Chapter 21

10.5K 319 9
                                    

"Nasa sasakyan na ba lahat ng gamit?" Tanong saamin ni Keizer.

"Yes!" Excited na sagot nila.

Tulad ng napag usapan, ngayon ang alis namin para sa sinet nilang swimming. Sinundo nila kami sa bahay para hindi na masyadong hassle pag uwi.

Dalawang van ang gagamitin namin, yung isa para sa mga gamit namin. Medyo napa dami ata ang mga gamit na dinala nila. Sa pag kakaalam ko dalawang araw lang kami doon.

At yung isa naman ay ang sasakyan namin.

Nasa bahay pa rin kami nina Keizer dahil sa pagkain. Inaayos pa kasi nila ito sa sasakyan.

"Audrey!" Naka ngiting lumapit saakin si Alyxene.

"Hello Aly" bati ko sakanya.

"Si Jack?" Tanong nito saakin.

"Ah. Nasa loob, tumutulong" naka ngiting sagot ko. Pinagtulakan ko si Jack kanina na tumulong sa pag aayos. Ako sana ang tutulong ang kaso ay ayaw naman nya. Nakakahiya naman kasi kung tatayo lang kami dito.

We really need this vacation para maka pag unwind din si Jack. Stress is the reason kung bakit na titrigger minsan si Jack.

"Ahhh. Kaya pala. Sa pag kaka alam ko kasi hindi naman umaalis sa tabi mo si Jack eh!" Natatawang sambit nito na ikinapula naman ng pisngi ko.

Napakamot ako ng batok at nahihiyang tumingin sakanya "Ganon talaga si Jack. Hindi mahilig maki salamuha sa ibang tao"

Napa ahh nalang si Alyxene "Let's go! Puntahan natin sila sa loob!" Yaya saakin nito.

Hinatak nya ako papasok sa bahay nila Keizer. Tulad ni Jack mayaman din sila, hindi na ako magtataka pagdating doon. Wala namang mahirap sakanila. Ako lang

"Hi Aly! Hi Audrey!" Naka ngiting bati saamin ni Yllene.

Kumaway ako sakanya, kahit papaano napalagay na ang loob ko sakanila. Mabait naman kasi ang mga to, hindi katulad ni Catherine na sa tingin ko ay may pag ka masungit. Bigla ko tuloy naalala si Eya.

Namimiss ko na si Kendra, simula ng maging mag asawa kami ni Jack. Hindi ko na sya nakita

"hello girls!" Bati saamin ni Tita Malou.

Pinaghanda nya kami ng juice at sandwich para may laman daw ang tyan namin bago umalis.

"Kumain kayo ng marami mga anak"

"Opo. Thank you po" sabay sabay naming sagot.

"Ang bait talaga ni Tita Malou" biglang napabuladas na sambit ni Charlene.

"Oo nga. Kaya you're lucky Catherine!" Wika ni Ylene.

"Mabait naman lahat sila" singit ko.

Sumang ayon naman silang lahat sa sinabi ko. Habang kumakain kami pinagmasdan ko ang buong bahay nila Keizer. Ang swerte nila dahil lumaki sila na may mayamang pamilya. Hindi nila mararanasan ang maghirap.

"Grabe. Ang gwapo talaga ni Kuya Zild!" Kinikilig na sambit ni Aly.

"True!" Pag sang ayon ni Ylene at Catherine.

Napalingon naman ako sa tinitignan nila. Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko dahil sa gulat.

Ang gwapo nga, pero bakit parang ang sungit ng dating nya? Eto ba ang sinasabi nila na kapatid ni Keizer? Zild. Sa pag kaka alam ko dalawang taon lang ang tanda nito kay Keizer at halos kaedad lang ni Jack. Sa states daw nag aral ito dahil matalino sya. Masungit at madalang lang daw itong ngumiti kabaligtaran ng ugali ni Keizer.

Naka pamulsa itong bumaba bitbit ang poker face nyang mukha.

"Hello Kuya Zild!" Bati sakanya ni Catherine pero wala itong nakuhang sagot.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon