Chapter 36

8.7K 257 26
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata tumambad saakin ang puting kisame.

Nasa hospital ako.

Bigla kong naalala si Jack, tumayo ako agad at inalis ang nakalagay sa kamay ko.

"Ouch" daing ko dahil sa hapdi. Di ko inalintana ang dugo na pumapatak.

Lalabas na sana ako ng bigla nalang akong nanlambot. Sakto naman pagbukas ng pinto at nasalo ako ni Zild.

"Be careful" bulong nya saakin.

Tinulungan nya akong tumayo, nanunubig ang gilid ng aking mga mata.

Sa lahat ng tao na darating bakit sya pa?

Kailangan kong puntahan si Jack.
Pero nandito sya.

Inalalayan nya ako papunta sa higaan ko.

"You're bleeding" hinawakan nya ang kamay ko at tinitigan.

Napakagat ako ng ilalim kong labi, napaka amo ng mukha nya.

Pinunasan nya ang kamay ko gamit ang panyo nya. Itinali nya ito para tumigil ang pagdugo.

"Are you feeling better now?" Tanong pa nito.

Kasabay ng pag iling ko ang pag patak ng luha sa aking mga mata.

"Why are you crying?" Nag aalalang tanong nya.

I know kahit hindi nya sabihin alam kong nasasaktan sya.

Nasasaktan ko yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
Pinunasan nya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki nya. "Shh. Hush now baby. Everything will be alright"

No, everything between us will not be okay.

Pinilit kong pigilan ang luha ko ngunit di ko magawa.

"Zild .." mahinang bulong ko.

Yumakap ako sakanya ng mahigpit, natatakot ako sa pweding mangyari kay Jack.

Napaka sama ko. Si Zild na boyfriend ko ang nasa harapan ko pero si Jack ang nasa isip ko.

"Hey its okay. You need to rest" ihiga nya ako sa hospital bed.

Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

"Im so sorry" umiiyak na tugon ko.

Im so sorry for hurting you Zild. Im so sorry.

Hinawakan nya din ang kamay ko na nakahawak sakanya "Sorry? For what? Silly. Rest first little girl okay? I will be back may aasikasuhin lang ako. Besides nandito naman sila Tita. They are worried too."

Ngumiti ako sakanya "Takecare"

Paglabas ni Zild sakto naman ang pagdating nila mommy at daddy. Bakas sa mukha nila ang pag aalala.

"Anak, okay ka lang ba?" Puno ng pag aalalang tanong ni mommy.

"May masakit ba sayo?" Tanong din ni daddy.

Ngumiti ako ng pilit "Hindi po ako yung nasaktan dad. Si Jack, kasalanan ko ang lahat kung bakit naaksidente sya" patuloy lang sa pag agos ang luha sa aking mga mata.

Niyakap ako ni daddy, naka tayo sa isang tabi si mommy habang pinagmamasdan kami.

"Its not your fault iha. Dont blame yourself" pagpapa intindi ni daddy saakin.

"Gusto ko po syang makita dad"

Nagtitigan pa si mommy at daddy bago ako sinamahan sa kwarto ni Jack.

Sa labas palang ay rinig na rinig ko na ang sigaw nya.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon