Chapter 33: The Escape

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Aunt Helga.

"Dalawang araw, Aunt Helga. Dalawang araw lang ang kailangan ko."

Tinitigan ako ni Aunt Helga bago niya nagawang sumagot.

"Kung may isang bagay ka mang nakuha mula sa iyong Ama, yon ay ang kanyang tapang. Hindi ko gustong sabihin ito ngunit hindi maipagkakaila na isa kang Arden."

Marahang hinawakan ni Aunt Helga pabalik ang aking mga kamay.

"Harapin mo ang iyong pamilya saka ķa bumalik sa amin, dito sa Van Zanth. Maghihintay kami."

--

Ang araw ng aking pag alis ay ang araw ng pagpunta ni Zander sa Fabrice. Isa itong utos mula sa council. Kailangan ni Zander na dumalo sa pagdinig tungkol sa kalagayan ng Van Zanth at ng kanyang pamumuno.

Hindi ko alam kung ilang araw siyang magtatagal sa lugar. Nakadepende ito sa takbo ng kanilang usapan. Kailangan kong makabalik bago siya makauwi. Kung hindi ko ito magagawa kailangan akong pagtakpan ni Aunt Helga. Ito ang amin naging usapan.

Pinuntahan ko si Zander sa kanyang kwarto noong gabing yon. Kinabukasan ang araw ng kanyang pag alis. Nadatnan ko siyang nag aayos ng ilang mga gamit. A fading glow of the chandelier above iluminated the room.

Hindi ito binanggit ni Zander ngunit alam kong ang pagpunta niya sa Fabrice ay may mas malaking dahilan. He assured me that the meeting was an annual occurrence for every leader of a hybrid town. Pero alam ko na ang ruler transition na binanggit ni Venis sa akin noon ang pag uusapan sa pagdinig.

Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa kanyang kama habang pinagmamasdan siya. Lumingon siya sa akin. Noong oras na yon gusto ko hawakan ang kanyang mukha. Maaari bang tumigil ang oras? Ayoko ng dumating ang bukas.

"Magiging okay ka lang ba dito?"

I tried to smile.

"Maaga akong aalis bukas."

Maging ako, Zander. Tahimik kong dugtong. Pareho nating haharapin ang ating mga problema. At pagbalik natin magiging maayos na ang lahat.

Lumapit si Zander sa akin. Hinawakan niya aking aking mukha.

"Mag iingat ka." Bulong ko.

Saka ako napapikit nang maramdaman ang init ng kanyang palad sa aking balat. Sa hindi malamang dahilan tumulo ang aking mga luha.

"Bakit ka umiiyak?"

Umiling ako. "Wala ito."

Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito, Zander. Gusto kong makasama kita ng walang takot o gulo.

Pinahid niya ang aking luha. Ngumiti si Zander sa akin. Kahit hindi namin parehong alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito, nandito parin kami umaasa na maaayos din ang lahat.

Hinalikan niya ako sa noo pababa sa aking labi. I let his lips enveloped mine in a warm slow gesture. Saka niya hinawakan ang magkabila kong mukha at pinagdikit ang aming mga noo. It was almost in a whisper when he said it.

"Kapag naayos na ang lahat ng ito..." Bulong niya. "Yayayain na kitang magpakasal."

Tinitigan ko siya. The smile on his face as he said those words will forever be embedded to my memory. Dahil noong mga oras na yon nalaman ko ang aking sagot.

Yes, Zander. I do. I will love you. Always. Forever.

--

Sa kwarto ako ni Zander natulog noong gabing yon, pag gising ko wala na siya sa aking tabi.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon