CHAPTER 1 - OH MY FRIES!

354 4 7
                                    

Happy hearts' day everyone!

May we all find THE ONE :D

and may you all find THE TIME to read my story.

HAHAHAHA! :))

“KUYAAAAAAA!!!! DALI! Malalate na tayo oh.” sabay na sigaw namin ni Ate Bea with matching tingin pa sa aming watch.

5:45 AM na kasi! First day of classes pa naman at magbabiyahe pa kami papuntang Manila. Dun kasi kaming lahat nagaaral. Naka-ready na nga kami ni Ate Bea eh! Kung sino pa yung lalaki… NAKU! O siya! Magpapakilala na nga muna ako!

Ako nga pala si Roxette Santiago, pwede na rin “Xettie” itawag niyo saken. Eh kasi gusto ko kayo maging close. Haha! FC ba? Sorry nemen! I’m 16 years old na mag-aaral na sa DLSU. Early Childhood Education course ko dun! Oh well, I just love kids! Hehe. Middle class ang pamilya namin. Si Papa OFW kaya ayun! Haha! And may Ate Beattriz at Kuya Joshua ako, na mahal na mahal ako! :”>

Eto maganda, si Ate Bea… 3 minutes older sa akin. In short, WE’RE TWINS!

Madami kaming differences pero magkasundo naman. Like, sa USTe siya mag-aaral and HRM ang course. She’s brainier than me. Siya ay isang Kikay, madami na nga yang naging boyfriend eh.

Ako naman kasi si “Enjoy life” girl! Kahit ano lang makita sa drawer isusuot na. Kaya nga it’s more fun in the Philippines! Labo eh! BWAHAHA! I also love to eat pero limit lang kasi baka tumaba hehe. NBSB rin ako, ewan ko ba! Sa dami ng crush ko, walang naglakas ng loob ligawan ko? Kapal ko na ba? Peace! ^__^V

*Kapal ng mukha mo ha!

*Ano ba Miss Author, nangangarap lang naman!

Si Kuya Joshy naman nag-aaral, rin sa DLSU, BS Psychology, at Third year college na. He’s 19 years old at…

Mabagal siyang maligo.

Mabagal siyang magbihis.

Mabagal siyang MAGSUKLAY, MAGSALITA, KUMAIN, KUMILOS, LAHAT!!!

Siya yung tipong parang gusto lang nakahiga at matulog. Pero wag ka! Full scholar yan. Ang daya nga eh. Paano kaya niya yun nagagawa?

“Eto… na… ako… Xettie… Bea… Nandyan… na… ba… yung…bus…?” sabi senyo eh! Masanay na kay Kuya Joshy.

“Kuya naman~ Wala tayong service.” hirit ni Ate Bea.

“Tara na kasi. Palagi kasi vacation mode utak niyan ni Kuya eh.” sabi ko.

“Wait… lang…” lumuhod siya.

“KUYA!” sabay na naman ulit kami ni Ate!

“Mag…sa…sa…patos… lang… kasi… muna… ako…”

Hay naku talaga! After 100 years at nakapagcelebrate na ng centennial year ang lasalle!

Joke lang! After 15 minutes lang. So… it means that 6:00 na kami nakaalis. Pero oks lang naman kasi 8:00 pa ang pasok namin. Babye and kiss muna sa aming Mama, as in mwah mwah XD

Nasa bus na pala kami. Magkakatabi kami syemperz. Sa may bintana si Ate, ako sa gitna at si Kuya sa tabi ko.

Si Ate Bea kabit na naman yung earphones sa ears niya! Aba’y alangan naman sa eyes! Charot lang…

Ako’y inaantok pa…

Si Kuya Joshy napasandal sa balikat ko.

“Ay… Xettie… Sorry…”

Wanted Textmate o Wanted Sweetheart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon