Chapter 25

9.7K 273 10
                                    

WARNING: SPG 😂
--

Pagkatapos ng nangyari, napag desisyonan na na ming umuwi ni Jack para iwasan ang gulo. Ayoko naman na dahil saamin kung bakit mag kakagulo sila. Ang akala ko pa naman ay magiging masaya ang bakasyon namin.

Napa buntong hininga akong humiga sa aking higaan.

Hindi ko alam kung anong naisipan ni Zild at hinalikan nya ako.

"Balik na naman sa dati" bulong ko sa sarili ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko, inalala ko ang bawat sandali na mag kasama kami ni Jack. Yung mga masasayang alaala na itatago ko habang nabubuhay ako. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil bigla nalang pumasok si Jack.

"Can we eat? Im hungry" blanko ang expression nito.

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo. "Ah oo. Sandali lang ipagluluto kita"

Di sya kumibo tumalikod na sya, narinig ko ang pagbukas sara ng pinto sa kwarto nya. Nagpalit ako ng damit bago bumaba para ipagluto sya.

Bigla nalang akong napa ngiti habang pababa ako ng hagdan. Naalala ko kasi noong ipinagluto nya ako.

Jack is not a perfect guy. He doesn't know how to cook. He has a lot of flaws but his Imperfection makes him perfect in my eyes.

Ipinagluto ko sya ng sinigang na baboy. Hinanda ko na ang mesa, sakto naman ako dahil pababa na sya.

"Kumain kana" naka ngiting tugon ko.

Napa awang ang bibig ko ng hatakin nya ako at pinaupo sa lap nya.

"Lets eat together. I will feed you" bulong nya sa tenga ko.

Naiilang akong humiwalay sakanya, hinigpitan nya lang lalo ang pagkaka yakap nya.

"Come on Eingrid" nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa ginawa nya.

"Paano ka kakain kung ayaw mo naman akong bitawan?"

Wala akong nakuhang sagot kaya nilagyan ko nalang ng pagkain ang plato nya.

"Mainit pa"

Nabitawan ko ang kutsarang hawak ko sa susunod nyang sinabi.

"Im going to US for 6 months"

Hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sakanya.

"Look at me" bulong nya.

Naiyukom ko ang aking kamao sa di ko malamang dahilan.

"Anim na buwan lang naman akong mawawala. Dad needs me wala nang ibang maasahan si Dad kung hindi ako" pagpapaliwanag nya.

Anim na buwan? Hindi naman ganon katagal ang anim na buwan hindi ba?
Pero bakit iisipin ko palang na mawalay sakanya ay nalulungkot ako. Kahit sya na ang pinaka masamang tao sa mundo hindi ko kayang mawalay sakanya kahit ilang araw oh oras lang.

"Alright!" Pilit kong pinasigla ang boses ko, ayokong ipakita sakanya na nalulungkot ako.

"If you want I can stay here just tell me." Pag papagaan nya ng loob ko

Sunod sunod ang pag iling na ginawa ko.

"Your daddy needs you besides my phone naman para maka pag usap pa rin tayo"

Hinaplos nya ang pisngi ko, dahan dahan pababa sa labi ko.

"I will miss you" bakas sa mga mata nya ang lungkot.

"Kailan kaba aalis?" namamaos na tanong ko

"1 week before" natigilan ako sa sagot nya.

Nextweek? Nextweek na agad. Bakit napaka bilis naman ata.

Marrying The PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon