Chapter 38 ❤❤

8.7K 234 6
                                    

Pinagmasdan ko ang mga batang tuwang tuwa habang binubuksan ang regalo na bigay ni Zild sakanila.

Nasa isang bahay ampunan kami ngayon, hindi ko akalain na pupumunta pala si Zild sa ganitong lugar. He loves kids, I can see that in his eyes.

Maya maya may lumapit na isang napaka gandang bata saakin.

"Ate! Parang nakita ko na po kayo. Ah oo! Ikaw po yung nasa magazine!" Tuwang tuwa ang batang nasa harapan ko.

Ngumiti ako, hinawakan ko ang matambok nyang pisngi. "Ang ganda mo naman. Anong pangalan mo?"

Humagikgik ang batang babae "Ako po si Deborah Sese. 8 years old" pagpapakilala nya sa kanyang sarili.

Nakaka lungkot isipin na ang mga batang ito ay walang magulang. Minsan di ko maiwsan na hindi mapaisip kung paano nila nasisikmura na itapon ang kanilang mga anak. Dahil para saakin isa silang regalo galing sa diyos.

"Deborah, bagay na bagay sayo ang pangalan mo."

Hinawakan ni Deborah ang kamay ko, hinatak nya ako papunta kay Zild na busy sa pakiki pag usap sa mga ibang bata.

"Kuya Zild! Diba po sya yung princess na ikinukwento nyo saamin?"

Napunta lahat saakin ang tingin nila.

"Princess Eingrid!" Sigaw ng isang batang lalaki.

Nahihiya akong tumingin sakanila.

"Hello sainyo. Ate Audrey here!" Pagpapakilala ko.

"Totoo pala ang sinasabi ni Kuya Zild maganda ka" biglang buladas ng isa sakanila.

Napakamot ako ng batok dahil hiyang hiya na ako.

"Kids, nahihiya si Princess Eingrid ano ang gagawin?" Naka ngiting tanong sakanila ni Zild.

Nanlaki ang aking mga mata dahil bigla nalang silang tumakbo papalapit saakin at isa isa nila akong niyakap.

"Hihihi" hagikgikan nila.

Nagtitigan kami ni Zild, napaka saya nya ngayon. He is a perfect man that every girl wish for.

"Mga bata!" Lumabas mula sa loob ang isang madre.

"Sister Ana!" Ang mga bata na kanina'y naka yakap saakin ay pumunta na kay Sister Ana.

"Naku. Dahan dahan sa pagtakbo baka kayo ay madapa" malambing na suway sakanila ni Sister Ana.

Nagmano kami ni Zild paglapit ni Sister Ana saamin.

"Zild iho maraming salamat" ramdam ko ang sinseridad ni Sister Ana.

Ngumiti naman si Zild "Its my pleassure"

Nag kwentuhan pa kami nila Sister Ana bago kami umuwi ni Zild.

Habang nasa byahe kami pauwi ng makati, ipinikit ko ang aking mga mata.
Dalawang araw nalang matatapos na ang isang linggo na hinihingi ni Zild.
Habang patagal ng patagal lalong sumasakit para saakin ang lahat.
Ayokong iwan si Zild ng ganito. Ayoko ko syang saktan.

"Ihahatid na muna kita kina Tita, may pupuntahan lang ako"

Napalingon ako sakanya, seryoso ang mukha nito habang nag dadrive.

"San ka pupunta?" Tanong ko sakanya.

Nabigla ako sa susunod nyang sinabi "Kukunin ko ang ticket ko papuntang US"

"You're leaving?" Nauutal na tanong ko.

Itinigil nya ang sasakyan  sa harap ng bahay namin. Lumingon sya saakin at ngumiti.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon