26 ~ Rivalry

237K 5.8K 674
                                    

"YOUR story makes people inspired. Hindi lahat ng babae ay kasing tatag mo Dra. Venisse, you are one of a kind." Napangiti na lamang siya sa gwapong lalaking katabi niya pala sa upuan at ngayon niya lang iyon napansin.

Kakatapos niya lang kasi mag speech at kasalukuyan na binigyan muna sila ng thirty minutes break before the seminar's start.

"Thank you Doctor—"

"Troy James." Inilahad nito ang isang kamay sa harap niya kaya tinanggap niya iyon.

"Venisse Lucas." And shook his hand.

"You know," Muli ay napatingin siya sa gwapong mukha nito. Ramdam niyang gusto pa siya nitong makausap at sino ba siya para tumanggi? He seem so nice. "You deserve someone who will love you more than you love him and I hope you'll find the right one in a perfect time."

She smile at Troy. "Thank you ulit ha. Pinapalakas mo naman ang loob ko."

"Don't tell me walang nanliligaw sa iyo? Sa gandang mong iyan?" Bolero rin pala ang isang ito. "Don't get me wrong, hindi kita binobola Dra. Venisse." And mind reader din. "But seriously, wala ba talaga?"

"Well..." Pambibitin niya at hindi sinasadya na napatingin sa gawi ni Cassidy na ang dilim-dilim ng mukha na masama ang pagkakatingin sa lalaking kausap niya.

"Well?"

"Walang nanliligaw sa akin." Parang nakahinga ng maluwag si Dr. Troy sa sagot niya. "Hindi nga rin ako tumatanggap ng manliligaw—" Mahina siyang napatawa ng bumagsak ang balikat nito. "Hey," She patted his shoulder.

"Ayaw mong magpaligaw?"

"Hindi naman sa ayaw. Iniisip ko lang 'yung anak ko."

"Ah, Madeleine. How old is she?" Gumaan ang pakiramdam niya ng makita niya sa mga mata nito ang pagiging interesado nito sa kanya at sa anak niya. Ibig sabihin, tanggap siya nito.

"Four years old." Kinuha niya ang cellphone sa bag at ipinakita ang pictures ni Madeleine.

"She so cute!" Titig na titig ito sa anak niya habang tinitignan ang mga larawan sa cellphone niya. "Your daughter is—"

"Our daughter." Nag-angat siya ng tingin ng marinig ang baritinong boses na iyon.

"Cassidy!"

"Oh, the father?" Troy lifted his eyebrows and smirk at Cassidy. "I see."

"Don't look at my daughter you—"

"Cassidy ano ba?" Sita niya. Ayaw niyang magkagulo kaya ngayon pa lang dapat masindak niya na ito. "Nag-uusap kami ng maayos dito ni Troy. Hindi mo kailangan makialam."

"I thought this is a freaking seminar not a fvcking date!"

"Who told you na nagdi-date kami? Can't you see? Nag-uusap kami! God!" Napahilot siya sa sintido.

"Guys, chill."

"How can I?" Cassidy glared at Troy. "Can you get your ass off?"

"That? I can't do that. We are in a seminar, we destined to be here so you have to deal with it, man."

"The hell I care?" Inilapag ni Cassidy ang mga palad sa lamesa nila at dumukwang kay Troy. Nagtatagis ang mga bagang nito sa galit but Troy doesn't mind it, nananatiling cool lang ang aura ng gwapong doctor. "Stay.Away.From.Her." Mahina ngunit mahihimigan ng galit sa boses nito.

"Cassidy enough. Umalis ka na, please." May diin din sa boses niya dahil nakakaagaw na sila ng atensyon.

"No!"

RACE 3: One Hot Night (Cassidy Forbes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon