dito. Ang tigas talaga ng ulo mo." Isang familiar na boses ang narinig ko, hinanap ko kung nasan siya. Ayun, nasa may puno nakatayong nakasandal habang pinaglalaruan ang kuko niya. Di ba niya ako tutulungan?

"E kung tulungan mo kaya ako?" pagkasabi ko nun, biglang siyang nawala sa puno at nakita ko nalang nasa likod siya ng isang halimao at sinaksak niya ito. Ang bilis niyang kumilos ah. Ganun din ang ginawa niya sa ibang mga halimao na yun. Buti nga sakanila.

"Ayaw mong maniwala sakin ah. Sige maglibot ka pa!" sabi sakin ni Zoren sabay naglakad na paalis. Aba at iiwan niya ako dito. Ang sama talaga niya! Teka, ayaw ko ng magpaiwan dito.

"Zoren teka!" medyo malayo na siya sakin kaya tumakbo ako.

"HUY TEKA LANG!" 

*Bahay

Atlast nakauwi na kami sa bahay. Di pa rin ako pinapansin ni Zoren simula kaninang tinulungan niya ako. Di pa ako nakakapag pasalamat sakanya. Di niya ako pinapansin e! Baka isnabin niya ako kapag kinausap ko siya. Hmp.

Nang makapasok kami sa bahay, di pa rin niya ako pinapansin. Ang pangit na nga niya, ang pangit pa ng ugali niya, ang sungit pa! Malas nalang ng babaeng magkakagusto sakanya.

"Zoren." tawag ko sakanya, tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Walang emotion ang mukha niya, poker face kamo. Hm sinong may ganang makipag kaibigan sakanya. Wala ata siyang kaibigan e.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Where stories live. Discover now