Chapter 15:

11.1K 334 15
                                    

"What?" Di maka paniwalang tanong ni Jack.

"Let me go home please. Kahit wag mo na akong ihatid. Maglalakad nalang ako or I'll take a cab" pagpupumilit ko habang tumutulo ang luha sa aking pisngi.

"Jack!" Napayuko ako dahil sa pagtawag ni Daddy kay Jack.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nasa harapan ko si Jack. Nasa harap saakin ang matinpuno nyang dibdib.
Napasinghap ako ng bigla akong hilain ni Jack at niyakap ng mahigpit. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na niyakap nya ako ng ganito kahigpit. Aaminin ko sobra kong namiss ang ganitong pakiramdam.

"Shh. Hush now baby. I will drive you home, you need to rest"

Di ako maka kibo, nanatili lang akong nakayakap sakanya.

"Jack" tawag ulit ni daddy.

Hinawakan ni Jack ang kamay ko bago kami humarap kay Daddy.

"What? You want to talk with her? Your daughter?" Naka ngising tugon ni Jack.

Natahimik bigla si Daddy, nanatili lang akong nakayuko.

Hinatak ako palabas ng bahay. I take a last glimpse of my dad before we left.
Sadness and pain was written all over his face. Bakit sa lahat ng tao si Daddy pa? Ganito naba talaga kaliit ang mundo para saakin.

"Don't cry. Napaka pangit mo"

Humarap sya saakin at pinunasan ang luha sa aking pisngi.

Seryoso ang mukha nito. Tahimik lang ako buong byahe. Di ko alam kung ano paba ang papasok sa isip ko. Si Daddy ang step Father ni Jack. Sa pag kaka alam ko hindi pa tuluyang hiwalay si Mama Yzza sa totoong daddy ni Jack. Pero kahit anong gawin ko hindi maalis alis sa aking isipan ang mukha ni Daddy.

Akala ko noon kapag nakita ko sya yayakapin ko sya ng mahigpit.

Sasabihin ko sakanya kung gaano ko sya namiss. Di ako galit kay Daddy, hindi ko lang kaya na harapin sya lalo na sa ganitong sitwasyon.

"I will tell mommy about this" biglang sabi ni Jack na ikinalaki ng mga mata ko.

"No. You don't have to. Hindi ko na din naman hahabulin si Daddy" pagtanggi ko

Nakikita ko sa mga mata ni Mama Yzza na mahal nya si Daddy. Kaya ko bang sabihin kay mommy na nakita ko si Daddy at sya ang boyfriend ni Mama Yzza.

Itinigil ni Jack ang sasakyan nya sa harap ng isang Ice Cream shop.

"I never wanted to be his child. I never imagine him to be my dad. Dont worry Daddy never wants to sign the paper. I know you love your dad so much so please hush now. Stop crying. Damn it. I don't even know why am I even comforting you bitch?"

Natigilan ako sa sinabi ni Jack, bakit parang nag iba ang ihip ng hangin. Kahit may pahabol pa na masakit na salita ay ayos lang

He's concern about me. I don't really understand him but I like him more now, the way he asked me if I'm okay. Ngayon lang ulit niya ako tinanong kung ayos lang ba ako.

"Lets eat ice cream it will help you to feel a little bit better"

Iniwan nya akong naka tunganga sa sasakyan.

"Hey!" Sigaw nya.

Kaya halos madapa ako sa pagmamadali para mahabol sya.

Binili ako ni Jack ng apat na flavor ng ice cream. Strawberry, chocolate, avocado at Cheese. Sunod sunod ang paglunok na ginagawa ko dahil sa apat na galon na nasa harap ko.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon