Chapter 1: Street Foods

18.6K 549 22
                                    

Pagkatapos ng second subject ko napag desisyonan kong kumain sa labas. Masyado kasing mahal yung tinda nila sa cafeteria. Di ko kayang bilhin.

Hindi ako katulad nila na galing sa mayamang pamilya. Naka pasok lang ako sa University na ito dahil kay Tita Aileen ang panganay na kapatid ni Mommy.

Isang simpleng business girl lang si mommy nagtitinda ng kung ano anong beauty products. Si daddy naman iniwan na kami. May iba na syang pamilya, okey lang naman saakin dahil sanay na ako na si Mommy lang ang kasama ko.

Simula mag kaisip ako si mommy na ang nakasama ko. Pero minsan di ko maiwasan ang hindi malungkot pag nakakakita ako ng kumpletong pamilya.

Napailing nalang ako at pilit na iwinawaksi sa aking isipan ang bagay na iyon.

Paglabas ko ng University tumuloy ako sa likod kung saan nandoon ang mga nagtitinda ng Qwek qwek fish ball inshort mga Street foods. Marami din pumupunta dito na estudyanteng kagaya ko.

"Hi Kuya Boggard!" Bati ko sa suki ko

"Oh ikaw pala drey. Eto baso kumuha kana ng sayo" Inabutan nya ako ng baso at stick.

"Mukhang malakas ang benta ngayon ah Kuya!" Napansin ko kasi na halos paubos na ang nasa harapan ng tindahan nya.

Napakamot ito ng batok at ngumiti ng napaka lawak "May isang binata kasing bumili saakin ngayon. Inubos nya lahat ayaw nya ngang kunin yung sukli nya eh. Ayun oh!" Napalingon ako sa lalaking itinuturo ni Kuya Boggard at halos mabitawan ko ang hawak kong baso at stick dahil sa nakita ko.

Si Jack na busy sa pagnguya ng isaw at qwek qwek. Kumakain ito mag isa sa isang bench at parang walang pakealam sa mga taong nasa paligid nya.

"Ayos ka lang ba Drey? Parang natigilan ka ata"

"A-h okay lang po ako" Pag iiwas ko.

Lumingon ulit ako kung nasaan si Jack ngunit wala na sya sa pwesto nya kanina.

Luminga linga ako para hanapin sya. San pumunta yun?

"Who are you looking at?"

"Ay kabayong palaka!" Gulat na sigaw ko dahil sa pagbulong ni Jack sa likuran ko.

Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Tulad ng dati blanko ang expression nya ni hindi ko mabatid kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nya.

"Kanina kapa ba dyan?"

Iling lang ang tanging isinagot nya saakin.

"Magkilala pala kayo!" Buladas ni Kuya Boggard.

Di ko na tuloy nakain lahat ng fishball na kinuha ko dahil sa ilang.

"Ah opo kuya" magalang na sagot ko.

"What do you want?"

"Hah?" Nalilitong tanong ko

"Ts. I said what do you want? I will pay for you" Di sya naka ngiti seryoso lang ang mukha nya habang sinasabi iyon.

"Ah wag na" pagtangi ko pa.

Binilisan ko na ang pagkuha ko ng fishball qwek qwek at isaw.

"Here." May inabot na isang libo si Jack kay Kuya Boggard.

"Sir wag na po. May sukli pa kayo kanina" ibinalik ni Kuya Boggard ang isang libo na ibinigay ni Jack.

"Okay. What is this?" Turo nya sa squidball.

"Squid ball" sagot ko

Kumuha sya ng lima at inilagay sa bago. Napanganga nalang ako dahil sunod sunod nya iyong sinubo. Akalain mo yun parang di sya mayaman kung kumilos.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon